56 - Of Movies And Kilig

51 9 1
                                    

February 25, 2021

Hiraya’s Blog Post

Of Movies and Kilig by: Keep the Faith
1 day ago— 3-minute read
Read More >>

Today is one of the most enjoyable day of my life. Prolly one for the books.

Actually, hindi ko ine-expect ito. Kairus, my favorite vlogger, chatted and invited me to do another collab daw. Siyempre, pumayag ako. Sino ba naman ako para tumanggi, di ba? Pagkatapos, hindi pa niya sinabi kung anong content ang gagawin namin. Well, medyo kabado pa nga ako kasi kasama rin daw ang buong Team Wam-Pataas.

Pero… Team Wam-Pataas, never nilang ipinaramdam sa akin na hindi ako belong sa kanila. I mean, kahit naman noong una ko silang ma-meet, they are very friendly and accommodating na sa akin. Hindi sila mayayabang kahit na medyo sikat na ang grupo nila. Sobrang hands down ako sa pagiging down to earth nila.

Sobrang saya ko sa mga nangyayari ngayon sa buhay ko. Parang noong nakaraan lang, gusto ko ng mamatay, pero ngayon, ito ako, paunti-unting nagiging okay ang buhay. Pagkatapos, nakakasama ko na rin ang mga taong naging instrument para maging okay ako at ang pamilya ko. Really, God moves in mysterious ways.

So, ito na nga ang highlight ng araw ko. Ang dami ko kasing tsika, eh. It turns out na iyong content na gagawin pala namin for Kairus’ video ay hindi sa condo nila gagawin. Noong una, ayaw nilang sabihin sa akin kung saan kami pupunta, kaya naman kinabahan talaga ako. Alam ko naman na hindi nila ako ipapahamak, pero iyon nga, kabado pa rin ako. Ewan ko ba kung bakit.

Nagulat ako nang malaman na manonood lang pala kami ng sine. Ang saya lang dahil matagal na rin akong hindi nakakapanood ng sine nang may mga kasama. Hindi ko rin naman na nayaya si Daina mula nang maging magkaibigan kami.

Well, iyon na nga, Kairus rented a cinema para kami lang ang manood. Pero mas nagulat ako nang malaman kung anong movie ang papanoorin namin. The Shawshank Redemption! Favorite movie ko iyon, eh. At kahit ilang beses kong panoorin iyon, hinding-hindi ako magsasawa.

Hindi ko alam kung emotional lang ba talaga akong tao kaya naman nang malaman ko na Kairus rented the cinema para lang mapanood ko ulit ang The Shawshank Redemption kasama ang buong Wam-Pataas, napaiyak talaga ako.

Naalala ni Kairus iyong isa sa mga naikuwento ko sa kanya sa sulat. And it warms my heart. Pakiramdam ko, ang espesyal ko dahil doon. And... my heart skips a beat because of that. Hindi ko na lang ipinahalata sa mga kasama ko.

Sa totoo lang, sobrang grateful ako sa Team Wam-Pataas kasi nag-e-effort sila, kahit na bago pa lang nila akong kakilala. I thank God kasi nakatagpo ako ng bagong pamilya sa Wam-Pataas. Nag-e-effort kasi talaga sila para lang ma-feel ko na may mga nagke-care talaga sa akin.

May reason talaga kaya nangyari ang mga pinagdaanan ko dati, eh. I wouldn’t say that I’m really thankful na pinagdaanan ko iyon, kasi sobrang sakit talaga. Nakamamatay ang sakit. Pero tanggap ko na, na kailangan ko talagang pagdaanan ang phase na iyon para masuklian ng mas masayang pangyayari, at isa na roon ang maging parte ng pamilya ng Team Wam-Pataas.

Dahil sa mga pinagdaanan ko, muntik na akong mawalan ng pag-asa. But God send Kairus para ipa-realize sa akin na huwag dapat akong mawalan ng pag-asa. Na lilipas din ang lahat, matatapos din ang dilim.

Kaya sa mga katulad ko na may pinagdadaanan sa buhay, huwag tayong mawawalan ng pag-asa. Alam kong kahit malakas ka at kinakaya mo ang lahat ng pagsubok na ibinabato sa 'yo, may mga araw pa rin na sobrang nakaka-drain na at gusto mo ng mawalan ng pag-asa, gusto mo ng mag-give up.

Pero isa sa mga natutunan ko? Mas matapang ka kapag hindi ka agad nag-give up. So, don’t lose hope. Darating din ang masaya at bagong umaga. Maniwala ka lang.

“Hope is a good thing, maybe the best of things. And no good thing ever dies.” -Andy Dufresne, The Shawshank Redemption

Saving GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon