10 - Intrigued

116 13 3
                                    

January 15, 2021

Kairus'

HUMINGA ako nang malalim at sandaling tumigil sa pagbabasa ng sulat niya. Hindi ko maintindihan kung bakit medyo naapektuhan ako nang mabasa ko na sinasasaktan siya ng mga magulang niya. Parang gusto ko ring manakit.

No daughter or son deserves that kind of treatment from their parents, kahit na may dahilan sila pa sila para gawin iyon. Eh, di sana hindi na lang sila nag-anak kung sasaktan lang din naman nila. Sana ipinutok na lang nila sa labas.

Tama naman, 'di ba? Children should feel the love from their parents. Kahit anong pinagdadaanan ng bawat pamilya, kailangang hindi nawawala ang pagmamahalan sa isa't isa. Wala namang bayad iyon, eh. Kaya siguro minsan, may mga anak na nagrerebelde, eh. Teka, hindi ko sinasabing tama ang magrebelde sa mga magulang, ah. Pero minsan, ang gusto lang naman talaga ng mga anak ay ang pagmamahal na deserve nila galing sa kanilang pamilya.

Mabalik ako sa mga sulat na nakuha ko. Noong una, wala naman talaga akong balak na basahin ang mga sulat na nakuha ko. Baka kasi pinagti-trip-an lang ako nina Kino. Punong-puno kasi sila ng pranks sa katawan. Iniisip ko, baka ginagantihan lang nila ako sa huling panti-trip ko sa kanila. Pero, ewan ko, parang may sariling utak ang mga kamay ko. Naintriga talaga ako sa box na nakapatong sa bedside table ng kuwarto ko kaya naman kinuha ko ang unang sulat at sinimulang basahin.

May mga date naman sa gilid ng bawat sulat. Iyon siguro ang pagkakasunod-sunod ng mga letters niya, though iyong pinakaunang sulat na nakuha ko, walang date. Pero kasi, iyon ang nasa pinakaunahan, eh, kaya iyon ang una kong nabasa. At nang matapos ko iyong, lalo akong naintriga sa kanya sa mga kasunod na sulat. It was like I'm craving to read more of her letters.

Yes, her. Ewan ko, pakiramdam ko kasi, babae ang letter sender ng mga sulat na ito. The choice of words screams that she's a she. Kaya sa imagination ko, isa siyang babae. Saka, kakaiba kasi ang paraan kung paano siya magkuwento sa akin, punong-puno iyon ng nakatagong emosyon. Alam kong nagpapanggap lang siyang maging masaya, pero ang totoo, gusto na niyang bumigay, ayaw na niyang lumaban.

Oo, alam kong puwedeng hindi naman talaga totoo ang mga kuwento niya. I don't have the basis para patunayang totoo talaga ang sender ng mga sulat na ito, pati na rin ang mga kuwento niya.

Puwedeng isa lang itong malaking scam o prank. Pero ewan ko ba, iba ang pakiramdam ko. Para bang handa akong magpa-prank o magpa-scam basta mabasa ko lang ang mga sulat niya.

Nababaliw na nga yata ako. Kasi at the back of my mind, I'm silently wishing na hindi lang ito isang prank. I'm hoping na totoong tao talaga siya. At kung kailangan niya ng tulong, willing ako na tulungan siya. Her letters screams help... kung totoo man siya. Kailangan iyong seryosohin.

Alam kong gago ako, pero alam ko naman at ramdam ko kung kailan kailangang magseryoso. Actually, ako ang nagalit para sa kanya. Ako iyong nakaramdam ng pagrerebelde para sa kanya. Ewan, ang gulo ko rin talaga minsan, eh. Naiinis talaga ako dahil sa kaalamang sinasaktan pa raw siya ng tatay niya. Hindi niya deserve iyon.

Isa pa sa mas nakaintriga sa akin, naire-relate talaga niya ang mga videos ko sa buhay niya. Hindi siya isang simpleng subscriber lang. Hindi lang siya basta nanonood ng videos ko para malibang o tumawa. Nakikita niya talaga iyong message na gusto kong ihatid sa mga manonood. She can see right through me and my videos. And that's making me happy. May silbi naman pala ang mga pinaggagagawa ko.

I heaved a deep sigh. Para talagang gusto kong manakit. Ganoon ako kaapektado. Pero nang medyo kumalma na ako, na-realize ko naman kung gaano ako kasuwerte. I feel so blessed kasi biniyayaan ako ng mapagmahal na pamilya. Kailanman ay hindi nila ipinaramdam sa aming magkakapatid na hindi nila kami mahal. They were very supportive sa amin.

Napatigil ako sa pag-iisip nang tumunog ang cell phone ko. Tiningnan ko lang iyon at hindi pinansin. Nanggugulo na naman ang mga gago. Mga wala talagang magawa sa buhay. Hataw na hataw sa paggawa ng content, eh. Kunsabagay, ganoon din naman ako, lalo na ngayon. Dahil sa mga sulat niya, parang mas nagkaroon ako ng sipag na gumawa pa ng mas maraming content.

Itinuloy ko na ang pagbabasa. Siniguro ko rin na naka-lock ang pinto ng kuwarto ko. Baka kasi basta na lang ulit pumasok sa kuwarto ko ang mga gago at makita pa ako. Habang nagbabasa, ipinangako ko sa sarili ko na hahanapin ko siya. Tutulungan ko siya para maging malaya dahil alam kong deserve niyang maging masaya.

Saving GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon