70 - Of Travels and Learnings

32 1 0
                                    

Hiraya’s Blog Post

Of Travels and Learnings by: Keep the Faith
7 hours ago— 4-minute read

Read More >>

Hi, guys! How’s your day? Don’t forget to smile today, okay? It will keep you healthy. Isa kasi iyan sa mga natutunan ko these past few weeks. Gaano man kahirap ang buhay, huwag nating kalimutang ngumiti.

I know that for some, mahirap talagang gawin iyan, lalo na kung pakiramdam mo, pasan mo na ang mundo. But did you know that smiling actually helps us live longer? Because when you smile, your brain releases tiny molecules called neuropeptides to help fight off stress. Kaya hanggang kaya natin, ngiti lang tayo.

Anyway, nandito ulit ako para magkuwento sa inyo. Magkuwento about my adventures here in Cebu. And I hope, may mapulot din kayong learnings kahit paano. Sharing a portion of my life with all of you, iyon na lang ang maitutulong ko, eh. Sana talaga, nakakapaghatid rin ako ng inspirasyon kahit paano.

On our second day in Cebu, maganda ang naging gising ko. Isa iyon sa mga umaga na okay ang pakiramdam ko. That morning, I felt that I'm actually rewarding myself. Kasi nagawa ko na naman iyong isa sa mga pangarap ko. That after all the shits that happened to me, ito na ako ngayon, paunti-unting natutupad ang mga nasa bucket list.

Sana kayo rin, kahit may mga pinagdadaanan ngayon sa buhay, magawa n'yo rin sanang reward-an ang sarili n'yo. Kahit simpleng reward lang. Iyong kaya mo lang at the moment. Reward is not necessarily means expensive naman. Kahit simple things lang yan, basta gusto mo at mapapasaya ka, makes it rewarding.

Shit happens, lalo na sa buhay natin. Pero sana, mas piliin nating tingnan iyong positive side. Alam ko, medyo mahirap gawin, pero subukan natin. Isa din kasi iyan sa realization and learnings ko mula sa mga pinagdaanan ko, eh. Dati, hindi ko iyon napapansin, pero ngayon, thankful na ako.

If that shit never happens to me, baka hindi ko nakakasama ngayon sina Kairus. Baka wala ako ngayon sa Cebu. Baka hindi ko nagawang makakanta sa harap ng napakaraming tao. At marami pang "baka" sa buhay ko. And that's the positive side of my journey.

Noong nasa pinakailalim pa ako ng kumunoy ng buhay ko, may mga positive pa rin namang nangyari sa akin. I gain friends. Dumating si Daina sa buhay ko. Naka-bonding ko ang mga kasambahay namin. Natuto akong magluto. See? Marami pa ring nangyari sa aking positibo na hindi ko pansin noon dahil I'm wallowing in pain.

So, kayo diyan, reflect on those things. Isipin n'yo iyong mga positive na nangyayari pa rin sa inyo despite having problems. Mayroon iyan, kahit isa, maniwala ka, mayroon iyan.

Anyway, back to our Cebu trip. Marami akong hanash, ha. Pagpasensiyahan n'yo na ako. Haha! Well, our first stop is St. Peter and Paul Parish which I silently thankful for. Ako yata ang nag-suggest kay Kairus na unahin talaga namin ang simbahan na ipinagpasalamat ko talaga.

Ibang klaseng comfort kasi ang naibibigay sa akin ng kaalamang ginagabayan tayo ni Lord sa lahat ng ginagawa natin. And in return, I want to show Him my faith. Saka, iyon nga, hindi ko alam kung kanino ko narinig, pero sabi nila, kapag first time mo raw magpunta sa isang simbahan at humiling ka sa Kanya, may possibility na magkatotoo ang dasal mo. Wala namang mawawala kung maniwala ako doon, hindi ba?

At alam n'yo ba, hiniling ko na sana, makawala na talaga ako sa kumunoy na pilit humihila sa akin pababa. Wala pa kasi ako sa patag, wala pa ako sa safe zone. But I know that I'm getting there.

'Di ba, sabi ko sa first part ng blog ko na ito, noong una, may agam-agam ako na umalis, na magpunta dito nang hindi pa ako handa? Pero dahil sa mga taong nakasuporta sa akin, unti-unti nawala ang negative feelings.

Learning experience ko rin ito habang nandito ako sa Cebu. Okay lang na along the way, masaktan pa rin ako, alam ko naman na hindi maiiwasan iyon. Hindi laging masaya. Tao tayo, eh. May pakiramdam tayo. Kaya okay lang kung paminsan-minsan, makaramdam pa rin ng negative. Aaminin ko na hindi maiiwasang makaramdam ng takot, pero alam kong magiging okay din iyon eventually with the help of my the people who loves and supports. And of course, kailangan ko ring tulungan ang sarili ko.

So, iyon na nga. I wish to be fully healed. At hiniling ko rin na sana, matanggal na ang sakit sa puso ko, namin nina Mommy at Daddy kapag napapag-usapan si Kuya. Hiniling ko na kapag nababanggit si Kuya, makaya na naming ngumiti at maalala na lang iyong good times na kasama namin siya. Plus siyempre, I wish for the happiness and safety of the people around me.

Pagkatapos naming pumunta sa church, dumeretso kami sa mangrove. And it felt really nice. It's like a breath of fresh air, literally. I feel that I'm one with the nature.

Alam n'yo kung pakiramdam na ang sarap pala talagang mabuhay? Iyon ang naramdaman ko habang nililibot namin ang mangrove. Seeing the locals there and their livelihood, na-feel ko iyong happiness and contentment nila. Na minsan, kahit ang hirap ng buhay, nagagawa pa rin nilang maging masaya. They treasure what they have.

Life is one of the greatest blessing that God gives us. So we should treasure it. Huwag kang matakot, kasi may kasangga ka sa laban ng buhay. You're not alone. Hindi laging kulay rosas ang bukas para sa atin, akala mo wala kang kakampi sa hamon ng buhay, pero nandiyan si Lord para bigyan ng liwanag ang buhay natin.

Ang realization and learning ko talaga today ay huwag bale-walain ang ganda ng buhay. Let's treasure it.

Hanggang sa susunod, guys. Hindi pa tapos ang Cebu trip blogs ko. Marami pa akong ise-share. Ingat kayo!

LIVE. LAUGH. LOVE.

Saving GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon