51 - Stunned

74 11 5
                                    

Kairus'

I was too stunned when I finally met Raya. Akala ko, handa na ako, pero hindi pa pala. Mukha siguro akong tanga sa harap niya. Literal kasi akong natulala nang makita siya, katulad ng pagkatulala ko tuwing makikita ko siya noon. Nakakahiya, men! Nakita ko pa kasi ang pasimple niyang pagtawa dahil sa reaksiyon ko.

Maliban sa mukha siguro akong tanga nang makita ko siya, hindi ko na alam kung ano pang reaksiyon ko. Sabihan na ako ng iba ng OA, pero para talagang may bumabang anghel mula sa langit, este sa hagdan. She's breathtakingly beautiful. And she's taking my breath away.

Hindi ako makapaniwalang si Hiraya at ang babae sa talk, iyong mukhang anghel na babaeng sinasabi nina Kino ay iisa lang. All along, nasa malapit lang pala talaga siya. Ang galing niya rin talagang magtago. Kung nagpakilala lang siya sa akin dati...

Pero kasabay ng kaunting paghihinayang na sana matagal na kaming nagkakilala, nakahinga rin talaga ako nang maluwag.

Seeing Hiraya in flesh, nasiguro ko na, okay nga siya. Na buhay siya. Aminin ko man o hindi, kinabahan at natakot talaga ako sa huling sulat niya. At kahit marami ng signs ng assurance na okay lang siya, kahit mismong kaibigan at parents na ang nagsabi na okay siya, may parte sa akin na ayaw ko pa ring maniwala. Alam ninyo iyong feeling na maniniwala lang ako kapag nakita ko na talaga siya.

At ito na nga, ito na ang araw na iyon.

Medyo awkward pa kami sa isa't isa noong una. Hindi ko kasi talaga alam ang sasabihin ko. Madaldal lang ako sa vlogs, pero ang totoo, medyo tahimik ako outside my videos. At mukhang ganoon din si Raya. Madaldal lang siya sa mga sulat niya, pero ngayon, hindi siya makapagsalita.

Habang tinitingnan ko si Raya, hindi ko mapigilang hindi maalala ang mga kuwento niya sa akin through her letters. At hindi ko maintindihan kung bakit parang sumasakit ang dibdib ko dahil doon.

But when Raya smiled at me, parang biglang nawala ang sakit na iyon. Iyong mga ngiti niya, parang sinasabi niya sa akin na hindi ko na kailangang mag-alala. That she's happy now, lalo na sa mga nangyayari sa buhay niya ngayon.

Naging at ease naman na ako nang samahan kami ng parents ni Raya. And it warms my heart sa paulit-ulit nilang pasasalamat sa akin. I can really see the sincerity in their eyes. Ewan ko, para ngang naging emosyonal pa ako. Kahiya talaga, men! Haha!

Habang kumakain kami, marami silang kwento sa akin, na naikwento na rin naman ni Hiraya sa akin sa chats. But hearing that personally from them, mas na-touch ako. At masaya talaga ako na okay na sila. I mean, hindi pa totally okay, but they are going there.

Pagkatapos kumain, naiwan na ulit kami ni Hiraya. Noong una, tahimik lang kami. Nagpapakiramdaman na naman. Pero dahil lang sa halaman, nakita na lang namin ang mga sarili namin na nagtatawanan. At dahil doon, nagtuloy-tuloy na ang kwentuhan namin.

Yeah, people may find us weird. But we're fine being weird, as long as we're weird together.

--

Messenger

Keep The Faith
FEB 16 2021, AT 7:37 PM

Hiraya...

Seen, 7:39 PM

7:40 PM

Keep The Faith: Nasa bahay ka na ba?

Yeah.

Thanks for today.

Keep The Faith: Ako ang dapat magpasalamat sayo, Kairus.

Keep The Faith: You're my saving grace.

No need to thank me, but yeah, you're welcome.

Raya?

Keep The Faith: Yeah?

Hindi ko yata nasabi ito sayo kanina.

Keep The Faith: Ang alin?

You're pretty.

Inside and out.

Keep The Faith: Thanks? Haha!

Keep The Faith: So, ano yan? Crush mo na rin ako? Haha!

So, ano yan? Crush mo pa rin ako?

Seen, 7:47 PM

7:51 PM

Seen na lang?

Hahaha!

Raya?

Keep The Faith: Bakit ba tawag ka nang tawag dyan? 🤨🤣

Pwede ba kitang makasama sa vlog ko?

Kung okay lang naman sayo.

Seen, 7:55 PM

--

Okay lang ba na ganito? Yung walang dialogue ang narration? Tell me your thoughts. Thanks for reading! 💙

Saving GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon