59 - Crush

31 5 0
                                    

Messenger

Keep The Faith
MARCH 2 2021, AT 9:13 AM

Hi, Raya.

Good morning!

Seen, 9:15 AM

9:16 AM

Keep The Faith: Hey, Kairus.

Keep The Faith: Umaganda! 😊

Kumusta ka?

Keep The Faith: Kairus, magkasama lang tayo noong isang araw. Nangungumusta ka na ulit?

Keep The Faith: Umamin ka, crush mo talaga ako, no? Char! Haha!

Paano kung crush nga kita?

Anong gagawin mo?

Keep The Faith: Okay naman ako, Kairus. Ikaw, kumusta?

Hahaha!

O, bakit umiiwas ka na ngayon? Last time na tanungin kita niyan, malakas pa ang loob mo na sumagot sa akin, ah.

Keep The Faith: Bigla akong nahiya. Patola ka naman kasi. Lol!

Inumpisahan mo, eh. Haha!

Keep The Faith: Di naman ganoon kakapal ang mukha ko. Change the topic na nga tayo. Baka mamaya, maniwala na talaga ako na crush mo nga ako. Haha!

Aba, teka...

Keep The Faith: So, kumusta ka nga?

Hahaha!

I'm good.

Gusto ko lang ulit magpasalamat sayo for doing some contents with me.

Keep The Faith: Ano ka ba? I told you, it's an honor. Imagine, from being a fan, ngayon nakakasama n'yo na ako. Dream come true kaya yun.

Keep The Faith: Ako pa nga ang dapat magpasalamat sa inyo, eh. You guys helped me a lot.

Marami ka rin namang naitulong sa amin. Mas dumami ang viewers at subs ko dahil sayo. Haha!

Keep The Faith: Ayun! Ikaw yata ang clout chaser, eh. Haha!

Joke lang. Haha!

Kidding aside, alam kong parang magiging mutual admiration club na tayo sa sasabihin ko, pero sasabihin ko pa rin ito. Haha!

I think, it's a win-win situation for all of us. I mean, ito...

Yung natagpuan natin ang isa't isa.

Sabi mo nga, malaki ang naitulong namin sayo. At masaya kaming nakatulong kami sayo. Pero ganoon ka rin naman sa amin, Raya. Baka kasi hindi ka aware, eh.

You helped me, us to understand more about sa daily struggles ng mga taong dumaraan sa ganyan sitwasyon, katulad ng sayo. Mas namulat kami sa kalagayan ng mga taong may mental health problem.

At dahil doon, mas gusto pa naming maka-inspire pa ng mas marami pang tao... with your help, of course. Sa pagpayag mo na gumawa pa ng contents with us.

And with our contents... who knows, di ba? Baka may mga tao tayong matulungan talaga kahit sa maliit na bagay lang. So there, lahat tayo, panalo kapag nangyari yun.

Keep The Faith: Yun naman talaga ang goal nyo, di ba? To inspire people. At masaya ako na ngayon, nakakatulong na rin ako sa inyo in my own way para gawin yun.

Keep The Faith: Ang saya sa pakiramdam na kahit ako na hindi pa talaga okay, nagagawa ko na yung isa sa mga purpose ko sa buhay.

Speaking of your condition. Kumusta pala yung therapy and counseling mo?

Keep The Faith: Okay naman, I guess. Malaki raw ang progress ko, sabi ng psychiatrist ko. May session nga ulit ako sa kanya bukas.

Seen, 9:32 AM

9:37 AM

Ahm, Raya?

Keep The Faith: Yep?

Pwede bang samahan kita bukas sa session mo with your doctor?

Seen, 9:41 AM

9:43 AM

Keep The Faith: Why?

I don't know kung mapaniniwalaan mo ako, pero gusto kong mas mapalapit sayo, Raya.

Hindi dahil alam ko ang kondisyon mo. Baka kasi yun ang isipin mo, eh. I... I just want to be close to you.

And it other to do that, dapat mas maintindihan ko yung pinagdadaanan mo.

Gusto kong pumasok sa mundo mo.

Will you allow me to do that?

Saving GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon