78 - Lipad (Para Sa Pangarap)

20 1 0
                                    

Hi, Hiraya

Nandito ulit ako for another letter. Sana hindi na kita nagulat. I told myself, gagawa ako ng paraan para makatulong ulit sa 'yo, kaya heto ako ngayon, ginugulo ka. Haha!

Naalala ko na naaliw ka sa vlog ko, iyong pag-akyat ko noon sa bubong. Ngayon, hindi ko na kailangang umakyat ng bubong. May drone na ako to capture the beautiful creation of our Lord. Pero in all fairness, nakaka-miss din iyong mga antics ko dati para lang makapag-vlog. Akalain mo iyon, ang laki na rin pala talaga ng growth ko when it comes to vlogging. Thanks for reminding me that, Raya.

Nangarap lang naman ako dati, eh. Ginawa ko lang naman ang mga bagay na gusto kong gawin at makakapagpasaya sa akin. Hindi ko akalain na ganito kalaking blessings ang matatanggap ko dahil sinunod ko ang gusto ng puso ko. I just find the things that I love. Luckily, tinupad ni Lord ang mga pangarap ko.

Pero alam mo ba, maraming pagkakataon na rin na gusto ko ng sukuan ang pangarap ko? Minsan kasi, parang ang daming hadlang. Minsan, parang imposible ng makuha. Masakit din sa puso, lalo na noong mga panahong pakiramdam ko, failure lahat ng ginagawa ko.

Pero ang technique lang naman talaga para makamit ang pangarap ay ang huwag sumuko. Kung hindi man ibigay agad ni Lord ang mga gusto at pangarap natin, always remember that there's always a perfect time. Kailangan lang talagang magtiyaga at maghintay.

Kaya ikaw, huwag mong susukuan ang pangarap mo, ha? You just have to spread your wings and fly. Kapag nahulog, eh, di sumubok ulit, hanggang sa malaya ka ng makalipad para sa pangarap mo.

Naumpisahan mo na iyon, 'di ba? Nabanggit mo sa akin na may nasulat ka na para gawing kanta. Then, nagko-cover ka na rin ng mga songs from different artists.

Teka, speaking of covering songs. May tanong pala ako sa 'yo. Nasilip mo na ba ulit ang YouTube channel mo? Ha! Akala mo, hindi ko mahahanap ang channel mo doon, 'no? Salamat sa mga mala-detective kong subscribers, nahanap namin ang YouTube channel mo.

Iyon na nga, nasilip mo na ba ulit ang channel mo? Dumadami na ang subscribers mo! Pati na rin ang views ng bawat videos mo. Your hardwork are paying off, Raya. Unti-unti na, para sa pangarap mo.

Hindi lang kasi basta pag-angat lang ng subscribers at views ang nangyayari. Maraming nakaka-appreciate sa talent mo. Nag-iiwan sila ng magagandang comments para sa 'yo. May mga comments din sa vlog ko noong mag-duet tayo. Ang galing mo raw at may future ka sa pagkanta.

Speaking of duet natin. Oha, hindi ko nalimutan iyong isa sa mga sulat mo sa akin. At natupad na iyon. Alam mo bang ang saya rin ng puso ko noong mga oras na iyon? Singing One Way Jesus with you is one of the best experience I've ever had.

Kaya huwag mong susukuan ang pangarap mo, ah. Just fly, Raya. If you fall, that's okay. At least you've gain some experience and learnings. Just fly at kung kailangan mo ng tulong? Let me fly with you.

Hanggang dito na lang muna. Miss ka na namin. Hoping that you're doing good.

-Live, Laugh, Love

Saving GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon