44 - Trending

74 13 6
                                    

Messenger

Pamilyang Magaling = Velasquez Clan
FEB 7 2021, AT 10:50 PM

Maze: OMG!

Seen by everyone

10:53 PM

Legend: Ano na namang problema mo, Maze?

Maze: Kuya Kairus!

What?

Reign: Kuyaaa!

Ano ba yun?

Kuya kayo ng kuya dyan.

Reign: Top trending ka sa Twitter!

Maze: Trending #1 din sa YouTube ang latest vlog mo!

Jander: Waw! Pa-sikat. Hahaha!

Wag n'yo akong gaguhin!

Yuan: Totoo nga, Kairus. Napa-check ako sa Twitter ko. Hahaha!

Kino: Uy, teka! Trending din si Raya, ah.

Kino: The power Kairus Cross Velasquez holds.

Kino: Hahahaha!

Legend: #FindingRaya #SinoSiRaya #KaiRayaLang

Maze: Kuya Kairus! Kinabog mo ang BTS at SB19 ngayon sa dami ng related hashtags mo, ah. Hahaha!

Reign: Curious na talaga akong makilala yang si Hiraya. Huhu!

Maze: Kaya nga. Lalo na nang mapanood ko yung latest vlog ni Kuya.

Legend: Mas curious ako sa laman ng letters.

Jander: For Kuya's eyes only daw yun, kaya wag ka ng sumubok na mabasa yun. Hahaha!

Kino: Mas curious siyempre si Boss Kairus kay Hiraya. Hahaha!

Kingina mo!

Kino: O, bakit sa akin ka nagagalit? Hahaha!

Kino: Di ko naman kasalanan na umalis pala si Raya at di alam ni Daina kung saan nagpunta. Hahaha!

Reign: Di ba talaga alam ng friend mo kung nasaan si Raya, Kino?

Jander: Friend? Hahaha!

Kino: Hindi talaga alam ni Daina. Di daw nagsabi sa kanya si Raya, eh.

Manahimik ka na lang.

Wala kang silbi!

Kino: Aba, potaenang ito ah.

Kino: Pasalamat ka na nga dapat sa lahat ng tulong ko.

Kino: Walang utang na loob! Hahaha!

Legend: Wala naman palang silbi. Hahaha!

Yuan: Sakit naman n'on. Hahaha!

Kino: Mga ulol!

Jander: Hahahaha!

Seen by everyone

--

Kairus'

Hindi ko alam kung pinaglololoko lang ako ng mga kapatid at pinsan ko. Trending? Iyong vlog ko? Tsk! Mga wala talagang magawa sa buhay.

Pero dala ng curiosity, binuksan ko ang YouTube channel ko. Nagulat ako nang makitang trending nga ang latest vlog ko. Trending #1!

Nagbasa ako ng ilang comments. At hindi ko alam kung matutuwa o matatawa ako sa mga nababasa ko.

Grace of God
2M views • 1 day ago

Kairus Cross
8.98M subscribers

Comments 5.7K

KenDisBiLab: Boss Kairus, lodi talaga kita. By the way, jowa mo ba si Raya?

3rdeeee: Lods, sino si Raya? Swerte naman niya. Pwedeng ako na lang?

FollowMeBack: Sino si Raya? Nasaan si Raya? Ako yata si Raya.

Boss Kino: Ayun na ngaaa. Boss Kairus lang mapagmahal. Hahaha!

Flerie Ann Jimenez: Kuya Kairus! Sino si Raya?

Kayden Harvey: Hmm...

Yuan That Got Away: Ipakilala mo na sa amin yan! Hahaha!

KEN Suson: #FindingRaya na ito, lods.

      | FelipLangMalakas: Huy, chicKEN! Anong ginagawa mo rito? Haha! Hanapin na ba natin si Raya para kay Boss Kairus?

      | Keunaaa: Felip Jhon Suson, natagpuang nakikihanap sa jowa ni Kairus. Haha!

      | Kurochan: Tara, ipa-trend na yan! #FindingRaya

      | AshchiKen: Sali ako! #FindingRaya #ParaKayKairus

Mighty Legend: Pumapag-ibig na rin naman eh. Hahaha!

Puzzled Maze: Tulungan ka na ba naming hanapin si Raya? Haha!

Killian Torres: #FindingRaya

      | Boss Kino: Hoy! Pansinin n'yo si Kian. Pinakatahimik yan sa tropa, pero tingnan nyo naman. #FindingRaya na tayo. Haha!

      | Jander Velasquez: #FindingRaya

      | Flerie Anne Jimenez: #FindingRaya

      | ElaGabrielle: #FindingRaya

      | Nicko Robin: Iba rin trip ni Kian, eh. Hahaha! #FindingRaya

      | Ako Si King Russel: Su4t namin ang aports namin. #FindingRaya

Dainaaa: Kapag nakita ko ang kaibigan ko, wag kang mag-alala, itutulak ko na papunta sayo. Hindi mo na kailangang hanapin pa.

Dianne Louise: OMG! #FindingRaya tayooo!

Hindi ko namalayan na bahagya na akong nakangiti. Nababaliw na siguro ako. Hindi ko magawang magalit sa mga kaibigan ko dahil sa pangunguna nila sa kalokohan, kaya pala kami nag-trending ni Raya.

At dahil sa kalokohan nilang iyon, nakaisip ako ng isang idea. Sana lang maganda ang maging resulta ng naiisip ko.

Saving GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon