31 - Tuliro

84 11 2
                                    

January 29, 2021

Kairus'

Gusto kong suntukin ang sarili ko kapag naaalala ko ang katangahan ko kahapon. Kaya naman hindi ko masisisi sina Kino kung asarin man nila ako nang ganoon. I made myself stupid in front of her.

Her.

Hindi ko alam ang pangalan niya. Ni hindi ko man lang naitanong kasi nga, natulala ako sa kanya. Oo, tama sina Kino. Aminado ako, panandalian akong parang nawala sa sarili. At... hindi iyon ang first time na nangyari iyon sa akin.

Hindi alam nina Kino, pero ilang beses ko ng nakita ang babaeng iyon. Pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam ang pangalan niya. I don't know if it's my third time meeting her, pero kilala ko na siya sa mukha. Ilang beses ko na siyang nakita sa mga event namin. At... katulad ng reaksiyon ko kanina, natulala rin ako noon. Mas malala nga lang ang reaksiyon ko kanina kasi hindi ko in-expect na nasa SPU siya.

Paano naman kasi hindi ako matutulala tuwing makikita ko siya? Eh, para siyang anghel na bumaba sa lupa para sa aming mga mortal. Her soft features match her soft voice. She's so beautiful. She's like a breath of fresh air. Nang makita ko siya kahapon, parang nawala ang pagod ko. Ganoon ang pakiramdam ko.

Cliche, corny, OA. Tawagin n'yo na ng kahit ano ang naramdaman ko, pero iyon ang totoo. Para talaga akong naengkanto. Hindi ko in-expect na mararamdaman koi yon sa kanya. Kasi ang totoo, hindi ako nakaramdam nang ganoon sa naging girlfriend ko dati.

Fuck shit talaga! Ang tanga ko sa part na iyon. Pero, ang saya lang talaga sa pakiramdam na nakita ko ulit siya at sa talk pa namin sa SPU. Sana... makita ko ulit siya.

But, if there's one thing I regret-bukod sa hindi ko nakuha ang pangalan ng babae-ay iyong hindi ko nakita si Hiraya. Iyon pa naman talaga ang nilu-look forward ko kahapon.

I really wanted to meet Raya. Gusto ko siyang mas matulungan pa. At hindi lang iyon, gusto ko ring magpasalamat sa kanya. Her words... it inspires me to become better. Ipina-realize sa akin ni Hiraya na may purpose pala talaga ang ginagawa ko na sabi ng iba ay puro kagaguhan lang naman at walang kuwenta. Ang saya ko tuwing makakabasa ng letter niya at sinasabi niya na napapasaya ko siya.

Kung nailigtas si Hiraya ng mga videos ko-katulad ng mga sinasabi niya sa mg sulat niya-nailigtas din niya ako sa self doubts ko. Iyong pagkuwestiyon ko sa sarili ko kung tama ba ang ginagawa ko, kung hindi ba ako nag-aaksaya lang ng oras sa paggawa ng mga contents. Oo, masaya ako habang gumagawa ng mga videos, ito ang passion ko, pero sa pagdating ng mga sulat ni Hiraya, I felt that my videos served its purpose. Mas nagkaroon ng meaning ang mga content na ginagawa ko.

Minsan kasi, kahit alam ko namang tama ang mga ginagawa ko, may mga oras na nagdududa ako. And I have to shrug it off. Ayaw ko kasing pagsisihan ang mga desisyon ko. At dahil kay Hiraya, nawala lahat ng pagdududang iyon. Nagkaroon ako ng will na mas magpatuloy.

Hmm, alam kong kilala na ni Kino si Hiraya bago pa man iyong talk namin sa SPU dahil sa video na mayroon siya na ayaw naman niyang ipakita sa akin. Gago talaga ang pinsan ko na iyon, eh. Kung ayaw niya akong tulungan, gagawa ako ng way para mahanap si Raya sa sarili kong paraan.

At sa babae sa talk namin sa SPU, kung gusto ng universe na magkita ulit kami, alam kong magkikita ulit kami.

Saving GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon