45 - #FindingRaya

73 11 3
                                    

February 9, 2021

Kairus' Vlog Content

Wazzup sa inyo, mga trops. Today, today, today! Yes, today ay may gagawin tayong malupit! Pero bago ang lahat, gusto ko pala munang magpasalamat sa inyo, mga trops. Ang lakas n'yo talaga. Ang lakas ng tama n'yo. Hahaha! Hindi ko talaga akalain na magte-trending ang huling vlog ko. Sabi nga ng kapatid ko, kinabog ko pa raw ang BTS at SB19. Hahaha!

(Nicko Robin on the background)
Wuuu! Sikat na talaga ang aports namin. Ibang level na, di na namin ma-reach! Hahaha!

Woy, oo nga pala, mga trops, nandito nga pala sa condo ang mga tropa nating sikat na. Hindi ko maintindihan sa mga ito kung bakit dito na-trip-an na mag-stream. Nagsisiksikan tuloy dito.

(Yuan on the background)
Gusto lang makitsismis ng mga iyan sa love life mo. Hahaha!

(Kino on the background)
May love life ba? Hahaha!

(King Russel on the background)
Awit naman 'yon, lods. Hahaha!

Mga gagu! Magsilayas na nga kayo dito!

So, ayun na nga, mga trops, ang overwhelming lang ng response n'yo sa last vlog ko. Hindi ko talaga naisip na magte-trending iyon. Hahaha! At... marami sa inyo ang nagtatanong kung sino at nasaan si Raya.

Actually, ayoko na sana siyang i-involve pa dito sa vlog na ito. Baka isipin ng ibang nakakakilala sa kanya that I'm using her for clout. Na para lang sa vlog ito. Para kumita ako ng pera. Pero siyempre, hindi naman talaga iyon ang dahilan ko. Kilala n'yo naman ako, mga trops. I don't do vlogs for money. Kaya ko lang talaga siya binanggit sa vlog ko last time ay dahil appreciation video ko iyon para sa kanya.

(Jander on the background)
Parang hindi naman iyon ang sinabi mo sa amin. Hahaha!)

Isa pa, sasamain kayo sa akin! Mag-stream na kayo nang may pakinabang kayo!

Pero iyon na nga, mga trops, mabalik tayo sa sinasabi ko, hindi ko naman akalain na maku-curious kayo at magtatanong kung sino talaga si Raya at kung nasaan siya. Hindi ko alam kung matatawa ako sa mga pa-hash tags n'yo, eh. But I can't tell details about her. Medyo private kasi siyang tao. But one thing is for sure, isa rin siyang trops, katulad n'yo. Thankful lang talaga ako sa kanya dahil sobra niyang na-appreciate lahat ng videos ko. Iyon namang tanong n'yo kung nasaan siya, iyan talaga ang hindi ko kayang sagutin, kasi kahit ako, hinahanap ko rin siya.

Tama kayo ng narinig. Hindi ko alam kung nasaan si Raya ngayon. Wala siya sa bahay nila at ang sabi ng parents niya, she's currently on a vacation. Hindi ko naman matanong ang parents niya kung saang lugar siya nagbakasyon dahil alam n'yo na... mahiyain ako. Hahaha!

(Nicko Robin on the background)
Nag-meet the parents na pala? Bakit hindi kami na-inform?

(Jander on the background)
Pasensiya na, p're. Pampamilya lang daw muna ang impormasyong 'yon. Hahaha!

Huwag n'yo na lang pansinin ang mga epal sa background, mga trops. Pero iyon na nga ang gagawin nating malupit! I really really want to meet her... Si Raya. Gusto ko siyang pasalamatan nang personal. Akala niya kasi, ako lang iyong nakatulong sa kanya. Gusto kong sabihin sa kanya nang personal na marami din akong learnings na nakuha sa kanya. Pero dahil nga, private siyang tao, ayoko namang ma-compromise ang privacy niya. Kaya, mga trops, who's up for a challenge?

Totohanin na natin ang pinauso n'yo? Iyong #FindingRaya pero wala akong ibibigay na details niya sa inyo. Haha! Bahala kayong umisip ng paraan kung paano n'yo siya mahahanap. Kaya sa nakakakilala talaga kay Raya, may advantage na agad kayo. Haha!

Again, I'm not doing this for clout. And actually, isa sa nakaisip ng "bright idea" raw na ito ay ang isa sa mga kaibigan ni Raya... na hindi rin daw alam kung nasaan ang kaibigan niya. Mukhang takot din siyang magtanong sa mga magulang ni Raya. Hahaha!

Sa mga makakapagturo sa akin kung nasaan si Raya, may premyong makukuha sa akin. 25k ang ibibigay ko sa makakapaghanap at makakatulong sa akin para makita si Raya. Okay ba iyon, mga trops?

(Kayden Harvey on the background)
Magdadagdag ako ng another 25k sa makakahanap kay Raya ni Kairus.

(Kino on the background)
Teka, sasali na ako sa paghahanap. Hahaha! At least ako, alam ko na kung anong hitsura ni Raya. Haha!

(Jander on the background)
Sama naman ako sa pangarap mo, Kino!

(Kyle Aldrian on the background)
20k for me, basta tulungan n'yo lang si Kairus.

Woy teka, seryoso ba kayo d'yan, mga kupal kayo?

(Killian on the background)
10k for me, for Ribo and for King, para sarado 100k ang premyo ng makakahanap kay Raya ni Kairus.

(Yuan on the background)
Wala ng nagawa sina Ribo at King, eh. Hahaha!

(Nicko Robin on the background)
Ayos lang, para sa aports natin. Haha!

O, mga trops, narinig n'yo iyon? Seryoso nga ang mga gagu kong tropa. So... 100k for #FindingRaya Who's up for this?

(Kino on the background)
'Oy, Boss Kairus! Seryoso ka rin ba sa paghahanap kay Raya? So paano iyong magandang babae doon sa talk?

(King Russel on the background)
Woy, teka, bakit parang natulala si Kairus? Hahaha!

Manahimik kayo d'yan, mga gago! Send n'yo sa akin iyong mga ambag n'yo, ah.

So, that's it for this vlog, mga trops. Good luck sa lahat ng sasali. See you sa susunod na video. Salamat!

-Live, Laugh, Love

Saving GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon