76 - Postponed

17 2 0
                                    

Facebook

Kairus Velasquez
Only Me 🔒

Hindi ko alam kung bakit ako nandito ngayon at nagta-type ng status na ako lang din naman ang makakabasa. Parang gago lang. Haha! Pero naniniwala ako na hindi ko dapat sarilinin ang mga naiisip ko kaya nandito ako ngayon. Gago man ako sa paningin ng karamihan, alam ko rin naman na dapat kong alagaan ang sarili ko, may it be physical o mental health. So I'm leaving my thoughts here.

Hindi pa kasi akong handa sabihin sa mga taong malalapit sa akin ang mga bagay-bagay kaya dito na lang muna ako. Kaya mukha mang tanga, ito ako at kausap ko ang sarili ko.

Dito ko uumpisahan kung bakit may ganitong status ako ngayon: Mahal ko si Hiraya. Mahal na mahal.

Magtatanong siguro ang karamihan kung paano at bakit ko nasabi na mahal na mahal ko na si Raya samantalang ilang buwan ko pa lang siyang nakikilala at nakakasama. At ang sagot ko? Wala kayong pakialam! Haha! Joke lang.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano o kung kailan talaga. Pota, baduy na kung baduy, pero totoo na nagising na lang ako isang araw na alam ko na mahal ko na siya. Hindi naman kasi mahirap mahalin si Raya, eh. Sa mga sulat pa lang niya sa akin noon, nakukuha na niya ako. She's good not just with words. Mararamdaman talaga gng emosyon kapag siya na ang nagsalita. At nang makasama ko na siya? Wala na, lalo na akong nahulog sa kanya.

Pota! Ako ba talaga ito? Haha! Kung mababasa at malalaman lang ito nina Kino, paniguradong pagtatawanan nila ako. Hindi naman kasi talaga ako ganito. Ngayon lang. Kay Raya lang.

Mahirap i-explain kung paano talaga ako na-in love kay Raya. I don't have a definite definition of love. I just... love. Hindi ako katulad ng mga hero sa mga nobela o mga bida sa pelikula na iniisa-isa ang mga dahilan kung bakit nila mahal ang mga heroine nila. Pasensiya na kung hindi ako ganoon ka-expressive. Kanya-kanya tayo ng pagpapakita ng pagmamahal dito.

Basta ang alam ko, gusto kong protektahan si Raya. Gusto ko siyang maging masaya. Gusto ko siyang alagaan. Lahat gagawin ko para sa kanya. Gago ako, oo, pero kapag nagmahal ako, sagad. Naknamputsa! Haha!

Teka nga, ang haba na agad ng nasabi ko. Hindi talaga ako ito. Haha! Ang totoo niyan, pinlano kong umamin na kay Raya noong nasa Cebu kami. Pero unang araw pa lang namin doon, alam kong hindi na ako makakakuha ng pagkakataon na makaamin sa kanya dahil marami kaming kasama. Ang eepal pa naman ng mga iyon.

Kaya naman nasa Cebu palang kami, nag-isip na agad ako ng plan B. Actually, hanggang plan K mayroon na ako. Kasi nga, gusto ko na rin talagang umamin! Kaya iyon, nag-book na agad ako ng tour sa Baler para sa aming dalawa... nang hindi pa siguro kung papayag siya at ang parents niya. Bahala na talaga. Haha!

Though masaya naman ang Cebu trip namin, lalo na at nagawa ni Raya iyong ilan sa mga nasa bucket list niya, gusto ko pa rin siyang ma-solo. Oo, ganoon ako ka-in love sa kanya.

Kaya nga nang ihatid ko si Raya pauwi galing sa Cebu trip namin ay kinuha ko na rin ang pagkakataon na yayain siya papuntang Baler. Nauna na akong makapagpaalam sa parents niya and thank heavens, pumayag naman sila. Habang sinasabi ko kay Raya iyong tungkol sa Baler, tahimik akong nagdadasal na sana ay pumayag siya. Wala lang sa character ko, pero nagdadasal ako, hoy! Haha!

Laking tuwa ko nang pumayag si Raya na sumama sa akin sa Baler. Hindi ko pa nga alam ang isasagot nang magtanong siya kung bakit kaming dalawa lang ang magba-Baler. Hindi ko naman masabing balak ko ng umamin sa kanya. Naknamputsa talaga!

Teka, fast forward na nga. Dami kong sinasabi, eh. Nakita at naramdaman ko naman na nag-enjoy si Raya sa unang araw namin sa Baler. Hindi niya alam, pero kahit na aliw at enjoy rin ako, lalo na dahil kasama ko siya ay kabado rin ako. Humahanap kasi ako ng tamang timing para umamin.

Dapat talaga, sa may light house ako aamin. Kaso, pota! Kinabahan ako. Tangina ko talaga, eh. Pagkatapos niyon, hindi na ako nakahanap ng right timing. Tanga, eh. Haha! Kaya naisip ko, kinabukasan na lang tutal napag-usapan namin na panoorin ang sunrise sa may Sabang Beach. Kaso, hayun, naduwag na naman ako. Tanga talaga, 'di ba?

Paano naman kasi, nakita ko ang kislap sa mga mata ni Raya. Ibang-iba iyon noong una kaming magpunta sa dagat sa Cebu. Dati kasi, nandoon ang pangamba, pero ngayon, makikita ang saya sa mga mata niya. Ayaw ko namang mawala iyon kaya hindi ako nakaamin ng nararamdaman ko. Mas mahalaga sa akin na makitang masaya si Raya. Masaya na rin ako kapag masaya siya. Corny ampota! Haha!

Kaya naisip ko, umamin na lang kapag nasa biyahe na kami pauwi. Less romantic, pero puwede na. Final na ito. Kapag hindi pa rin ako naging successful, nandiyan naman iyong Plan C to K ko, eh. Pero mas gusto ko, aminin na agad. Iyong hindi na aabot pa ng Plan K.

Pero pota, ayaw yata ng tadhana na umamin agad ako kay Raya. Something unexpected happened habang nasa Mother Falls kami. At iyon na nga, hindi ko na naman nasabi ang dapat kong sabihin.

Sa totoo lang, hindi ko maintindihan noong una kung bakit naging ganoon ang mood ni Raya. All through out ng Baler trip namin ay ramdam ko naman na nag-enjoy siya. Kahit nga noong dumating kami sa Mother Falls, okay na okay pa siya. At dahil nag-aalala ako sa kanya, I asked her what happened.

Noong una, ayaw niya pang magsabi. Hindi ko naman siya pinilit. Mas okay kasi kung kusa siyang magkukuwento. Kung ayaw naman niyang sabihin, that's fine. Its her call. Kaya lang, hindi ko talaga maiwasang hindi mag-alala.

Good thing, si Raya na mismo ang nagkuwento sa akin. It's about that guy from the Mother Falls. Noong una, sabi lang niya, kamukhang-kamukha raw iyon ng kuya niya. Pero nang magtagal, parang sure na sure na siya na ang lalaking iyon ay kapatid niya.

Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung ano ang dapat gawin at sabihin. Mahirap din, kasi baka ma-trigger ang emotions ni Raya. Kaya medyo careful din ako sa mga sinabi ko.

Pero hindi ko naiwasang magsabi na baka kamukha lang talaga iyon ng kuya niya, kasi 'di ba... imposible, eh. Doon niya sinabi sa akin na hindi pala talaga nila na-recover iyong katawan ng kapatid niya. Nagulat ako roon, pero hindi ko gaanong ipinahalata. Hindi niya kasi iyon nabanggit sa akin dati.

There's the possibility, pero ayaw kong masyadong paasahin si Raya. Mahirap iyong ganoong sitwasyon, sa totoo lang. Kaya hinayaan ko na lang muna siya na tumahimik hanggang sa makauwi kami. Pero siyempre, attentive pa rin ako sa kanya. Again, ayaw ko lang na ma-trigger siya kapag may nasabi ako.

Sa ngayon, hindi pa rin ako nakakaamin ng feelings ko for Raya. Hindi ko siya nakakausap ngayon. Hindi siya lumalabas ng kuwarto niya. Wala siyang kinakausap sa amin. I'm worried about her. Pero in-assure naman ako ng parents niya na she's okay at hindi na mangyayari iyong mga nangyari dati.

Nakausap ko na rin ang doktor ni Raya. May mga gaanong cases daw, lalo na nga at may nakita si Raya na kamukhang-kamukha ng kapatid niya. Maybe, na-trigger niyon ang emosyon niya which leads to hallucination. Pero her doctor suggests na puntahan daw ulit namin iyong lalaking sinasabing kamukha ng kuya niya. Willing naman ako na samahan ang parents ni Raya, pero wala pa silang time.

Sa ngayon, gagawa muna ako ng paraan para makatulong kahit paano kay Raya. I want to cheer her up. Kaya sana, maging effective iyong naiisip ko.

Ayun lang. Napakahaba na nito, wala namang makakabasa. Para talaga akong tanga nito. Hahaha!

-Live, Laugh, Love

Saving GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon