February 5, 2021
Kairus'
Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako. Para akong tanga na hindi malaman ang gagawin. Hindi rin normal ang tibok ng puso ko. Fuck! Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Dumagdag pa ang gagong katabi ko na nakangisi lang habang nagda-drive ako.
We're on our way to Daina's house. Siya iyong friend ni Kino na nakakakilala kay Hiraya. Pupuntahan namin siya at sasamahan niya kami kung saan nakatira si Hiraya.
Hiraya...
Hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko nang mabasa ko ang huli niyang sulat sa akin. Naghalo-halo ang kaba, lungkot at takot ko. Kaya naman nakahinga ako nang maluwag nang sabihin ni Kino na buhay at ligtas si Hiraya. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib dahil doon. Parang roller coaster ride of emotions ang hatid ni Hiraya sa akin. At nakakapagtakang okay lang sa akin iyon.
Kinukulit ako ni Kino hanggang makarating kami kina Daina kung bakit ba sobrang invested ako kay Raya. Pero hindi ko siya sinasagot. Wala akong pakialam kung mag-ingay maghapon ang gagong Kino. Mas focus ako sa pag-iisip ng magiging pagkikita namin ni Hiraya.
Nang ipakilala ni Kino sa akin si Daina ay nginitian ko lang nang tipid ang babae. Familiar siya sa akin, siguro kasi lagi siyang pumupunta sa mga event namin, katulad ng nasabi ni Hiraya sa letters niya. At dahil nga kaibigan daw siya ni Kino. Naging mapang-asar na naman ang pinsan ko nang magsimula akong magtanong kay Daina about Hiraya, pero wala na akong pakialam pa sa gago kong pinsan. Gaganti na lang ako sa kanya sa mga susunod na araw.
Iyong mga ikinuwento ni Daina, halos alam ko na rin dahil nasa letters din iyon ni Hiraya. Ayaw niyang ikuwento sa akin ang nangyari noong sinubukan ni Raya na... ayun, mag-suicide. Mas maganda raw na si Raya na mismo ang magkuwento niyon sa akin.
Pero... ibinalita sa akin ni Daina na mukhang seryoso na raw si Raya sa pagkanta. In fact, may YouTube channel na rin daw si Raya wherein doon niya inia-upload ang mga cover songs niya. Pero siyempre, hindi rin niya sinabi kung ano ang pangalan ng YouTube channel ng kaibigan niya. Ako na raw ang magtanong niyon sa babae.
Bumalik na naman ang kaba ko nang makarating kami sa bahay nina Raya. Hindi raw sinabi ni Daina sa kaibigan niya na papunta kami roon. Baka raw kasi mahiya si Raya at hindi magpakita sa amin. Mas okay na raw iyong biglaan.
And fuck this! Ito na naman iyong mabilis na tibok ng puso ko habang naglalakad kami papasok sa bahay nina Hiraya. Hindi ko maiwasang mapahawak sa dibdib ko, baka kasi sakaling bumalik sa normal ang tibok ng puso ko.
But my excitement goes down nang malamang wala roon si Hiraya. Umalis daw ang babae at may ilang araw na mawawala. Nagkataon kasi na ilang araw palang walang pasok sa SPU since it's their week founding anniversary.
Humihingi ng sorry ang tinging ibinigay ni Daina sa akin. Hindi rin daw kasi nagsabi si Hiraya sa kanya. Siyempre, hindi ko ipinahalata na disappointed ako. I just tell them na okay lang at hindi pa siguro iyon ang oras para magkita kami.
Pero bumalik ang hindi maipaliwanag na nararamdaman ko nang makita ko ang mga magulang ni Hiraya. Yes, she's not there, pero nandoon ang parents niya. Nakatingin lang ako sa kanila habang palapit sila sa akin.
Ang totoo, gusto kong magalit sa kanila, gusto ko silang sigawan. Para kay Hiraya. Naalala ko kasi ang mga nakasulat sa letters ni Hiraya. Ang pambabalewala nila sa anak nila, ang pananakit... physically at emotionally. Pero nang lapitan nila ako at yakapin habang umiiyak, parang nabawasan ang galit ko sa kanila.
Sobra ang pasasalamat nila sa akin. Iniligtas ko raw si Hiraya. Iniligtas ko raw ang anak nila. They even said sorry to me! I was dumbfounded at that moment. Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari. Hanggang sa ipaliwanag nila sa akin ang ilan sa mga gumugulo sa isip ko.
Those letters of Hiraya...
Tama nga si Kino sa naisip niya. Si Daina nga ang naglagay niyon sa kotse niya. At ang mga magulang ni Hiraya ang nag-utos sa babae na ipadala iyon sa akin. But Daina don't know how to do it. Kaya naisip niyang iwan na lang iyon sa sasakyan ng pinsan ko. Ang laki ng tiwala niya sa gago kong pinsan. Hindi niya inisip na puwedeng hindi iyon ibigay sa akin ni Kino. Pero mission success naman sila nang ibigay sa akin ng pinsan ko ang box of letters.
That day... nang sinubukang mag-suicide ni Hiraya, that was the day na nakita ng mga magulang niya ang box ng letters sa kama niya. Hindi rin daw maintindihan ng mga magulang ni Raya kung bakit nandoon ang box samantalang ang last letter niya na isinulat ay nagsasabing ipapadala niya sa akin ang box. And that last letter was the first letter that I red. Iyon pala dapat ang huling letter na mababasa ko. Kaya pala sa mga naunang letters, lagi niyang sinasabi na wala naman siyang intensiyon na ibigay ang mga letters na iyon sa akin.
Anyway, hindi raw alam ni Raya na napunta rin sa akin ang mga letters niya. Hindi raw iyon sinabi ng mga magulang ni Raya. Ang alam daw ng babae, nawawala ang box. Hindi rin daw alam ni Raya na nabasa ng mga magulang niya ang letters. Hindi na raw nila iyon ipinaalam pa.
Nang tanungin ko ang mga magulang ni Raya kung bakit ipinadala nila sa akin ang letters at sagutin nila iyon, iba ang naramdaman ko. Kasi, gusto raw nilang malaman ko na nakapagligtas ako ng buhay nang hindi ko alam. That they were beyond grateful at what I did without me knowing it.
Parang nanikip ang dibdib ko dahil doon. Seeing them crying while thanking me makes me feel that I do have a purpose. May purpose pala talaga ang pagpapatawa ko sa mga videos ko. Though ilang beses ng may nagsabi niyon sa akin, at ilang beses na rin iyong sinabi sa akin ni Hiraya, iba pala kapag sinabi na sa akin iyon nang personal, nang may sinseridad. Iba ang impact. It shots... right through my heart.
Umuwi kami ni Kino na masaya ang puso ko. Masaya ako dahil nalaman kong okay na si Hiraya at ang mga magulang niya. Nalaman ko na ligtas siya, na masaya na ulit siya.
Masaya ako, pero may kulang. Kasi, gusto ko na talaga siyang makita. Gusto ko na talagang makita si Hiraya.
--
Tell me your thoughts. Oks lang ba na walang dialogue? Hehe!