74 - Spontaneous Escapades

11 1 0
                                    

Hiraya's Blog Post

Spontaneous Escapades by: Keep the Faith
1 hour ago— 4-minute read

Read More >>

Hello, everyone! How's life? Sana okay naman ang lahat.

Anyway, may tanong ako. May bagay na ba kayong nagawa na super biglaan? Iyong hindi planado? Iyong last minute plan ba? Masaya ba ang experience?

Kasi ako, ito ngayon, nasa Baler, Aurora kasama si Kairus. Hindi planado ang gala naming ito. I mean, sa part ko. Wala akong idea about this Baler escapade. Ewan ko ba dito sa lalaking ito, nambibigla talaga. Pero si Kairus ito, eh. Kaya hindi na nakakapagtaka.

Kauuwi lang namin mula sa Cebu trip namin nang yayain niya akong mag-Baler. Akala ko talaga nagbibiro lang siya. Kasi naman, di ba? Literal na kauuwi lang namin galing sa galaan. But the next thing I knew, ipinagpapaalam na ulit niya ako kina Mommy at Daddy. At tinatawagan na ulit niya ang doktor ko para itanong kung okay lang ba na umalis ulit kaming dalawa.

Grabe lang, kasi ang laki na talaga ng tiwala ng parents ko kay Kairus. Kasi pumayag sila na umalis ulit kami. And here's the catch--kami lang dalawa ang nagpunta dito sa Baler. Hindi namin kasama ang Team Wam-Pataas.

Yep, kami lang dalawa. And I don't know what to feel. Hindi ko maipaliwanag.

And as a tsismosa, siyempre nagtanong ako kay Kairus kung bakit kaming dalawa lang ang pupunta ng Baler. I mean, normally, lagi naman talagang kasama ang Team Wam-Pataas sa mga ganap niya. Saka, alam n’yo iyon? Medyo may ilang factor sa part ko na kaming dalawa lang ang magkasama.

Don’t get me wrong, ah. Kumportable ako sa presensiya ni Kairus. Its just that, may ilang at hiya factor lang kasi alam niya ang feelings ko for him.

Iyon na nga, tinanong ko si Kairus. And his answer left me speechless. Sabi niya, although alam naman niya na nag-enjoy ako sa Cebu trip namin, gusto raw niya na mas matulungan pa ako. He wants to heal my inner child. Kasi alam niya ang mga pinagdaanan ko mula nang mawala si Kuya. At habang hini-heal ko ang inner child ko, gusto niya raw na nandito siya… sa tabi ko.

And because of that, alam ko at alam ng puso ko na hindi ako nagkamali sa pagmamahal ko kay Kairus. He’s that guy. He may have his flaws, but I know, he’s that guy.

Okay, back to our Baler escapade, halos 5-hour drive din iyon mula Manila hanggang Baler since nag-stop over pa kami para kumain. Umalis kami sa Manila ng eleven PM at nakarating kami doon ng pasado alas kuwatro nang madaling-araw. Walang alam ang Team Wam-Pataas sa pag-alis namin ni Kairus. Haha!

Nasa Cebu palang pala kami ay pinagpaplanuhan na ni Kairus ito, kaya naman nakapag-book na agad siya ng tutuluyan namin doon ahead of time. Oo, ganoon siya ka-confident na papayag ako pati na ang parents ko na sumama sa kanya. Very Kairus.

Sa Costa Pacifica nag-book sa Kairus para sa tutuluyan namin. O, bago kayo mag-isip ng kung ano diyan, he booked two separate bedrooms na magkatabi lang naman para mabilis naming mapuntahan ang isa't isa if ever may kailangan kami.

Since four AM nga kami nakarating sa Baler, nag-decide muna kaming magpahinga sa kanya-kanyang kuwarto. Nag-alarm na lang ako para magising ako ng eight AM para naman masulit namin ang gala naming ito.

Parang halos magkasabay lang kaming nagising ni Kairus. After makapag-ayos, nag-decide na kaming lumabas ng kanya-kanyang kuwarto para mag-breakfast. At doon, sumalubong sa akin ang kagandahan ng paligid.

Costa Pacifica's alongside Sabang Beach lang kaya malapit talaga kami sa dagat. Anyway, ang ganda dito sa Costa Pacifica. Kung balak n’yong mag-Baler at hahanap kayo ng pag-stay-an, recommend talaga ang Costa Pacifica. May outdoor swimming pool din sila. Sobrang nakaka-relax mag-stay dito.

Iyon na nga, katulad ng sinabi ko, kumain muna kami ng breakfast. Hindi talaga pumayag si Kairus na hindi ako kumain ng heavy breakfast. Kailangan daw naming kumain nang marami para may energy kami sa mga activities na gagawin namin sa araw na iyon. Ayaw ko man, nahawa na rin ako sa maganang pagkain ni Kairus. Mostly kasi ng in-order niya, puro sea foods.

After kumain, nagpahinga lang kami sandali, pagkatapos ay nagyaya na si Kairus. Kulang daw kasi ang oras namin kapag tanghali na kaming umalis. Ang akala ko pa nga, gagamitin namin ang sasakyan niya na ginamit din namin papunta dito sa Baler. Pero, hindi. Nagulat ako nang umarkila si Kairus ng tricycle. Si Manong tricycle driver na rin daw ang magsisilbi naming tour guide maghapon.

Dahil curious ako, tinanong ko si Kairus kung bakit kinailangan pa naming umarkila ng tricycle samantalang may sasakyan naman siya na puwede naming magamit. At ang sagot niya? Para makatulong na rin kami sa mga locals sa Baler. Eight hundred pesos kasi ang bayad kay Manong Driver para sa arkila sa tricycle. Maghapon na iyon. Malaking tulong na rin para sa kanya.

Grabe talaga ang puso ng isang Kairus Velasquez. Lalo akong pinapahanga, eh. Kaya lalo ko ring minamahal. He's not just a pretty face. He has a good heart.

So, hayun na nga. We start our Baler espacade. Una naming pinuntahan ang church sa Baler which is the San Luis Obispo de Tolosa Parish. Isa ito sa nagustuhan ko kay Kairus. He's a man of faith. Ang saya ng puso ko na Baler Church ang una naming pinuntahan.

After that, ang sikat na light house sa Baler naman ang pinuntahan namin. Medyo malayo siya, pero nang makarating naman kami doon, worth it naman.

Medyo madali na iyong daan paakyat sa light house since may sementadong hagdan na puwedeng daanan. Sabi ni Kairus, noong una raw siyang magpunta doon, wala pang ganoon. Kailangan talagang daanan iyong medyo matarik at mabatong daan.

Nang makarating kami sa mismong light house, sulit ang pagod pag-akyat. Kitang-kita ang kagandahan ng paligid, ang kulay-asul na dagat.

At dahil kami lang ang tao doon nang mga sandaling iyon, hinayaan ako ni Kairus na isigaw lahat ng gusto kong sabihin. At ginawa ko naman. It was like a free therapy? Kasi pagkatapos niyon, sobrang luwag ng pakiramdam ko. Right at that moment, I felt so free.

Nagtagal pa kami nang ilang sandali roon. Pagkatapos, nag-ikot pa kami sa mga kilalang tourist spot sa Baler.

Nagpunta kami sa Ampere Beach and Rock Formation. Napakaganda ng paligid. Busog na busog talaga ang mga mata ko. Then, pagkatapos namin doon, deretso naman kami sa Ermita Hill. Ilang sandali rin kaming nagtagal doon.

Pagkatapos niyon, kumain muna kami ni Kairus ng lunch sa Bayler View Restaurant. Their pako salad and aligue rice are the best! Pati na rin ang pork sisig nila. Mababait din ang staffs nila.

After lunch, nag-decide na ulit kaming mag-ikot ni Kairus. Two days lang kasi kami dito, kaya kailangan naming i-maximize ang time para mapuntahan namin ang mga best galaan dito sa Baler.

Nagpunta kami sa Museo de Baler at Dona Aurora Aragon-Quezon Home na halos katabi lang ng Museo. Pinuntahan din namin ang sikat na Balete Tree sa Baler na sinasabing pinakamalaking Balete sa buong Asya.

Tumawid rin kami sa Baler Hanging Bridge. Noong una, ayaw ko talaga. Kasi takot nga ako sa heights, di ba? Pero sabi ni Kairus, nagawa ko na ngang mag-skydiving, sa hanging bridge pa ba ako matatakot? Kaya hayun, nakumbinsi niya rin ako. Nakaalalay naman siya sa akin hanggang sa makatawid kami.

Then, ikot-ikot na lang para tumingin ng pasalubong. Napagdesisyunan namin na kinabukasan na lang puntahan ang Mother Falls since medyo malayo-layo raw iyon sabi ni Manong Driver. Kinabukasan na rin kami maliligo at magse-surf sa Sabang Beach.

Anyway, that's it for our first day in Baler. Actually, medyo inaantok na ako habang sinusulat ko ito ngayon. Sobrang daming activities ang ginawa namin ni Kairus on our first day here.

Kaya naman tatapusin ko na muna ito ngayon dito. Don't worry, magkukuwento ulit ako sa mga magiging gala namin sa susunod na araw.

Ingat kayong lahat. Hanggang sa muli! 💙

LIVE. LAUGH. LOVE.

Saving GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon