79 - (You're My) Heaven Sent

17 2 0
                                    

Hi, Hiraya

Oha! Nandito ulit ako. Sabi ko naman sa 'yo, manggugulo ako sa 'yo… in a good way. Haha! Pero bago ang lahat, gusto kong sabihin na nami-miss ka na raw talaga nina Maze. Gusto ka sana nilang i-message, but they're hesitating. Kaya dito na lang daw sila sa sulat ko mangungumusta. They are hoping—just like me—that you’re doing good. Bonding daw ulit kayo soon.

Anyway, ito na nga ang agenda ko ngayon. Sasagutin ko ulit iyong isa mong sulat sa akin. Natatandaan mo ba iyong Heaven Sent letter mo? Well, ito na iyong sagot ko roon. Haha!

A friendship built by God. That's what you said. At iyan talaga ang tumatak sa akin nang mabasa ko ang sulat mong iyon. Totoo naman kasi ang sinabi mo. Masuwerte ako sa mga kapatid, mga pinsan at mga kaibigan ko. Para sa akin kasi, hindi lang kami basta binuklod ni Lord. Nabuo ang friendship na mayroon kami dahil sa pananampalataya namin sa Kanya. Medyo gago lang talaga kami sa paningin ng iba, saka mukhang hindi gagawa ng kabutihan, pero proud kami dahil sama-sama kaming nagwo-worship para sa Kanya.

As for you, nabanggit mo dati na wala ka ng naging kaibigan pagkatapos ninyong umalis sa province, 'di ba? Pero ngayon, tingnan mo naman, marami ka ng kaibigan. At... hindi ba't parang heaven sent din sila para sa 'yo?

Una, si Daina. Sa kuwento mo sa akin sa mga sulat mo dati, malaki ang naging impact ni Daina sa buhay mo, lalo na noong mga panahong kailangan mo ng kaibigan sa university. Because of Daina, hindi mo naramdaman na nag-iisa ka. And I think you're so blessed to have her in your life.

Then, kami. Ang Team Wam-Pataas. I mean, I think we (kino-consider ko na ang sarili ko na kaibigan mo. Self-proclaim ba. Haha!) came at the right time, right? Kasi sa 'yo na rin naman nanggaling na noong mga panahong nawawalan ka na ng pag-asa, napapasaya ka namin. Wala man kami sa tabi mo physically, sa pamamagitan ng mga videos namin, napaparamdam din namin sa 'yo na hindi ka nag-iisa. At masaya ako dahil natagpuan mo kami... at nakilala ka rin namin.

Pero para sa akin, vice versa ang nangyari, eh. Hindi mo siguro alam, pero ang laki rin ng naging impact mo sa buhay ko. Nang dumating ka, marami akong natutunan.

Hindi ko na matandaan kung nabanggit ko na ba sa 'yo, pero marami talaga akong nare-receive na messages ng pasasalamat, appreciation at kung ano-ano pa. Kasi dahil daw sa mga videos ko, napapasaya ko sila, parang ikaw. Naa-appreciate ko naman ang messages nila, pero naging iba ang impact nang messages mo na ang ma-received ko.

Ikaw kasi iyong buhay na patotoo na may mga napapasaya talaga ako. At hindi lang basta napapasaya, eh. I was able to deliver help for you. Hindi ko maipaliwanag ang mararamdaman ko dahil doon. Kasi I was just only doing what I love. Ginagawa ko lang naman ang gusto ko at ang pangarap ko, pagkatapos may natutulungan na pala akong mga tao dahil doon.

Kaya hindi lang iyong mga kaibigan ko ang heaven sent for me. You're my gift from above. Natulungan mo rin ako para mabuksan ang isip at mga mata ko sa mga bagay-bagay, lalo na sa usapin ng mental health.

You're my heaven sent, Hiraya. Be well. I'm rooting for you.

-Live, Laugh, Love

Saving GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon