86 - Confession

13 1 0
                                    

Hiraya’s Blog Post

Emotions by: Keep the Faith
13 minutes ago— 8-minute read

Read More >>

Hey, yah! How’s everyone? I hope, okay lang ang lahat. Ako ito, kauuwi lang from an unexpected gala. At may uwi na naman akong kuwento para sa inyo. Oha! Dami kong tsika sa inyo.

Actually, sa sobrang unexpected ng nangyari kanina, hindi ko alam kung paano ako nakakapag-type ng update dito ngayon. Kasi parang nanginginig pa rin ako until now.

'Di ba, last entry ko yata dito, nasabi ko na hindi ko alam kung paano ulit haharap kay Kairus dahil sa ginawa ko noong birthday ko. Nahihiya kasi talaga ako. Lintek na reflex reaction kasi iyan, eh.

Kaya naman para makapaglabas ng feels, kinausap ko si Daina. Pero hindi ko alam kung tama bang desisyon na kausapin ang baliw na iyon. Because next thing I knew, nagbibiyahe na kami ni Daina papuntang Tagaytay. Kailangan ko raw kasing mag-unwind para sandaling malimutan ang mga iniisip ko.

Siyempre, dahil akala ko super concern sa akin ang loka, sumama ako. Hindi ko naman inakala ang susunod na mangyayari. Gusto ko ng isumpa si Daina dahil doon.

Ang hindi ko alam, nakipagsabwatan pala ang baliw kong kaibigan kay Kino! Nakakaloka sila! At ang ginawa nila? Nag-book ng isang room na malapit sa Taal at ikinulong kaming dalawa ni Kairus doon para daw makapag-usap kami.

Ang awkward sa pakiramdam! Hindi ko alam kung ako lang ang naa-awkward-an since ako lang naman ang makapal ang mukha na umamin sa kanya last time. Pero kasi, tahimik lang din kasi si Kairus. Pero hindi niya naman ako pinabayaan.

Sinabi niya sa akin na hindi niya rin talaga alam ang planong iyon nina Daina at Kino. Humihingi siya ng sorry sa akin, baka raw kasi uncomfortable ako sa sitwasyon namin. Medyo na-guilty naman ako dahil sa ipinapakita kong reaksiyon. Wala namang kasalanan si Kairus kung bigla man akong napaamin. Kaya naman pinilit kong umakto nang normal sa harap niya.

Hindi ko alam kung paano nangyari, but the next thing I knew, magkausap na kami ni Kairus! Err, hindi pala kami magkausap. Siya lang mostly ang nagsasalita!

At ang nakakaloka... he's confessing his feelings to me! How crazy was that? Huhu! Namamawis ang mga kamay ko at gusto kong maiyak habang nagsasalita si Kairus. I didn't expect those words from him. Ramdam ko naman na special ako for him. Pero kahit ramdam ko, ayaw kong umasa. Masakit umasa, eh. Baka mamaya, ilusyunada lang pala ako. Haha!

Pero nang marinig ko iyon mismo kay Kairus, nang sabihin niyang mahal niya rin ako, ibang-iba sa pakiramdam. Nanginginig ako, pero parang nasa cloud nine. His sincere words, its really comforting. I felt it in my heart. So full of emotions.

I remembered his words na parang bang nakaukit na iyon sa puso at isip ko.

Kairus: Natatandaan ko ang unang letter mo na nabasa ko, Raya. I was so curious about you. You're not like any other subscriber. At hindi ko mapigilang hindi maintriga sa 'yo. Of course, I'm happy kasi nalaman ko na hinahangaan mo ako at ang mga contents ko. Kasi ibig sabihin, totoo pala talaga na may sense ang mga ginagawa ko.

I was just staring at his eyes, feeling his sincerity.

Kairus: Nasubaybayan ko kung paano ka mag-grow, lalo na emotionally. Every letter mo, inaabangan ko. Kasi natutuwa ako kapag nababasa ko na may naiambag ako para maging masaya ka, para makita mo kung gaano kaganda ang mundo despite all the problems and challenges. I think, you've change for the better. For yourself.

At tama naman si Kairus doon. I've changed. But in a positive way.

Kairus: At nang finally ma-meet at maging ka-close kita, ginawa ko ang mga bagay na alam kong makakapagpasaya sa 'yo. Because seeing you happy makes me happy, too. Natandaan ko na gusto mong mapanood ang Shawshank Redemption sa big screen kaya gumawa talaga ako ng paraan para matupad iyon. Interesado rin ako na malaman kung bakit favorite mo ang movie na iyon. At nang mapanood ko ang movie, alam ko na kung bakit.

My heart was beating so fast while listening to him. Parang sasabog ang puso ko sa sobrang bilis ng tibok niyon.

