65 - Travel Goals Part One

49 4 1
                                    

March 17, 2021

Kairus’ Vlog Content

Kairus: Wazzup, mga trops. Today, today, today! Today… well, ngayong araw ay aalis kami. Ito nga at nag-aayos na ako ng mga dadalhin ko. Kasama ko ang buong Team Wam-Pataas. At pupunta kami sa…

Maze: Cebu, baby! Hi, mga trops.

(Jander on the background)
Travel vlogs, let’s go!

(Kino on the background)
Bakit, kasama ka ba?

(Jander on the background)
Oo, sabi ni Kuya. Baka ikaw ang hindi kasama. Haha!

(Kino on the background)
Siyempre, kasama ako. Ito nga at ayos na ang mga gamit ko. Ready to go na ako.

Kairus: At mga nauna pa talaga kayo sa akin, ah. Ang gagaling din talaga.

(Legend on the background)
Kami pa ba, Kuya Kairus? Hahaha!

Nicko Robin: Hi sa mga trops diyan ni Kairus. Siyempre, kasama rin kami sa Cebu! Hindi kami puwedeng maiwan. Ganoon kami kamahal ng tropa naming iyan.

Yuan: Actually, puwede ka namang maiwan. Si Raya ang hindi puwedeng maiwan. Haha!

Nicko Robin: So… ganoon niya kamahal ni Raya?

Kairus: Bumalik na lang kaya kayo sa boot camp n’yo at huwag ng sumama? Mas okay siguro 'yon, 'no?

Nicko Robin: Off season pa, p’re. 'Wag kang paladesisyon. Pahinga muna kami sa ML.

(Kino on the background)
Lagot ka, Ribo. Ang sama na ng tingin sa 'yo ni Kairus. Haha!

Nicko Robin: Kairus, tingin ka na lang ulit kay Raya para gumanda na ang mood mo. Haha!

Hiraya: Hala, bakit sa akin? Haha! Hi, mga trops! Kumusta kayo?

Nicko Robin: Ikaw lang kasi ang nakakapagpaganda ng mood ni Kairus. Ayie!

Hiraya: Bakit? Mukha ba akong clown?

(Killian on the background)
Hindi. Crush ka kasi ni Kairus kaya kapag nandiyan ka, maganda ang mood niya.

(Kino on the background)
Hoooy! Hahaha! Hindi sa amin nanggaling 'yan, ah. Si Kian ang nagsabi, hindi kami!

Nicko Robin: Kaya sa 'yo ako, Killian Torres, eh. Haha!

(Reign on the background)
Parang si Kuya Kian lang ang hindi takot kay Kuya, 'no?

(King Russel on the background)
Meron pa. Sina Kayden at Ian din. Pare-pareho 'yang tatlong 'yan nina Kian. Haha!

Maze: Kuya, bakit parang… namumula ka?

Yuan: Kapag namumula si Kairus, alam na ang ibig sabihin niyan. Haha!

Hiraya: Hala, nahihiya ka ba, Kairus? 'Wag ka ng mahiya, crush din naman kita. Char! Haha!

Nicko Robin: Lakas naman talaga! Sana all!

Yuan: Ehem, sana all daw, o, sabi ni Ribo. Haha!

Nicko Robin: Manahimik ka diyan, Yuan! Hindi ka kausap.

Kairus: Ang gugulo n’yo! Mag-ayos na nga kayo ng mga gamit n’yo. Ang mabagal, maiiwan!

(Kino on the background)
Teka, Kairus! Hindi mo pa nasasagot ang tanong ni Raya. Nahihiya ka ba kasi crush mo siya? Haha!

Saving GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon