December 13, 2019
Hi, Kairus!
Gulat ka ba? Haha! This is my first letter to you. Thank you letter lang ito, huwag kang mag-expect ng kung ano. Char! Hindi ko alam kung may mga gumawa na rin nito para sa 'yo. Kung wala pa, eh, di special ako. Haha!
Well, I was actually searching ways on how to hurt myself. Wala na kasi akong ganang mabuhay. Hindi ako nakikiuso sa mga sad ghurl, ah. Lol! Actually, my life is a mess, that's why I want to end it. Pero ewan ko ba kay YouTube, malakas ang trip, bigla na lang lumabas sa recommended to watch ang video mo na may title na, "Exercise." Hindi ko rin naman maipaliwanag kung bakit pinindot ko iyon para panoorin. I guess, it's destiny? Hehe! I'm destined to be your fan. Oha!
Surprisingly, I find myself laughing at your video. Nakakatawa naman kasi talaga, lalo na iyong mga ibinigay mong paraan ng "tamang" pag-e-exercise. Ang funny rin ng background music mo. Mag-exercise Tayo Tuwing Umaga talaga? Haha! Lakas ng trip mo, eh.
Pero, ang weird lang. Kasi hindi ko alam kung bakit ginawa ko pa rin ang mga paraang sinabi mo kahit alam ko namang puro lang iyon kalokohan. Wala rin namang makakakita sa akin kasi mag-isa lang ako sa kuwarto ko. At... ginaya ko rin ang background music mo.
And guess what? Medyo gumaan ang pakiramdam ko pagkatapos kong gawin ang mga sinabi mo. May magic ka ba? Bakit naging ganoon ang feeling ko? Pakipaliwanag nga. Kidding!
Well, alam mo kasi, noong bata ako, medyo chubby ako, kaya naman tabachoy ang tawag sa akin ng mga kalaro ko. Pero I don't mind that. Hindi naman kasi ako napipikon sa mga pang-aasar nila since alam ko namang way lang iyon ng paglalambing nila. Saka, as I grow older, with the help of my friends-iyong mga nang-aasar din sa akin-right exercise-iyong tamang exercise talaga, hindi katulad ng sa 'yo-and proper diet, naging okay rin ang katawan ko. Sabi nila, sexy na raw ako. Hindi ako nagyayabang, ah. Sinabi talaga nila iyon sa akin. Hay, bigla ko tuloy na-miss ang mga kababata ko. Napa-reminisce ako nang wala sa oras dahil sa video mo. Not that I blame you, ha? Baka isipin mo sinisisi kita, eh.
Ayun, mabalik ako sa video mo. Sobrang nakakaaliw lang talaga, lalo na nang isama mo iyong lola mo sa video. Ang kulit mo lang talagang panoorin. Right there and then, you have saved me. You saved me from dying, literally and figuratively. You and your video gave me another reason to smile again. It's true. Baka kasi maisip mo na ine-echos lang kita. Hindi ko rin maintindihan kung paano nangyari iyon. It just... happened. You just... saved me.
At dahil nag-enjoy ako sa video mong iyon, I promise myself that I will watch all your videos. Gusto ko uling tumawa, eh. Gusto ko uling ma-feel maging masaya kahit sa panonood lang. Gusto kong makawala sa nararamdaman kong sakit, kasi itong sakit na ito, hindi visible, mas malalim, mas mahirap paghilumin. Baka-sakaling dahil sa mga videos mo, maging mas masaya pa ako.
So, instead of searching ways on how to hurt myself, I will be searching for your funny videos. Thank you, Kairus! Salamat na rin kay YouTube for recommending your videos to me.
Ewan ko nga ba kung bakit ngayon lang kita na-discover. Medyo sikat ka na pala? Haha! Pasensiya na, introvert kasi ako, eh. Pero hindi pa naman huli, 'di ba? Oha, ang lakas mo rin talaga sa akin, eh. Isang video mo pa lang ang napapanood ko, pero fan mo na agad ako. Ganoon ka kagaling. Ganoon ka ka-lodi.You have this certain charisma in you. Hindi ako nambobola, ah. Promise! Lol!
Ito na lang muna sa ngayon. Thank you ulit for saving me. ❤
-Live, Laugh, Love
Ps: Pahiram lang ng outro mo, ah. Ang ganda kasi. Three words lang iyan, pero very inspiring.