Kairus: I always want you to be healthy, physically and emotionally. Kaya nang makakuha ako ng pagkakataon para makagawa ng content about food, sinamantala ko na ang pagkakataon. Gusto ko sanang ipagluto ka ng isa mga paborito mong pagkain. Pero hindi ako magaling magluto, kaya ginawan ko ng paraan na magkaroon pa rin ako ng participation. And I'm satisfied with the result. Masaya ako na marami kang nakain that day. A very satisfying sight.

Gusto ko ng umiyak at that moment, pero pinigilan ko. I want to hear more.

Kairus: 'Yong nangyari noong Tugtugan Fest, wala talaga sa plano ko iyon. Alam mo bang medyo nag-alangan pa ako noon na yayain kang kumanta sa harap ng maraming tao. Naisip ko, baka magalit ka kasi parang ilalagay kita sa alanganin, lalo na at hindi ka handa noon. Pero naisip ko rin, we should live in the moment. Sayang 'yong pagkakataon, eh. So I took the risk. Hindi naman kita pababayaan doon, eh. Kaya ginawa ko ang lahat para maging comfortable ka while performing on the stage. At hindi lang sa akin nanggaling yung comfort na kailangan mo that night. We sang One Way Jesus--one of your favorite song--and I know that the Lord gives you the comfort that you need that time.

While looking at Kairus, iniisip ko talaga kung deserve ko ba siya. Kasi he's too good to be true. Alam ko naman na may mga flaws din siya, pero he's been perfect for me.

Kairus: That Cebu trip. Actually, matagal na talaga naming balak magpunta sa Cebu. Pero hindi pa sana ngayon. May mga inaayos pa kasi kami. Pero hindi mawala sa isip ko ang Cebu mula nang mabasa ko ang sulat mo sa akin. So again, ginawan ko ng paraan para makapunta tayong lahat sa Cebu. And it's all worth it. Because it made you happy. I'm proud of you because despite all of your fears, hinarap mo iyon nang may tapang. Ang galing mo, Raya! Hanga rin ako sa 'yo kasi hindi ka natakot ipakita ang flaws mo, instead you embrace it dahil tao ka lang naman. Then, pinalitan mo iyon ng positivity. You're an inspiration to others. And you're my inspiration.

Hindi na natigil sa mabilis na pagtibok ang puso ko. Pakiramdam ko, lalabas na ang puso ko dahil sa sobrang bilis at lakas ng tibok niyon.

Kairus: Noong una, indenial pa ako, eh. Its a foreign feeling for me. Kasi sa maniwala ka man o sa hindi, hindi ko naramdaman ang ganito sa kahit sinong babae. Habang binabasa ko ang letters mo, nalilito na ako sa nararamdaman ko, Raya. Pero pilit ko iyong hindi pinapansin. Hanggang sa na-realize ko na lang isang araw na... mahal na kita. Oo, Raya, mahal kita. Mahal na mahal.

Nahigit ko ang hininga ko dahil doon. Hinawakan ni Kairus ang kamay ko habang nakatitig sa pa rin siya sa akin. Siguro, ramdam na ramdam ni Kairus ang panlalamig ng mga kamay ko.

Kairus: Kung tatanungin ako kung paano ko nasabi na mahal na kita, hindi ko talaga alam ang tamang sagot. Siguro na-realize ko na lang ang nararamdaman ko sa 'yo the moment I read your last letter. Sobrang nag-alala ako noon na baka hindi na kita makita pa. I want to see you that moment. I want to hug you and tell you that there are people who cares and loves you. Nag-panic talaga ako noon. At nang malaman kong okay ka, I felt relieved. Nang makita at makasama na kita, ang gusto ko lang ay alagaan ka, na lagi kang okay. Gusto kong makita ang matamis mong mga ngiti. Gusto kitang protektahan. Gusto ko lang na makita na lagi kang masaya. Gusto ko, kasama mo ako habang inaabot mo ang mga pangarap mo.

Pagkatapos niyang sabihin iyon, nginitian ako ni Kairus, saka niya hinawi ang buhok ko na tumatabing sa mukha ko.

Kairus: Ang haba ng mga sinabi ko. Pasensiya ka na, ah. Pero ang gusto ko lang naman talagang sabihin, mahal kita, Hiraya Rodriguez.

Hindi na ako nakapagsalita after ng mga sinabi ni Kairus. Hindi ko talaga alam ang sasabihin ko, eh. Pero I hugged him. Ipinaramdam ko sa kanya na I love him, too. Hindi lang talaga ako makasalita kasi kapag nagsalita ako, baka maiyak ako.

Ay, hala! Teka lang! 'Ayan, nag-chat na sa akin si Kairus. Pray for me. Char! Haha! Will be back soon para sa susunod na tsika. Sana... sana maging okay na ang lahat.

Live. Laugh. Love.

Saving GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon