69 - Of Travels and Realizations

35 2 0
                                    

Hiraya’s Blog Post

Of Travels and Realizations by: Keep the Faith
2 days ago— 5-minute read

Read More >>

Hey there! How’s everyone? I hope we’re all okay. I hope, everyone's having a good day.

Honestly, I don’t know where to start. I’m just so overwhelmed sa mga bagay at sa mga pangyayari sa buhay ko these past few weeks. Sobrang dami kong gustong sabihin. Sobrang dami kong na-experience na hinding-hindi ko makakalimutan sa buong buhay ko. Susubukan kong isa-isahin iyon dito, para you know, mailabas ko na rin talaga ang feels na nararamdaman ko.

God is really good. All the time. Totoong hindi Niya tayo hahayaang malugmok nang matagal. May mga oras na susuko ka na talaga, pero kailangang kumapit ka lang nang mahigpit sa Kanya. Basta naniniwala ka sa Kanya, darating ang time na iyong sakit na nararamdaman mo ay mapapalitan ng saya na hinahanap mo.

Hinding-hindi ako magsasawang sabihin iyan. Kasi, na-experience ko, eh. I was in my rock bottom, in my lowest of low. But now, I could say that I’m in a better state. Hindi pa man totally okay, pero alam kong unti-unti ko na talagang nararamdaman ang happiness na matagal ko ng pinapangarap. Iyong genuine happiness na lagi kong ipinagdarasal sa Kanya.

Sa totoo lang, gusto kong matakot. Kasi 'di ba, kapag sobra kang masaya, the next day, mapapalitan iyon ng sobrang lungkot na pakiramdam? Kasi ganoon naman talaga ang buhay, 'di ba? It's not always the good times. But it's not always the bad times either.

Isa rin iyan sa na-realize ko lately, eh. Kapag puro masasayang pangyayari lang ang mayroon ka, walang learnings. Eh, isa pa naman iyon sa mahalagang sangkap ng buhay. Kasi, dahil sa mga problemang kinakaharap mo, marami kang matututunan. Kailangan mong madapa para lang matuto uling bumangon. At kapag nakabangon ka, that's when reward happens. That's when happiness follows.

Pero iyon na nga. From what I've experience lately, puro masasayang pangyayari ang nararanasan ko. Kaya naisip ko na lang, siguro pure happiness ang ipinararamdam sa akin ni Lord ngayon kasi deserve ko naman ito, eh. Kasi nalagpasan ko iyong obstacles sa buhay. And yes, I know, I deserve this.

Alam kong sa panahon ngayon, gasgas na ang linyang “deserve ko ito.” Marami na ang gumagamit ng mga salitang iyan. Nagiging normal na lang minsan sa karamihan, eh. But for me, those are beautiful words. Kasi, with those words, you are validating yourself. You are rewarding yourself ng mga bagay na pakiramdam mo ay dapat lang na makuha o maramdaman mo. That after the hardships that you’ve experienced, 'ayan na ang kapalit.

So, if you know that you truly deserve those things that you owe to yourself, then just enjoy. You are just reaping what you sow. 'Wag lang talagang sosobra, dapat iyong tama lang. Kasi sabi nga nila, masama ang sobra.

Anyway, ang dami ko na agad nasabi. Hindi pa ako nag-uumpisang magkuwento tungkol sa bakasyon namin dito sa Cebu. I'm sorry, ganito talaga ako. Blabbing whatever I have in mind.

Well, I’m writing this now... habang nandito kami sa hotel room namin at nagpapahinga. Actually, tulog na ang mga kasama ko, mga napagod siguro kaya mga nakatulog na. Pero ako, hindi pa talaga makatulog. I’m still in euphoria.

Hindi ko talaga akalain na isasama ako nina Kairus sa Cebu. Nakakatuwa lang na hindi niya nalimutan na Cebu ang isa sa mga dream destination ko. Actually, nag-iipon na talaga ako para sa Cebu trip na plano ko next year. Pero dahil isinama na ako nina Kairus, hindi na ako nakatanggi.

Sabi pa nga niya, sagot na nila ang lahat ng gastos, pero hindi naman ako pumayag doon. He was insisting, though. Pero sabi ko, hindi ako sasama kung hindi ko babayaran kahit ang kalahati ng gastos. Sobrang nakakahiya na kasi talaga sa kanila. At iyon, nagkasundo naman kami doon. So… all set. Makakapunta na ako sa dream destination ko. Err, nandito na pala ako.

Pero alam n’yo ba, honestly speaking, excitement talaga ang naging initial reaction ko nang sabihin ni Kairus na isasama nila ako sa Cebu, pero after a few hours of thinking, nagkaroon na ng agam-agam sa puso ko. Kasi naisip ko, no, scratch that, naramdaman ko na hindi pa ako ready. Kaya nga next year ko pa sana planong pumunta doon, eh.

Bukod kasi sa nag-iipon pa talaga ako, inihahanda ko rin ang sarili ko. 'Di ba nga, hindi pa ako tapos sa session ko with my psychiatrist. Gusto ko sana, kapag pumunta ako dito, malibot ko ang Cebu nang wala ng takot sa puso ko. Iyong tipong mae-enjoy ko talaga nang sobra ang trip na iyon. Iyong wala na akong iniisip at nararamdaman na trauma.

But when Kairus told me na ipinagpaalam niya na ako kina Mommy at Daddy, 'tapos kinausap na rin niya ang doktor ko to make sure kung okay lang na pumunta ako sa mga lugar na puwedeng mag-trigger ng trauma ko, it really warms my heart. Parang biglang nawala ang agam-agam sa puso ko.

Ilang tao ba ang gagawa ng ganoon para sa akin? Masuwerte ako na may taong genuine ang pag-aalala sa akin. Right there and then, alam kong hindi niya ako pababayaan.

And I’m right. Hindi talaga ako pinabayaan ni Kairus, actually, nilang lahat. Papuntang Cebu palang, alagang-alaga na nila ako. Siyempre, hindi mawawala ang asaran kasama ang Team Wam-Pataas. Trade mark na iyan sa grupo.

At aaminin ko, kinikilig talaga ako kapag tinutukso nila kami ni Kairus, lalo na kapag sinasabi nilang crush ako ni Kairus. Hindi ko nga akalain na sobrang laki ng character development ko dahil nakakaya ko pa ring humarap kay Kairus pagkatapos kong sabihin na crush ko rin naman siya. Kung ako iyong dating Hiraya, baka nagtago na ako sa kuwarto. Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig. Eme!

Anyway, balik tayo sa kuwentong Cebu ko. Hati talaga ang emosyong nararamdaman ko, lalo na nang mag-land ang eroplano. Half excited and half anxious. Pero si Kairus… lagi niya akong ina-assure na everything will be alright.

At... tama nga. Cebu was a majestic place. I know that it will be a healing place for me. Paano ko nasabi? Kasi, pagdating palang namin dito, iba iyong pakiramdam ko? Iyong pakiramdam na para akong nakawala sa mga bagay na dati ay kinatatakutan ko. Nawala iyong anxiousness na nararamdaman ko. And I think, because of that, alam kong unti-unti akong mahi-heal. Malakas talaga ang pakiramdam ko na after our Cebu trip, mas matutuwa ang doktor ko sa progress na ipapakita ko.

Medyo nakatulong din naman sa akin na nakakausap ko ang doktor ko. And the presence of the whole Wam-Pataas, sobrang thankful talaga ako sa kanila. Hindi ko alam kung may idea sila sa pinagdadaanan ko, pero nagpapasalamat ako na grabe iyong care na ipinapakita nila sa akin, hindi talaga ako pinababayaan.

The bonding with the Team Wam-Pataas girls was superb. At dahil magkakasama kami sa kuwarto, nag-room tour kami sa hotel na tinutuluyan namin. Plus, siyempre hindi mawawala ang tsismisan. Marami akong nalaman tungkol sa kanila, lalo na about kay Kairus. At masasabi kong hindi ako nagkamali sa kanya. Mabuting tao si Kairus. Hindi nagkamali ang puso ko na mahalin siya.

Pero, alam n’yo ba, hindi ko pa rin masabi sa mga kasama ko ang tunay kong nararamdaman. Ang alam lang nila, crush ko si Kairus, kaya nga todo ang panunukso nila sa amin. Pero hanggang doon na lang muna iyon. Gusto ko kasi, kung may una mang makakaalam ng tunay kong nararamdaman, si Kairus iyon.

My feelings for him... lalong tumitindi habang lumilipas ang mga araw. I can't put it into words. Ang hirap i-explain. Pero alam ng puso ko kung paano.

Anyway, marami pa sana akong gustong sabihin, pero nakakaramdam na rin ako ng antok. Will post the continuation of my experiences and realizations tomorrow.

At... hiramin ko muna ang outro ni Kairus. 3 words lang siya, pero para sa akin, ang bigat ng kahulugan.

LIVE. LAUGH. LOVE.

--

Happy Heart's Day, everyone! 💙

Pasensiya na kung matagal ang update dito kina Kairus at Raya. Medyo busy lang. 😅

Anyway, salamat po sa mga bagong nagbabasa ng journey ng KaiRaya. It is their life story hence wala talagang dialogue. Enjoy reading po! 💙

Saving GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon