33 - Oblak

85 13 0
                                    

June 12, 2020

Hi, Kairus!

Maligayang Araw ng Kalayaan! Nakalaya na ba ang puso mo, Kairus? Kasi kung hindi pa, ako na ang magpapalaya para sa akin na iyan ikulong. Char! Haha! Seryoso na, wish ko lang makalaya na ako sa sakit na nararamdaman ko. Eme!

Anyway, I'm back at it again with another video and letter. At ang featured video ngayon ay, "Oblak."

I was surprised nang makita kita sa video mo na ito. Grabe, lodi ka talaga, Kairus. You're such a good friend, pati na rin iyong mga pinsan at tropa mo. Hands down ako sa inyo. Kung sa iba, mababaw lang ang ginawa n'yo para sa kaibigan n'yo, para sa akin, sobrang meaningful niyan. Ibang klaseng pagsuporta iyan. Ang solid! Ipinaparamdam n'yo kay Ron na, huwag siyang matakot kasi kasama niya kayo sa laban niya. Na nasa ospital man siya ngayon at nasa bahay kayo, nandiyan pa rin kayo para sa kanya.

Well, dahil matagal-tagal na rin naman akong sumusubaybay sa 'yo, medyo na-predict ko na ito lalo na nang magpakalbo sa Ron para sa chemotherapy niya. Pero nagulat pa rin talaga ako nang makita na kita... na kalbo. Nagpakalbo ka, kayo ng mga kaibigan mo, para suportahan ang laban na mayroon si Ron ngayon. I'm so proud of you for doing that.

In all fairness naman sa 'yo, bagay naman. Naging kahawig mo si Kobe. Char! Haha! Pagkatapos mo, sumunod naman ang mga kaibigan mo sa 'yo. Aba, mga nagpakalbo rin! Kahit si Yuan na ang haba na ng buhok at parang wala talagang balak na magpagupit, nagpakalbo rin. Grabe, humanga talaga ako sa klase ng friendship na mayroon kayo. Nakaka-proud talaga kayong i-stan. O, baka hindi mo alam ang ibig sabihin ng stan. Ito, ibibigay ko na ang meaning sa 'yo. Knowing you, alam kong kukunot ang noo mo at mag-iisip ka kung ano iyong "stan." Haha!

Stan- a slang for someone who is a very zealous fan, especially of a celebrity or music group. Stan can also be a verb for liking something a great deal.

O, iyan, alam mo na, ha? Haha! Sobrang ini-stan ko ang grupo n'yo. You and your group are full of substance, full of wisdoms at... punong-puno rin ng kalokohan. Lol! May idadagdag pa pala ako. Ang solid ng pagkakaibigan n'yo. And that makes you and your group unique. Happy pills kayo ng marami, including me, of course.

Speaking of kaibigan, may ikukuwento ako sa 'yo. Yes, chikadora mode muna ako. Haha! 'Di ba, last time, nabanggit ko sa 'yo na may progress na ako when it comes to making friends. Alam mo bang lalo pa kaming naging close ni Daina? And that makes me so happy. Super close na kami. So, be proud of me. Char!

Isa pa sa ikinatutuwa ko ay sinusuportahan niya ako when it comes to my passion-music. Tuwang-tuwa siya nang minsan ay kantahan ko siya. Ang ganda raw ng boses ko. And that warms my heart. Ang tagal ko na kasing walang naririnig na ganoon. Si Kuya kasi iyong huling taong pumuri sa akin tungkol sa pagkanta.

Ipinakilala na rin pala ako ni Daina sa iba niyang mga kaibigan at lahat sila, mababait sa akin. Lahat sila, tanggap ako. Kaya ang saya talaga sa pakiramdam. At alam mo ba, plano kong papuntahin na rin si Daina sa bahay namin one of these days. It's time na para naman maranasan ko ulit ang normal na buhay. Iyong tipong may mga kaibigang pupunta sa bahay n'yo para maki-bonding, ganern! Pero uunti-untiin ko lang muna. Takot pa rin kasi ako kay Daddy. Lol!

Anyway, may isa pa akong na-discover! Si Daina pala ay kaibigan ng isa sa mga kaibigan mo! Hulaan mo na lang kung sino sa kanila. Ayokong i-spill sa 'yo. Haha! Ayun, kaya naman pala may nakukuha agad siyang tickets kapag may mga events kayo. May connection pala sa inyo ang bruha. Binibiro ko nga si Daina na sana, maging kaibigan ko rin kayo. Tinatawanan niya lang ako. My God! Haha!

Anyway, ito lang naman ang hanash ko for this letter. This letter is a celebration of friendship, I guess. Thank you for inspiring me always. ❤

Ito na lang muna ulit sa ngayon, Kairus. Salamat ulit sa inspirasyon. Till next letter and video.

-Live, Laugh, Love

Saving GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon