February 18, 2021
Kairus’ Vlog Content
Wazzup sa inyo, mga trops! Today, today, today! Yes, today ay may makakasama tayong malupit. Thankful ako na napapayag ko siya na makasama sa video ko na ito. I’m sure, marami kayong matututunan sa kanya.
(Nicko Robin on the background)
Tol, bakit parang mahahalata ang excitement sa boses mo? Sino ba iyang makakasama mo? Hahaha!
Manahimik ka diyan, Ribo, kung ayaw mong palayasin kita ngayon.
(Kino on the background)
Hindi mo maaasar iyan ngayon, Ribo. Maganda ang gising at araw ni Boss Kairus. Tingnan mo, kanina pa iyan nakangiti. Hahaha!
Pasensiya na ulit sa mga walang kuwentang naririnig n’yo, mga trops. Marami lang papansin sa paligid. Hindi ko naman sila kailangan ngayon, hindi ko kailangan ng ambag nila—kasi iyong makakasama ko ngayon, sapat na—pero ngayon sila mga nagpapapansin.
(King Russel on the background)
Sino ba iyang makakasama mong iyan at parang ipagpapalit mo na yata kami diyan?
(Yuan on the background)
Hindi lang iyon. Bakit parang… parang kinikilig si Kairus ngayon. Hahaha!
Hindi kayo magsisilayas diyan? Umalis kayong mga walang bilang!
(Nicko Robin on the background)
Ang sakit mo namang magsalita, Boss Kairus, por que kasama mo si… Hahaha!
(Killian on the background)
Masama na ang tingin ni Kairus. Magsialis na tayo at baka manuntok na iyan.
Mabuti na lang at may matino pa rin akong kaibigan. Salamat naman, Kian. Palayasin mo na nga iyang mga iyan.
Mabalik tayo sa makakasama ko, mga trops. Well, natatandaan n’yo ba iyong babaeng nabanggit ko sa nakaraan kong vlog? Si Raya. Pasensiya na, mga trops, pero walang nakahanap sa inyo sa kanya, kaya walang nagwagi sa 100k na premyo. Better luck next time, mga trops. Haha!
Anyway, iyon na nga, walang nakahanap sa inyo, kasi… ako ang nakahanap sa kanya. And she’s here with me. So, mga trops, gusto kong ipakilala sa inyo si Hiraya, but we call her Raya. Oo, feeling close ako kaya Raya na rin ang tawag ko sa kanya. Haha!
Kairus: Welcome sa vlog ko, Raya. Maraming naghanap sa 'yo na mga trops natin diyan. Haha!
Raya: Uhm... Hi sa inyo.
Kairus: Teka, nahihiya ka ba? Haha!
Raya: Ah, ano... medyo. Hehe! Pasensiya na po sa inyo. Hindi kasi talaga ako sanay sa ganito. I mean...
Kairus: Wag kang mag-alala, nahihiya rin naman ako sa 'yo, pero dahil makapal ang mukha ko, hindi masyadong halata. Haha!
(Nicko Robin on the background)
Hoy teka, bakit parang kinikilig talaga si Kairus? Hahaha!
Kairus: Raya, wag mo ng pansinin iyong mga panggulo sa paligid, ah. Ituring mo na lang silang mga alikabok.
Raya: Haha! Nakakatuwa nga sila, eh. Di ba nga, sabi ko pa sa 'yo, baka pwedeng sumali sa tropahan n'yo?
(Yuan on the background)
Pwedeng-pwede, Raya. Baka nga kahit sa pamilya namin, pwede kang sumali. Hahaha!
Kairus: Again, wag mo ng pansinin ang mga alikabok sa paligid. Anyway, nahihiya ka pa ba?