81 - (Surprise) Birthday

20 2 0
                                    

Hi, Hiraya

Kumusta ka? I hope you're doing good, lalo na at birthday mo na bukas. Oo, alam ko ang birthday mo, 'wag kang magulat. Haha! Hindi lang ikaw ang nakakatanda ng mga special ocassions.

Alam mo ba? Haha! Kakapalan ko na ang mukha ko kay Lord. Ikaw ang may birthday, pero ako na ang magwi-wish, pero para din naman sa 'yo ang hihilingin ko. I wish that God grant what your heart desires. Plus, genuine happiness and peace of mind.

Speaking of birthday, alam ko kahit hindi mo man sabihin, iyong mga nangyayari ngayon ang isa sa biggest surprises para sa 'yo. Grabe talagang magbiro ang tadhana, 'no? Unexpected turn of events.

Naalala ko tuloy iyong isa sa mga sulat mo sa akin na may title na Birthday. Naaalala mo pa rin ba iyon? Nabanggit mo roon na noong bata ka pa at kasama ninyo pa ang kuya mo, lagi ka niyang sinu-surprise. At ngayong hindi ninyo na siya kasama, nami-miss mo iyon. Kaya wish mo na sana, kasama mo pa ang kuya mo.

And then, fate decided to play tricks on you. Mapaglaro talaga minsan ang tadhana, eh. Sa totoo lang, kahit ako nagulat, Raya. Kaya sigurado akong mas nagulat ka, pati na ang parents mo. Baka nga hindi lang basta gulat. You were shock, I guess. Kasi tinanggap ninyo na, eh. Ilang taon ng akala ninyo, wala na ang kuya mo. Pagkatapos biglang... Ewan, hindi ko rin talaga alam.

Alam ko, kahit hindi mo sabihin, halo-halong emosyon ang nararamdaman mo ngayon. And that's okay, okay? Valid iyang nararamdaman mo. Hayaan mo lang ang mga emosyon mo, ilabas mo iyang lahat. Walang kukuwestiyon sa 'yo. Don't bottle it up. Mas maganda na nailalabas mo kung anuman ang nararamdaman mo.

Raya, ayaw kitang pangunahan sa kung ano ang dapat mong maging reaksiyon at kung ano ang dapat mong maramdaman. But I'm here to send you some positive vibes. Again, ayaw kitang pangunahan. Just... just some positive insight that might help you.

Hindi man expected at ginulat ka man nang todo, baka ito na ang biggest birthday surprise para sa 'yo. Baka ito na iyong pinakamagandang gift ni Lord para sa 'yo--ang kuya mo mismo. At ito na rin siguro ang biggest surprise ng kuya mo sa 'yo.

Who would have thought na buhay pa pala siya, 'di ba? It was the plot twist that I think you never expected to happen. Iyong plot twist na babago ulit sa takbo ng buhay mo, ninyo ng family mo.

I think... ang nangyayari sa inyo ngayon ay way ni Lord para maging maayos na talaga ang lahat para sa family ninyo. Kasi pagkatapos mawala ng kuya mo noon, nagbago ang lahat para sa 'yo, eh. You were in the dark for a long time. Not just you, but your parents as well. Magkakaiba lang kayo ng path na dinaanan, but all of you experienced that dark phase.

But God show you the light, 'di ba? Hindi Niya hinayaan na manatili ka sa dilim. Tinest ka lang Niya kung hanggang saan mo kaya. May mga panahong pabitaw ka na, pero hindi mo ginawa. (Proud of you!) And that helped you a lot. He just prepared you para sa mga ganitong sitwasyon.

Anyway, baka kaya ito iyong surprise birthday gift sa 'yo ni Lord kasi ito na iyong ibinibigay Niyang pagkakataon para mapalitan na iyong dark moments mo with happiness. Nasa sa 'yo na lang kung paano mo iyon ite-take.

I mean, dalawa lang naman iyan, eh. Either you dwell on the past at sisihin ang mga nangyari--pati na ang kuya mo na bigla na lang ulit lumitaw ngayon--kung bakit hindi ka naging masaya the past years or you move forward with your parents and of course your kuya for you to be happy.

I don't know if I'm making sense right now. Ang hirap din kasing i-convey ng gusto ko talagang iparating since I have to be careful with my words. Ayaw ko namang mas ma-trigger ka at ayoko rin naman na lumalabas na pinangungunahan kita.

I just... I just want you to be happy, Raya. And be patient with your kuya, okay? May amnesia pa siya. I hope na maghilom ang sugat na dala ng kahapon sa inyong lahat.

Ps: Lumabas ka ng kuwarto mo bukas, okay? Pupuntahan ka ng Team Wam-Pataas. Hindi namin puwedeng palagpasin ang birthday mo.

Be happy, Hiraya. I'm always here!

-Live, Laugh, Love

Saving GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon