26 - Padayon

94 14 0
                                    

April 10, 2020

Hi, Kairus!

I'm back at it again with another video and letter. At ang featured video ngayon ay "Padayon."

Nasabi ko na ba sa 'yo na hinding-hindi ako nagsisisi na sinusuportahan kita? Kung nasabi ko na, sasabihin ko ulit. Kairus, isa ka sa mga YouTubers na mabuti talaga ang impluwensiya. Iyong mga words of wisdoms mo pa lang, nakakatulong na para mabuhayan ng loob ang mga nakakapanood sa 'yo.

Tama ka, kahit anong pagsubok ang ibigay sa atin, kailangan nating bumangon. Kailangan, huwag tayong magpatalo. Kailangang mas tatagan natin, kasi it was just a test. Ibinigay ni Lord ang mga pagsubok na iyon kasi alam Niya na mas magiging matatag tayo kapag nalusutan natin ang mga iyon. May mga araw lang talaga na akala natin, hindi na natin kaya. Na akala natin, mas okay ng bumitiw. Na okay ng mag-give up na lang. Na pakiramdam mo, ayaw mo na. Pero sabi mo nga, puwede namang magpahinga, huwag lang susuko.

Parang ako lang sa mga pinagdadaanan ko ngayon. Sa mga bagay na nararanasan ko ngayon. Aminado ako na minsan, natatalo ako ng mga problema ko. 'Di ba nga, ilang beses ko ng binalak magpakamatay. Pero nandito pa rin ako, still breathing. Ilang beses ng gustong mag-give up, pero tuwing nasa point na ako ng pagsuko, parang sinasabi ni Lord na hindi pa puwede. Na kailangan kong bumangon kasi may dapat pa akong gawin. Na hindi pa ito ang oras ko.

Alam mo ba, isa sa mga technique ko para kumalma ako kapag binubulungan ako ng mga demonyo na magpakamatay na ako ay ang makinig ng mga worship songs. Habang umiiyak ako, nakikinig ako ng mga worship songs. Isa sa mga favorite kong pakinggan ay ang Fall ng Hillsong. Alam mo naman siguro iyon, 'no? Pati pala iyong One Way Jesus. Nabanggit ko na iyon sa 'yo, 'di ba? Hehe! Pagkatapos kong makinig ng mga worship songs at umiyak, lumuluwag na ulit ang pakiramdam ko. Handa na ulit akong humarap sa hamon ng buhay.

Pero siguro nga, malaki rin talaga ang naitutulong ng may support system. Kasi, kapag hindi ka okay, puwede mo silang tawagan. Puwede kang umiyak at maglabas ng hinanakit sa buhay. Puwedeng yayain kapag gustong maglabas ng stress. Ang saya siguro ng ganoon, 'no? May karamay ka sa lungkot at saya. Well, in my case, I don't have any support system, but I have you and your friends as my life lines. Kaya thankful na rin ako. Kahit hindi ko kayo nakakausap personally, hindi natatawagan at nayayaya sa mga lugar na gusto kong puntahan para mag-vent out, I have your videos that can save lives.

Looking back, bigla kong naisip na ang dami ko na rin palang napagdaan. Bawat sakit, may it be physical, mental or emotional, marka iyon na throughout the years, naging matatag ako. Gumuho man nang kaunti ang pag-asa, nakakabangon naman kahit paano. Na kahit minsan madilim ang dating ng mga bagay-bagay, I just have to keep in mind na sisikat din ang liwanag. And someday, magiging masaya na ulit ako.

Well, hindi naman talaga madali ang buhay. Lahat tayo, may pinagdadaanan. Iba-iba nga lang tayo ng problemang dinadala, pero halos lahat, may mga problemang pinapasan. Kailangan lang talaga natin sigurong itatak sa isip natin at ipaalala sa sarili na wala naman sigurong pagsubok na 'di natin kakayanin. We just have to believe and be strong. Just keep the faith. In yourself and in our Lord. And... always be kind. We have our own silent battles, kaya piliin mong maging mabuting tao.

Ayun lang, Kairus. Salamat sa mga words of wisdoms na lalong nagpapatatag sa akin. Sobrang malaking tulong kung alam mo lang. Pero bago ko tapusin ang letter ko, let me share to you my favorite bible verse.

"I can do all things through Christ who strenghtens me." -Phillipians 4:13

Till next letter and video. Thank you ulit! ❤

-Live, laugh, love

--

Ps: Sana mapakinggan n'yo yung song sa taas. Very inspiring. ❤

Salamat po sa mga nagbabasa nito. At sa may mga pinagdadaanan din, just keep the faith. Padayon!

Saving GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon