36 - Achievements

116 11 0
                                    

June 26, 2020

Hi, Kairus

I'm back at it again with another letter and video. At ang featured video for today ay, "Achievements."

Grabe lang! Parang noong last letter ko, binati pa kita kasi naka-four million subs ka na. Nakakagulat kasi pagkatapos lang nang ilang linggo, mayroon ka ng six million subscribers! Lodi ka talaga.

Masaya ako para sa 'yo dahil sa achievement mo na iyan, pero mas masaya ako kasi mas marami na iyong makakapanood at makakakinig sa 'yo. Mas marami na ang mai-inspire dahil sa words of wisdoms mo. Mas marami na ang katulad ko na maililigtas mo sa kalungkutan.

Anyway, kahit wala ako diyan, feel kong maki-celebrate sa inyo. Haha! Ewan ko ba, pero pakiramdam ko, ang saya ko rin nang makita ko ang mga ngiti mo nang i-surprise ka nila para sa achievement mo na iyan.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang pakiramdam ko. Siguro kasi, ramdam na ramdam ko kung gaano ka kasaya? Nahawa siguro ako sa nararamdaman mo. Haha! Kahit cake at carbonara lang ang inihanda nila para sa 'yo, kitang-kita ko kung paano mo iyon na-appreciate.

Nagustuhan ko rin iyong sinabi ng isa mong kapatid. Iyon bang kapag may achievement ka, maliit man iyan o malaki, i-acknowledge mo, i-celebrate mo kahit sa maliit na paraan. Kahit hindi magarbo, i-celebrate mo pa rin para mas ganahan ka pa na gumawa pa ng mga bagay na gusto mo. Looking forward ba sa iba pang celebration.

"Kahit anong achievement mo, malaki man iyan o maliit, i-celebrate mo. I-acknowledge mo iyong achievement na nakuha mo. Kasi, kapag isine-celebrate mo siya, mas matutuwa ka, mas mae-encourage ka na gumawa pa ng achievement mo sa buhay." -Viy Cortez

Teka, paulit-ulit na yata ako ng sinasabi. Haha! Pero iyon na nga, dahil narinig ko iyon sa tropa mo, alam mo bang nag-celebrate rin ako dahil nakagawa ako ng kanta? Well, hindi pa naman finalize iyong melody ng nagawa ko, pero at least, 'di ba? Achievement na iyon para sa akin. Kaya naman sinubukan kong mag-bake ng cake.

Nabanggit ko na sa 'yo na comfort food ko ang cakes and chocolates, 'di ba? Kaya ayun, kapag may time-at wala sina Daddy sa bahay-sinusubukan ko na ring mag-bake.

Satisfied naman ako sa kinalabasan. Edible naman siya. Haha! Ipinatikim ko kina Manang, masarap naman daw. Then, ipinatikim ko rin kina Daina. Gusto ko kasing i-share ang small achievement ko with them. Ayun, nasarapan din naman sila. Thanks God, hindi naman sila nalason. Haha!

I'm so happy today, Kairus. Pakiramdam ko, nag-uumpisa na ulit ako na mahalin ang sarili ko. Na hindi ko man iyon maramdaman sa mga magulang ko, at least, mahal ko ang sarili ko. Inuumpisahan ko na ulit gawin iyong mga gusto ko talagang gawin.

Ewan ko ba, pero kapag nanonood ako ng mga videos mo, parang ipinararating mo na marami akong dahilan para mahalin ang sarili ko. Na gawin ko lang ang mga gusto ko at kapag na-achieve ko iyon, ibang klaseng pakiramdam ang mapi-feel ko.

Hay, Kairus. I'm praying and hoping na mas marami pa tayong achievements na makuha. Mas marami pang achievements ang ise-celebrate natin. Tama nga ang kapatid mo, kapag ini-acknowledge mo ang success na nakuha mo, mas mag-i-strive ka to be better. Mas gusto mo pang maging successful.

Ayun lang naman ang kuwento ko ngayon. Congrats ulit sa bagong milestone na nakuha mo. 😊 Till next letter and video ulit.

-Live, Laugh, Love

Saving GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon