23 - Prank

95 10 6
                                    

March 20, 2020

Hi, Kairus!

I'm back again with another video and letter. At ang featured video ngayon ay "Prank."

Walang duda, sa mundo ng vlogging, ikaw na nga ang "the greatest prankster." Hindi ka naman kasi talaga basta-basta kung gumawa ng prank. Talagang pinag-isipan at pinagplanuhan mo talagang mabuti, lalo na itong prank mo sa kapatid mo. At may mga katulong ka pa talaga, ha, para maging successful ang prank mo.

At... nakuha mo naman ang resulta na gusto mo. Paiyak na talaga iyong kapatid mo dahil sa prank na ginawa ninyo. Kung ang lahat ay tumatawa, lalo na nang ma-reveal sa umiiyak mong kapatid na prank lang lahat ng nangyari, kasabay naman akong umiiyak ng kapatid mo.

Aaminin ko, Kairus, itong video mo na ito, may hatid na masakit na alaala sa akin kaya naman umiiyak ako. Pero hindi kita sinisisi na nasasaktan ako ngayon. Hindi mo naman ako pinilit manood ng mga videos mo, eh. Hehe! Hindi mo kasalanan na may dumaan na alaala sa akin dahil dito.

Ilang beses ko ng nabanggit ang kuya ko, 'di ba? Na maaga siyang kinuha sa amin. Na partly, sinisisi ako ng mga magulang namin sa pagkawala niya. Na nagbago sila pagkatapos mawala ng kapatid ko.

Kairus, tandang-tanda ko pa ang nangyari. At hindi ko na yata makakalimutan pa iyon. It was in April 11, summer vacation. So, araw-araw, laro lang ang ginagawa namin ng mga kababata ko. Laro at maligo since mainit ang panahon. We're blessed kasi puwede kaming mamili kung saan namin trip maligo. Mayroon kasing ilog, talon, irrigation at dam. Lahat, malinis at puwedeng paliguan. At nang araw na iyan, sa dam namin napagkasunduang maligo.

Pero ang mga makukulit kong kababata, gumawa ng prank para sa akin. I won't elaborate that prank anymore, pero ang resulta, muntik na akong malunod. Mabuti na lang, nandoon si Kuya para iligtas ako. Savior ko talaga iyon, eh. Pagkatapos niya akong dalhin sa secured na lugar sa taas-sa part na may mga lupa na-biglang tumaas ang volume ng tubig sa dam. Hindi namin alam na magpapakawala pala ng tubig sa dam nang araw na iyon. Hindi nag-inform ang namamahala sa dam.

Kairus, nalunod si Kuya. Dahil bigla ang pagtaas ng tubig, nagulat din kaming lahat. Just like that, my kuya died. Because of me. Kung hindi ako naligo sa dam nang araw na iyon, hindi sana malulunod si Kuya. Hindi sana siya mamamatay. Hindi sana galit ang mga magulang ko sa akin. Hindi sana ganito ang buhay ko ngayon. Masaya sana kami.

My parents... idinemanda nila iyong mga namamahala sa dam. Pagkatapos niyon, hindi na rin nila ako pinalapit sa mga kababata ko. Nalaman kasi ng parents ko iyong prank na ginawa nila. Though hindi naman kasi nila kasalanan. Wala naman talagang nakakaalam at walang nag-expect na tataas ang tubig sa dam that day, partly nasisi pa rin sila. Hindi ko na sila nakausap pa pagkatapos ng nangyari hanggang sa lumipat na kami dito sa city.

Kairus, I was traumatized because of what happened. Gabi-gabi kong napapanaginipan si Kuya. Kung paano siya nalunod. I was shouting in the middle of the night, pero wala man lang lumalapit sa akin para aluin ako. I kept my pains inside. Ang hirap huminga, Kairus. I can't really describe my pain, sorrow and what's happening to me. Pakiramdam ko, para akong baliw. Gusto kong isigaw lahat ng sakit, pero hindi ko magawa. At nandoon iyong pakiramdam na gusto ko na ring mawala.

Pero nang mapagplanuhan ko na ang gagawin kong pagpapakamatay kinabukasan, napanaginipan ko si Kuya. Yes, hindi iyong ikinuwento ko sa 'yo last week ang unang attempt ko na mag-suicide. Actually, pailang beses na iyon. At tuwing mag-a-attempt ako na tapusin na ang buhay ko, laging parang may pumipigil.

Anyway, back to my dream. My kuya was smiling to me in my dream, Kairus. He assured me na okay lang siya. Sabi pa niya, huwag ko raw sisihin ang sarili ko, na wala naman akong kasalanan sa nangyari. May isa lang daw siyang hiling. Sa panaginip ko, tinanong ko siya kung ano iyong hiling niya.

Sabi niya, "Raya, you should live, for me, for Daddy and Mommy and for yourself. Marami ka pang pangarap na kailangang matupad. Pangarap mo at pangarap ko na rin. Ikaw na ang magtutuloy n'on para sa akin. Kaya you should keep going."

After that, nagising na ako. And my eyes started watering because of that.

Kairus, miss na miss ko na si Kuya. Sobra. May mga suicidal thoughts and tendencies pa rin ako, pero katulad nga ng sinabi ko, parang laging may pumipigil na gawin ko iyon. At ngayon, hindi na lang si Kuya ang pumipigil sa akin, isa ka na rin doon. Malaki ang naging ambag mo.

Thank you for saving me without you knowing, Kairus. For sure, thankful din si Kuya sa 'yo. ❤

Sorry, napa-share na naman ako. Dito ko lang kasi nailalabas ang mga saloobin ko na hindi ko maisigaw. Till next letter and video ulit.

-Live, laugh, love

Saving GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon