29 - Tomorrow

80 11 3
                                    

Messenger

Pamilyang Magaling = Velasquez Clan
JAN 27, 2021 AT 9:21 PM

Yuan: Kairus, kumusta ka? Haha!

Seen by everyone

9:23 PM

Maze: Bakit? Anong meron kay Kuya Kairus?

Reign: May sakit si Kuya?

Wala akong sakit.

Legend: Bakit may pagkumusta, eh, magkakasama naman kayo sa bahay?

Natatanga na naman siguro yang si Yuan.

Jander: Hahahaha! Tanga naman pala, eh.

Yuan: Kinukumusta lang kita kasi baka nae-excite ka na para bukas.

Maze: Anong meron bukas?

Kino: Yung talk namin sa SPU. 🤭🤣

Reign: Oh! SPU! Hiraya!

Jander: Excited ka na, Kuya? Hahaha!

No.

Kino: Weh? Parang di yan ang sinabi mo nang huli tayong mag-usap. 😏

Kino: "She needs my help. Blah blah blah..."

Umayos ka, Kirk Iñigo!

Kino: Hahahaha!

Maze: Lalo akong na-curious sa laman ng letters ni Hiraya.

Legend: Baka nga R-18 yun. Haha!

Mukha kang porn, Legendary.

Yuan: Legend pa ba? Haha!

Reign: Kuya Kairus, baka naman pwedeng pabasa kami.

I'll think about it.

Jander: Bakit naman pag-iisipan pa?

First, para sa akin lang yung mga letters, hindi para sa atin.

Second, may mga confidential info sa letters na hindi pwedeng basta ipagkalat.

Legend: I knew it! Confidential daw, eh.

Isa pa, Legend, tatamaan ka na sa akin.

Reign: Gawin mo na, Kuya. Legend needs some beating. Haha!

Yuan: Di naman kami mga tsismoso, Kairus.

Jander: Talaga ba? Parang di makatotohanan yang hindi "kayo" mga tsismoso.

Kino: Sina Maze at Reign lang ang tsismosa dito.

Maze: Wow! Hiyang-hiya naman kami sayo, Kino!

Wag na kayong makulit!

Kino: O, wag n'yo ng bad trip-in si Boss Kairus. Kailangang relax lang siya para bukas.

Ulol!

Kino: Hahaha!

Legend: Pero ang daming estudyante sa SPU. Ilang percent ang possibility na makikita n'yo si Hiraya doon bukas?

Maze: Fan siya ni Kuya Kai, 'di ba? Malamang, pupunta siya sa talk.

Kino: Wag kayong mag-aalala. May plano na nga ako. 😏

Kino: Ako pa ba? Bow down to me, mga noob!

Pag kagaguhan yan, patay ka talaga sa akin, Kirk Iñigo.

Reign: Scary ni Kuya Kairus.

Kino: Okay lang. Di naman ako takot dyan. Hahaha!

Maze: Wait! Pumayag ka sa plan ni Kino, Kuya?

Kino: Pumayag siya. Para kay Hiraya. Hahaha!

Reign: Wow!

Legend: Mukhang tinamaan ka talaga, Kuya Kairus, ah.

Ikaw ang tatamaan sa akin.

Jander: Hahaha!

Seen by everyone

Saving GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon