68 - Travel Goals Part Four

43 4 0
                                    

Kairus’ Vlog Content

March 20,2021

Kairus: Wazzup sa inyo, mga trops. Kumusta naman kayo diyan? Well, nandito pa rin kami ngayon siyempre sa Cebu. At mula noong unang araw namin dito, sobra na kaming nag-enjoy. Totoo talagang isa ang Cebu sa mga worth it na travel place sa mundo. And today, today, today is going to be a fun day.

Kino: Mag-i-skydiving kasi kami! Wooo!

Maze: Ah, kasama kayo? Akala ko, hindi. Haha!

Kairus: Hindi naman talaga kasama ang mga 'yan.

Ribo: Grabe ka na talaga, Boss Kairus. Wala ka bang pa-trivia diyan about skydiving?

(Hiraya on the background)
Ay, may pa-stock knowledge ulit si Kairus?

Ribo: Meron daw, Raya! Hahaha!

Kairus: Skydiving is an extreme sport in which participants jump from an airplane or other high altitude and free fall before deploying a parachute to slow their descent. Ikino-consider din ang skydiving bilang isa sa pinaka-exhilarating na activity na puwedeng ma-experience ng isang tao dahil sa adrenaline rush na mararamdaman sa pagtalon sa airplane.

(Yuan on the background)
'Ayan ang sinasabi sa inyo, eh. 'Wag n’yo kasing hinahamon si Kairus. Haha!

(Legend on the background)
Don’t mess with Kuya Kairus talaga. Hindi kayo mananalo diyan. Haha!

(Reign on the background)
Ewan ko ba naman sa mga 'yan, Kuya Yuan. Mga walang kadala-dala, eh.

Kairus: Tara, tara, tara! Maiwan na 'yong mga mababagal kumilos diyan!

Maze: Kuya, malayo ba ang pupuntahan natin?

Kairus: Hindi naman. Sa Santa Fe Airport ang drop zone kaya doon na tayo dederetso.

Kino: O, Ribo, ready ka na bang ma-fall este magpa-fall? Haha!

Nicko Robin: Matagal na akong na-fall. Boom!

(Legend on the background)
Share naman diyan, Kuya Ribo!
(Yuan on the background)
Ribo, share daw! Hahaha!

Nicko Robin: Tara na, tara na! Nagagalit na si Bossing Kairus, o.

Kairus: Okay lang naman basta sabihin mo kung sino 'yon.

Kino: Haha! Kairus tsismoso era na ba ito?

Nicko Robin: Nagmamadali na tayo, 'di ba?

Kairus: Weak! Magsikilos na kayo at aalis na tayo!

(Reign on the background)
Kuya Jander! Camera mo!

Kairus: 'Yon na nga, mga trops. Isa talaga ito sa mga pinlano namin sa pagpunta dito sa Bantayan—ang makapag-skydive. Actually, excited ako na may halong kaba. First time naming lahat na susubukan ang skydiving. At… natural lang naman ang makaramdam ng kaba. Hindi maiiwasan 'yon.

Kairus: So… samahan n’yo kami, mga trops, sa adventure naming ito. Sama-sama tayong lumipad at abutin ang mga pangarap natin.

***

Kairus: Wazzup sa inyo, mga trops. Kararating lang namin dito sa drop zone which is in Santa Fe Airport, dito sa Bantayan. Kaunting kaalaman lang ulit, mga trops. Ang Skydive Greater Cebu ang nag-iisang USPA (United States Parachute Association) Member drop zone sa Pilipinas at nagsimula ito noong 2014. Ang instructor at owner nito ay si Brad Vancina, a certified USPA (United States Parachute Association) Tandem Instructor.

Saving GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon