50 - The Day

63 10 1
                                    

Messenger

Pamilyang Magaling = Velasquez Clan
FEB 16 2021, AT 5:15 AM

Kino: Aga ni Boss Kairus, ah. Hahaha!

Seen by everyone except Reign and Legend

5:16 AM

Jander: Kuya, natulog ka na ba? Haha!

Maze: Maagang natulog yang si Kuya Kairus.

Kino: Iba talaga ang nagagawa ni Hiraya. Haha!

Yuan: Yie! Excited yan. Hahaha!

Kingina n'yo!

Agang-aga nambubwisit kayo.

Jander: Ang aga mo nga kasi, Kuya. Kaya ang aga rin ng asaran. Haha!

Yuan: Nakapag-beauty rest ka ba, Kairus? Haha!

Gagu ka, Yuan!

Yuan: Hahaha!

Kino: Gusto mo bang samahan kita papunta kina Raya, Kairus? For support lang.

Hindi kita kailangan, gago!

Kino: Nakakasakit ka naman ng damdamin, boss Kai. Sa dami ng naitulong ko sayo?

Ulol!

Maze: Kuya! Wag kang magmumura sa harap ni Raya, ah. Baka ma-turn off yun sayo.

Yuan: Okay lang yan, Maze. For sure tanggap na ni Raya lahat ng kagaguhan ni Kairus. Nag-enjoy nga siya sa mga vlogs ni Kai na puro mura, eh. Hahaha!

Jander: Oo nga. Immune na siguro si Raya kay Kuya. Hahaha!

Dami n'yong ebas!

Magsitulog na nga kayo.

Kino: Natulog na ako, kaya pwedeng-pwede kitang samahan, Kairus. Magsabi ka lang.

Jander: Wala kang maloloko dito, Kino. Walang natutulog nang maaga sa atin. Hahaha!

Maze: Kuya Kairus, balitaan mo ako kung anong nangyari sa pagkikita n'yo ni Raya, ah.

Yuan: Bakit sayo lang? Dapat balitaan tayo, hindi lang ikaw.

Maze: Wag ka ngang mangialam, Yuan!

Maze: Migad! I'm so excited for you, Kuya. Baka magka-love life ka na. Huhu!

Mga naiisip mo, Mazikeen Angela!

Yuan: Para daw pareho na kayong may love life. Hahaha!

Ano? Sinong may love life?

Maze: Wala, Kuya. Wag mong pansinin yang si Yuan. Nababaliw na yan.

Yuan: Hahaha!

Maze: Good luck ulit, Kuya Kairus. Sana maganda ang maging pagkikita n'yo ni Raya.

Kino: Ayaw mo talagang magpasama, Kairus? Last chance na ito ng pag-aalok ko. Ikaw rin, bahala ka.

Ulol!

Matulog ka ng gago ka!

Kino: Hahaha!

Seen by everyone except Reign and Legend

--

Messenger

Keep The Faith
FEB 16 2021, AT 8:23 AM

Hi, Hiraya.

Seen, 8:25 AM

8:26 AM

Keep The Faith: Ay, hala!

Keep The Faith: Nakita mo na!

Keep The Faith: Teka, parang di ako makahinga. OMG!

Relax ka lang. Haha!

Keep The Faith: Hindi ako makapaniwala. Nahanap mo itong account na ito!

Keep The Faith: Wait, nabasa mo na ang mga chats ko?

Yeah.

Ano, Hiraya...

Sabi ni Kino, sabi mo raw...

Sabi mo raw pumunta ako sa bahay n'yo.

Keep The Faith: Teka, teka lang. Yeah, pabiro ko iyong sinabi sa kanya.

Keep The Faith: Pupunta ka nga dito?

Yes, Hiraya.

I want to see you. I want to talk to you.

Actually, I'm on my way to your house.

Keep The Faith: Wait, what?

Keep The Faith: Sandali lang, Kairus!

Keep The Faith: Nagda-drive ka ngayon?

Yeah.

Keep The Faith: Don't chat and drive, Kairus.

Seen, 8:32 AM

9:41 AM

Hiraya...

I'm here.

Seen, 9:43 AM

Saving GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon