Of Travels, Bravery and Freedom by: Keep the Faith
1 hour ago— 3-minute readRead More >>
Hi, guys! How are you today? I hope all is well for all of us. Umaga na naman, isa na namang araw ang haharapin natin. At alam kong maitatawid ulit natin ang araw na ito.
Actually, nagsusulat ako nito ngayon habang nakasakay kami sa eroplano. Yes, pauwi na kami. Tapos na ang Cebu trip namin. At ipinapangako ko na babalik ako dito. Sobrang ganda ng Cebu!
Anyway, ito na nga. Inaaliw ko ang sarili ko sa pagsusulat. Though medyo nawala na iyong anxiousness ko sa pagsakay sa eroplano. Siguro, nakatulong din iyong pag-i-skydiving namin. At yes, hindi ko pa nakakalimutan na kukuwentuhan ko kayo nang bahagya sa naging experience ko sa skydiving.
Be brave.
Isa pa iyan sa mga natutunan ko sa trip naming ito. Sometimes, it takes us just ten seconds to have that insane bravery. All you need to do is trust yourself that you can do it.
Nang tanungin ako ni Kairus kung hindi ko naiisip na mag-back out sa skydiving activity namin, I'm being honest with him. I answered him no. Although I'm afraid and anxious, hindi ko talaga naisip mag-back out.
Paggising ko pa lang nang umagang iyon, pagmulat pa lang ng mga mata ko, decided na ako. It takes me seconds to decide that I'll do it. That I must do it. That I have to conquer my fear. And that I have to be brave to be able to do that.
While we're on the plane at naghahanda na para sa pagtalon, walang nakakaalam sa mga kasama ko na tahimik akong nagdadasal. Ganoon ako katakot, pero ganoon din ako kadesidido na ituloy ang adventure na iyon. Yes, itinuturing kong isang personal adventure ang pag-skydive ko. I'm praying for His guidance. Na pagkatapos naming mag-skydiving, safe pa rin ang lahat.
Then, before jumping out, I did something that needs my bravery as well. Alam n'yo kung ano iyon?
I hugged Kairus! I hugged him for the second time! Iyon kasing unang beses, parang reflex, eh. Naikuwento ko naman na sa inyo iyon, 'di ba? Alam n'yo iyong natuwa at nakahinga lang ako nang maluwag kasi nagawa ko uling makaapak sa tubig dagat kaya ko siya nayakap.
Pero itong pangalawang beses na niyakap ko si Kairus, hindi na ito dahil sa reflex lang. Hindi na ito dulot ng adrenaline. Personal choice ko na yakapin siya.
Sa yakap na iyon, gusto kong iparamdam kung gaano ako nagpapasalamat sa kanya. Gusto kong iparamdam na sobrang na-appreciate ko lahat ng ginagawa niya, nilang lahat para sa akin. Gusto kong iparamdam na, handa na akong maging matapang at harapin lahat ng pagsubok na darating pa. Gusto kong iparamdam na... mahal ko siya.
Hindi ko na tiningnan pa ang reaksiyon ni Kairus o ng kahit na sinong kasama namin pagkatapos ko siyang yakapin. Bukod sa hindi ko alam paano magre-react sa mga tingin nila, mas nag-focus na ako sa gagawin kong pagtalon.
And when I'm finally jump, isinigaw ko ang naramdaman kong takot. Natural lang naman iyon, 'di ba? Pagkatapos niyon, isinigaw ko naman ang mga gusto kong sabihin. Sa sarili ko. Sa mga taong nagmamahal sa akin. Basta sigaw lang ako nang sigaw habang nag-i-skydive.
That moment, I felt so bold, so brave, so free. Finally, I was given the opportunity to be able to fly. To breathe. Sobrang sarap sa pakiramdam. At nagpapasalamat ako na naranasan ko ito. Nagpapasalamat ako na nagawa ko ito. Dahil hindi ako sumuko. I became weak, yes. But grateful na hindi tuluyang nag-give up.
Kaya ikaw na nagbabasa nito, anuman ang pinagdadaanan mo, alam kong kaya mong lagpasan yan. Mahirap at madilim man ang daan, darating din ang ginhawa.
Just remember those times that you don't want to get up because you're too tired, but you did. Those times that you don't want to move at all because you don't have the strength to, but you did. Those times that you don't want to do anything because you've lost all the motivations that you have, but you did. Those times that you don't want to live but you're still here, breathing.
That's actually the courage. That's the courage that you have for you to be able to fight the demons inside your head. You're brave. Always remember that.
It's not the destination, it's the journey. The journey that you have to experience para makarating sa inaasam mong happiness.
Anyway, iyan na lang muna sa ngayon ang kuwento ko. Sobrang sulit na sulit ang pagpunta at gala namin dito sa Cebu. Every experiences was one for the books. Hindi lang mga mata ko ang nabubusog dahil sa magagandang tanawin. Nabusog din ang puso dahil sa mga realizations at learnings na nakuha ko sa trip na ito.
Til next kuwento, guys. Til next adventures and learnings!
Remember, free yourself from your own demons. Be brave.
LIVE. LAUGH. LOVE.
