March 1, 2021
Hiraya's Blog Post
Of Foods and Inspiration by: Keep the Faith
1 day ago- 3-minute readRead More >>
Masaya ang araw ko ngayon kasi wala akong ginawa kundi makipagkuwentuhan at makipagkulitan sa Team Wam-Pataas. Mukhang nasasanay na talaga ako na lagi silang kasama. When I'm with them, para bang ang bilis ng oras kasi sobra akong nag-e-enjoy. There was never a dull moments with them. Napalitan na ng saya iyong mga oras na lagi akong umiiyak dati.
Na-enjoy ko talaga iyong pagluluto namin. Kahit simpleng pagkain lang ang iniluto namin, masayang-masaya ang pakiramdam ko. Dumagdag pa na paboritong pagkain ko talaga iyon.
Kairus is full of surprises talaga. He never failed to amaze me. Sobra kong na-appreciate na ang napili nilang lutuin namin ay ginataang hipon. Hindi ko na matandaan kung nabanggit ko ba sa kanya ang paborito kong pagkain, pero kung hindi... magaling talaga siyang gumawa ng paraan para malaman ang mga bagay-bagay. Pakiramdam ko, sobra na nila ako kung i-spoil.
Well, speaking of Kairus, hindi ko alam kung saan ako kumuha ng kapal ng mukha na aminin sa mga kapatid at pinsan niya na crush ko siya. Soon, malalaman na rin iyon ng maraming tao dahil sigurado akong makakasama iyon sa vlog niya.
Ewan ko ba, pagdating kay Kairus, nakakagawa talaga ako ng mga bagay na hindi ko naman nagagawa dati.
Dahil nga sa mga pinagdaanan ko, sobrang reserve kong tao. Kaya hindi ko ma-imagine na nakaya ko iyong sabihin sa harap ng camera. Baka nga kapag napanood iyon ng mga magulang ko, magulat sila nang todo. Pero ang weird lang din.Although nakaramdam ako ng kaunting hiya pagkatapos kong sabihin iyon, nakaramdam din ako ng... tuwa? Para bang natural na lang sa akin na sabihin iyon. Well, iyon naman kasi ang totoo. Crush ko si Kairus. I really admire him. I like him.
Saka, naisip ko na lang din ngayon, hindi naman nakakahiyang sabihin iyon, eh. Hindi nakakahiyang maging idolo at crush si Kairus, kasi kahanga-hanga naman talaga siya. Kaya hindi ko itatanggi na nagkagusto ako sa kanya. He inspires me to do well. Isa rin si Kairus sa mga dahilan kung bakit gusto ko ng tuluyang gumaling. He saved me countless of times, kaya gusto ko sanang maging proud siya sa akin.
Sinabi ko na kay Kairus ang sitwasyon ko. I was diagnosed with PTSD or Post Traumatic Stress Disorder. But I'm doing well these days. 'Ayun nga, patuloy pa rin ang therapy ko. Pagkatapos, gumagawa rin ako ng mga activities na makakatulong sa akin.
Sinabi ko ito kay Kairus hindi lang dahil ayaw kong maglihim sa kanya kundi para makiusap na rin sa kanya. Since isinasama niya na rin naman ako sa mga content niya, gusto ko sanang slowly, through his vlogs ay maka-inspire din ako kahit paano ng viewers na katulad kong may pinagdadaanan.
Kairus being Kairus, na-excite agad siya sa idea ko. But he warned me about the negative side. Siyempre, hindi naman lahat ay mapi-please ko. But I'm not a clout chaser kaya wala akong dapat ipangamba.
Based on my situation right now, I still need help, but it doesn't mean that I can't help someone, too.Sabi nga sa isang quote... at ito rin ang iiwan ko sa inyo sa pagtatapos ng blog na ito. Let's all reflect on that.
"No act of kindness, no matter how small, is ever wasted." -Aesop