Kairus Velasquez
Only Me 🔒Nandito na naman ako, parang gago na kinakausap ang sarili ko. Haha! Wala, eh. No choice. Ayoko kasing kausapin ang mga tropa ko, lalo na ang gagong si Kino.
Naknamputsa talaga ang pinsan kong iyon. Gusto kong suntukin, saka ko pasasalamatan. Pinag-trip-an kasi ako ng siraulo na iyon. Pero sa huli, nagustuhan ko na rin ang panti-trip niyang iyon.
Akala ko talaga, may content lang kaming gagawin. Hindi kasi ako naniniwala na mag-a-unwind lang kami kaya ako niyayang umalis ni Kino. Si Kino pa ba? Puno ng kalokohan sa katawan iyon. Pero nagulat ako nang malamang kami lang dalawa ang aalis. Lalo na akong nagulat nang malamang papunta kami sa Tagaytay.
At ang siraulong si Kino, pinakain pa muna ako. Magbusog daw ako para may energy ako. Iyon pala, ise-setup lang ako para ikulong sa kuwarto kasama si Raya! Nauna niya kasi akong pinapasok doon, hindi ko naman alam na nasa loob na si Raya na iniwan daw saglit ni Daina.
Ang totoo niyan, mabilis ko naman sanang magagawan ng paraan para makalabas sa kuwarto. Pwede akong tumawag at magpa-assist sa mga staff ng hotel kung saan kami nandoon ni Raya. Pero pagkatapos kong mabasa ang message ni Kino sa akin, naisip kong may point din naman ang siraulong iyon.
Kairus! Ayan na yung pagkakataon mo para sabihin kay Raya ang nararamdaman mo. O, wag mo ng itanggi! Hindi mo man aminin sa amin, alam naming lahat na mahal mo si Raya. Hindi mo gagawin ang mga ginagawa mo for her kung hindi mo siya mahal. Wag mo ng sayangin ang chance na ito. Marami na kaming natulungan at napasaya mo. Kaya ngayon, sarili mo naman ang pasayahin mo. Deserve mo rin naman ang happiness na inaasam mo.
Iyan ang sabi sa akin ni Kino. At naisip ko, tama naman siya, lalo na at nalaman kong mahal rin ako ni Raya. It was just a slip of her tongue, probably nabigla lang siya nang sabihin niya iyon. But I was the happiest that moment.
Kaya naman pagkatapos kong reply-an si Kino, umisip na ako ng paraan paano makakapagtapat kay Raya. Baka nga kasi deserve ko namang sumaya nang sobra this time. All I need is that one shot... for my happiness.
Noong una, ramdam ko na parang hindi kumportable si Raya, which is okay lang para sa akin. Naiintindihan ko siya. Pero gumawa ako ng paraan para maging kumportable siya habang nandoon kami. Inalok ko muna siya na kumain bago ko siya kinausap.
I remember it clearly, kung paano ako nag-confess kay Raya kanina. I was just staring at her eyes. Gusto ko kasing makita niya how sincere I am sa bawat salitang sasabihin ko. Hindi na ako nag-hesitate na sabihin lahat ng gusto kong sabihin sa kanya. I pour my heart out on that confession.
Marami pa dapat akong gustong sabihin kay Raya. Noon, naniniwala ako na love... its unexplanable. Ngayon, hindi ko na alam. Kasi, I can enumarate all day long what I love about her. Pero parang kulang pa rin talaga lahat ng iyon. Kaya nga siguro hindi talaga maipapaliwanag ang pag-ibig.
I don't really know how and when I fall for Raya. Siguro, sa unang letter pa lang niya? O noong makita ko siya nang mag-talk kami ni Kino sa SPU? O noong mabasa ko iyong last letter niya at nag-alala ako nang sobra sa kanya. Hindi ko na gustong alamin pa. Ang mahalaga, mahal ko siya.
Pagkatapos kong magsalita, Raya just hugged me. And in that hug, naramdaman ko ang pagmamahal niya. Hindi man siya magsalita, alam ko. Ramdam ko.
I'm glad that I already acknowledge my feelings towards Raya. Ang sarap pala sa pakiramdam kapag nasabi mo na lahat ng gusto mong sabihin. Kaya kahit pinag-trip-an kami nina Kino, gusto ko pa ring magpasalamat sa kanila ni Daina.
Okay, tama na itong ka-cheesy-han na ito. Hahaha! Its time para kausapin na ulit si Raya. Sana... sana ito na talaga iyong hinihintay naming happiness.