January 20, 2021
Kairus'
Huminga ako nang malalim matapos basahin ang sulat niya sa akin. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Fuck this heart for beating so fast. And fuck me because I don't understand why I'm feeling this way. Para akong na-excite na ewan.
She was there! She's there at the event. At hindi lang iyon, isa siya sa mga nakausap ko sa meet and greet. At naiinis ako sa sarili ko kasi hindi ko siya matandaan! Damn!
Pilit kong inalala ang mga nangyari noong meet and greet. I have a good memory, pero dahil sa lintik na kaba—na hindi ko maintindihan kung bakit ko nararamdaman—ay hindi ako makapag-isip nang mabuti. Saka, that event and meet and greet happened months ago! Medyo matagal na rin. Marami na ang nangyari sa loob ng nakalipas na mga buwan.
Isa pa, that event was one of the best things that happened to me. Iyon kasi ang unang pinakamalaking event na pinuntahan ko kaya I was not on my usual self that day, well hindi nga lang halata dahil sa magaling akong magdala. Sobra iyong hype at tuwa ko kaya parang wala na akong matandaan sa mga pangyayari except sa sobrang saya ko dahil nakasama ako sa event na iyon.
Tumayo ako at hinagilap ang memory card ko kung nasaan ang mga clips ng nasabing meet and greet. Baka-sakaling nakasama siya sa mga videos ko. I'm silently hoping na nandoon siya.
Hiraya...
So, that's her name. Aminin ko man o hindi, gusto ko talaga siyang makilala. Gusto ko rin kasing magpasalamat sa kanya. For living. For being that strong. I may not know the reasons kung bakit ganoon ang trato sa kanya ng mga magulang niya, hindi ko rin alam kung kuwento ng buong pagkatao niya, pero alam kong malakas siya. Kinakaya niya ang lahat para patuloy na mabuhay.
Napabuntong-hininga ako nang makitang dalawa lang ang nasa clips ko na nakasama ko noong meet and greet, pareho pang lalaki. Ayaw ko man, mukhang kailangan kong humingi ng tulong.
--
Messenger
Pamilyang Magaling = Velasquez Clan
Jan 20, 2021 AT 10:26 PMSinong may mga clips ng event ng Top Tier ten months ago?
May videos ba kayo ng meet and greet ko roon?
Seen by everyone
Jander: Wala ako. Low bat ang camera ko noon, eh.
Reign: Kung di ba naman shonga, Kuya Jander. May event, tapos nalimutang mag-charge. Haha!
Maze: May mga clips ako n'on, Kuya Kai!
Patingin naman ako. Salamat.
Maze: Sige, pero pasundo kami. Hehe!
Kino: Yan na naman sila sa pasundo.
Reign: Ay, ayaw? Okay, walang clips from Ate Maze. 🤣
Kino, sunduin mo sila.
Kino: Bakit ako na naman? Si Jander na lang!
Jander: May ginagawa ako.
Maze: Ano? ML na naman?
Jander: Hehehe!
Legend: Wow, Ate Maze, the audacity. Mas mukha ka ngang ML kaysa kay Kuya Jander, eh.
Maze: Alam mo ba ang pagkakaiba ng pro player sa player lang, Legendary? Ako, kumikita sa paglalaro ko. Si Jander... never mind.
Jander: Sakit mo namang magsalita, Ate Maze. Kapag pinalitan kita bilang pro player, wag kang iiyak, ah. Hahaha!
Yuan: Dami n'yong ebas. Eh, ako naman talaga ang pinakamagaling na pro player dito.
Potang iingay! Hindi naman yan ang itinatanong ko.
Kino: High blood ka na naman, boss. Hahaha!
Legend: May clips din ako n'on, Kuya Kai. Sama ako dyan.
Yuan: Wag ka na! Hahaha!
Kino: Bakit ba kailangan mo yung mga yun, Kairus?
May titingnan lang ako.
Kino: Don't tell me, nasa meet and greet na yun yung sender ng letters?
Seen by everyone
Kino: Kairus?
Stop being so nosy, Kino!
Kino: Hahaha! I knew it!
Yuan: Curious na talaga ako sa letter sender na yan.
Kino: Sunduin ko na kayo, Maze. Excited na akong malaman kung sino yung letter sender ni Kairus.
Legend: Basta tsismis, ang bilis ni Kuya Kino. Hahaha!
Gago yan, eh.
Kino: Hahaha!
Maze: Okay, okay. Bilisan mo, Kino. Makikitsika rin kami.
Jander: Ito pa ang isang tsismosa. Alam kaya yan ng mga fans mo?
Legend: May fans ba si Ate Maze?
Reign: Aba, sikat kaya yang ate ko nay an.
Maze: Thanks, fans. Haha!
Tsk!
Kino: Ayan, ang ingay n'yo raw. Ginagalit n'yo si Bossing Kairus.
Kino: Hahahaha!
Seen by everyone