85 - Feels

23 2 0
                                    

Messenger

Daina Sanchez
APRIL 26 2021, AT 11:06 PM

Daina! Huhu!

Seen, 11:13 PM

11:14 PM

Daina: Bakit?

Daina: Problem?

DAINAAA!

Daina: Ano nga yun?

Help me! Huhu!

Daina: Hiraya Rodriguez, sasabunutan kita kapag hindi mo pa sinabi sa akin yan.

I KISSED KAIRUS ON THE CHEEKS AND I TOLD HIM THAT I LOVE HIM!

Daina: YOU WHAT???

Bakit nag-all caps ka rin?

Daina: NAGULAT AKO, EH?

Daina: TOTOO BA YANG SINABI MO?

Wag kang mag-all caps. Masakit sa mata.

Daina: Nauna ka kaya? My, God, Raya!

Daina: Ano na? Magkwento ka na!

Dainaaa! Huhu!

Hindi ko alam kung paano haharap kay Kairus pagkatapos ng ginawa ko.

Daina: Umpisahan mo sa umpisa yung kwento!

Di ba, umalis kami ni Kairus nung isang gabi.

Daina: Ah, yung itinakas ka niya nung birthday mo.

Hindi naman itinakas. May pinuntahan lang kami!

Daina: SAAN? NAG-CHECK IN KAYO?

Gaga! Hindi!

Daina: Hahahaha!

Daina: O, tuloy mo na kwento!

Nagpunta kami sa isang recording studio! Ni-record ko yung kantang isinulat ko dati.

Hindi ko alam, pero prinoduce na pala ni Kairus yung lyrics na sinulat ko dati. Ginawa niyang posible ang lahat para doon at sa akin niya ipinakanta. Huhu!

Daina: OH, MY GOSH!

Daina: Kairus best boy talaga.

Isa yun sa pinakamagandang gift na natanggap ko. Alam mo naman na pangarap ko talagang maging singer at magkaroon ng sariling kanta, di ba? Huhu!

Daina: Yes! So happy for you, Raya.

Tapos nung pauwi na kami, binigyan pa niya ako ng bouquet of chocolates. Alam niya kasing favorite ko ang chocolate.

Kaya naman hindi ko na napigilan ang sarili ko. Bago ako bumaba ng sasakyan, hinalikan ko siya sa pisngi at sinabi ko na, I love him. Huhu!

Don't judge me, okay? Nagulat din ako. Siguro, dala ng overwhelming feeling? Ewan, hindi ko alam!

Daina: OMG KA! HAHAHA!

Anong gagawin ko, Daina?

Parang wala na akong mukhang maihaharap kay Kairus.

What if ito yung sumira sa friendship na meron kami? Ang tanga-tanga ko! Huhu!

Daina: Hindi ka tanga, okay? Feelings mo yan, hindi yan mali.

Daina: At least, nasabi mo na talaga ang nararamdaman mo para sa kanya.

Eh, paano nga kung...

Daina: Hep! Puro ka what if, eh. Why don't you just face Kairus para magkaalaman na kayo.

Hindi ko nga alam kung paano!

Daina: Hmm... leave it to me.

Anong plano mo?

Seen, 11:22 PM

11:27 PM

HUY, DAINA!

ANO SABING PLANO MO?

Delivered, 11:28 PM

11:31 PM

Kinakabahan ako sa mga balak mong gawin. Huhu!

Delivered, 11:32 PM

--

Messenger

Kino Velasquez
APRIL 27 2021, AT 1:07 AM

Kino: Boss Kairus!

Seen, 1:42 AM

1:44 AM

Bakit?

Kino: May napapansin ako sayo. Hahaha!

Ano na namang katangahan yan, Kino?

Kino: Luh? Katangahan agad?

Kino: Pansin ko kasi, parang aligaga ka kasi. May problema ka ba?

Kung ano-anong napapansin mo.

Kino: Aba, concern lang naman ako sayo.

Kino: Ayoko ng nakikitang aligaga at malungkot ang paborito kong pinsan.

Ulul!

Tigilan mo nga ako!

Kino: Tangina! Gagalit ka pa sa akin, nag-aalala na nga ako sayo? Hahaha!

Kino: Gusto mo, sumama ka na lang sa akin mamaya? Unwind tayo.

Saan?

Kino: Basta! Ako na ang bahala.

Kirk Iñigo, sinasabi ko sayo.

Pag yan, katangahan na naman...

Kino: Taena! Magtiwala ka sa akin, for sure matutuwa ka sa akin.

Ang problema, hindi ka katiwa-tiwalang tao, eh.

Kino: Gago! Foul!

Hahahaha!

Anong oras mamaya?

Kino: Mga 2 PM.

Kino: Be ready, okay? Hahaha!

👍

Seen, 1:51 AM

Saving GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon