4 - Love Team

212 16 8
                                    

December 20, 2019

Hi, Kairus!

Nandito na naman ako. Hehe! As usual, katatapos ko lang manood ng video mo. At ang video na feature ngayon ay ang "love team."

I really like your approach when it comes to making your videos. Ang funny, pero may laman. Punong-puno ng humor at the same time, nandoon ang words of wisdoms. Tamang-tama, katatapos ko lang manood ng movie ng paborito kong love team. At napangiti ako nang low-key mo silang ipagtanggol sa mga bashers nila. I know from that moment, magkakasundo talaga tayo. Haha!

I also love your take on that topic—love teams. Tama ka naman, eh. May kanya-kanya tayong gusto pagdating sa mga hinahangaan natin, sa mga inspirasyon natin. Kaya hindi dapat mag-complain ang mga tao kung hindi nila gusto o hindi nila nagustuhan ang love teams na napapanood nila. Hindi ka rin dapat mag-compare. Kung favorite mo man ang KathNiel, hindi mo dapat sila i-compare sa LizQuen o sa JaDine. All individuals have different talents. Love teams have different chemistry. Kung hindi mo man trip ang isang love team, eh, di huwag mong panoorin. Suportahan mo ang gusto mong suportahan, there's no need to spread hate. As simple as that.

Actually, tungkol lang naman talaga sa love teams ang video mo, pero ang dami ko ng nasabi. Hehe! Madaldal talaga ako, eh, hindi lang talaga halata. Pero alam mo, may dalawang salita na tumatak sa akin sa video mo na ito. I told you, may natututunan ako sa 'yo.

Two words from this video. Complain and compare. And it shots fired... through my heart. Get ready, magta-transform na ako into drama queen in three, two, one... Haha!

Complain. Alam ko namang hindi ako dapat mag-complain sa buhay na mayroon ako ngayon. I mean, nakakain ko naman ang mga pagkaing gusto kong kainin, nabibili ko ang mga bagay na gusto kong bilhin, nag-aaral ako sa isa sa pinakamagandang university sa bansa. Pero, alam mo ba, kahit blessed ako ng mga ganyan, hindi ko pa rin maiwasang nagreklamo minsan. Kasi, hindi ako masaya. I'm always alone. And there's a hole in my heart that needs to fill.

I've been lonely for a very long time. My parents? Wala naman kasi silang pakialam sa akin, not unless may makikita silang bagay na ikapupuna sa akin. Kakausapin lang nila ako kapag may nakita silang mali sa akin, kapag pagagalitan nila ako. Para ngang hindi anak ang turing nila sa akin. Para lang akong puppet na dapat sumunod sa kung ano ang gusto nila. Kapag hindi ako sumunod? Siyempre, magagalit sila. Maraming masasakit na salita akong maririnig. And that's making me tired.

Compare. Ayan, diyan sila magaling, ang mag-compare. Ikinukumpara nila ako sa anak ng mga kakilala nila to the point that they were already degrading me. Ako na sarili nilang anak. Ang sakit lang din talaga. Ewan ko ba, hindi pa rin ako ma-immune sa sakit. Nakakainis lang din. Haha! Ang sakit kayang maikumpara sa iba, pagkatapos sa mga magulang mo pa manggagaling.

Katulad nga ng sabi ko, every individual have their own capabilities and talents, so why they can't see that? Bakit pilit nila akong ikinukumpara sa iba? Hindi pa yata enough sa kanila iyong grades ko kahit na hindi ko naman talaga gusto iyong course na kinukuha ko ngayon. Paano, ipinilit lang nila iyon sa akin. Pagkatapos, ikukumpara pa nila ako sa iba. Apakasakit naman talaga. Haha!

Sana, maisip ng bawat magulang—hindi lang ng mga magulang ko—na mahirap at masakit maikumpara sa ibang tao. Dapat, tanggapin nila kung ano ang abilidad na mayroon ang mga anak nila. Maging proud sila kung ano ang kayang gawin ng mga anak nila. Sa kanila dapat magsimula ang pagpuri sa talent ng kanilang mga anak. Malaking boost kasi sa confidence ng isang anak iyon. Dapat, sila ang maging unang kakampi ng mga anak nila. Kapag nangyari iyon, they will feel loved.

Hala, ang dami ko ng nasabi. Pasensiya na, ah. Told you, drama queen ako. Pero alam mo ba? Medyo gumaan ang pakiramdam ko habang sinusulat ko ito. Kasi, nailalabas ko iyong mga salitang hindi ko magawang sabihin sa mga magulang ko.

So, I decided na kada makakapanood ako ng videos mo, I'll write you a letter. It's my way of expressing my thoughts and feelings. Pero siyempre, hindi ko ibibigay sa 'yo. Nakakahiya kaya. Lol!

Thank you ulit, Kairus! Till the next video!

Ps: Advance Merry Christmas sa inyo, Kairus. Wishing you a happy Christmas. Namamasko po. Joke!

-Live, Laugh, Love

Saving GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon