60 - Concert Feels

34 6 0
                                    

March 5, 2021

Kairus’ Vlog Content

Kairus: Wazzup, mga trops. Today, today, today! Well, today este mamaya pala ay may mahalaga kaming pupuntahan. Siguro naman, nabalitaan n’yong naimbitahan kami sa YouTube Fanfest na mangyayari mamayang gabi. Oo, sigurado akong nabalitaan n’yo na 'yan, mga tsismoso at tsismosa kayo, eh. Haha! Pero iyon na nga, mga trops, tutugtog kami sa YTFF. Kaya naman sa lahat ng pupunta, magkita-kita po tayo doon.

(Nicko Robin on the background)
P’re, puwede bang mag-request sa 'yo ng kanta doon? Haha!

Kairus: Nandito ka na naman, Ribo? Nagsawa ka na bang maglaro ng ML at dito ka laging nanggugulo?

(Yuan on the background)
Ako, alam ko kung bakit laging nandito si Ribo! Haha!

(Maze on the background)
Kuyaaa! Dapat may backstage pass kami, ah.

(Yuan on the background)
Ribo, ano na? Hahaha!

(Nicko Robin on the background)
Manahimik ka d’yan, Yuan! Tara na nga, laro na!

Kairus: O, 'di ba, mga trops, mga siraulo talaga ang mga 'yan, eh. Pero 'yon na nga, mabalik ako sa sinasabi ko kanina. Sa mga pupunta sa YTFF, sana pare-pareho nating ma-enjoy ang performance na inihanda ng mga performers mamaya.

Kino: Eh, ikaw ba, may inihanda ka bang pasabog mamaya? Baka naman magtae ka doon kung kailan magpe-perform na kayo, ah. Haha!

Kairus: Siyempre, may inihanda ako para sa mga pupunta, lalo na sa mga trops natin d’yan. Medyo kinakabahan pa nga ako, pero sana ma-pull off nang maayos.

Kino: Bakit? Ano ba’ng meron mamaya?

Kairus: Sekretong malupit!

Kino: Napakawalang kuwenta mo namang tanungin kahit kailan. Tsk!

Kairus: Wala ka rin namang kuwenta.

(Hiraya on the background)
Kairus, may set list na ba kayo ng kakantahin n’yo mamaya? Puwedeng mag-request?

Kairus: May set list na kami, pero…

(Nicko Robin on the background)
'Ayun kapag si Hiraya ang magre-request…

(Hiraya on the background)
Hala, joke lang 'yong request if may set list na pala kayo.

Kairus: Pero… ready ka ba kung sakaling kakanta ka rin mamaya?

(Nicko Robin on the background)
Naku, p’re, hindi ako pangkantahan. ML lang ang buhay ko.

Kairus: Manahimik na d’yan, Nicko Robin! Hindi ikaw ang tinatanong ko. Alam kong wala kang talent.

Kino: Aray daw, sabi ni Ribo. Ang sakit mo talagang magsalita, Bossing. Hahaha!

Kairus: So… Raya, ready ka ba if ever?

(Hiraya on the background)
Ay, bakit ako ang tinatanong mo? Haha!

Kino: Naku, Raya, kapag kasama mo si Kairus, kailangan always ready ka. Napaka-spontaneous pa naman niyan.

(Hiraya on the background)
Welll… Ah, siguro kaya ko naman. Sana… Pero dahil hindi naman ako kasali, hindi ko siya kailanganing problemahin. Haha!

Kairus: Hmm…

***

Kairus: And I’m back, mga trops. We’re on our way to the venue of YTFF. Medyo excited ako na kinakabahan. Ewan ko ba, mga trops, pero kahit ilang beses naman na kaming nakapag-perform on stage, lagi pa ring may kaba sa dibdib ko.

Saving GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon