April 17, 2020
Hi, Kairus!
I’m back at it again with another video and letter. At ang featured video ngayon ay “Bored.”
Hay, Kairus. Napapa-sana all na lang talaga ako kapag nakikita ko kung gaano ka ka-talented. Dahil lang sa boredom, nakasulat ka ng lyrics para sa binubuo mong kanta. Lodi ka talaga. Innate talent mo na rin talaga siguro iyan. Ang bilis ng dating ng mga ideas sa 'yo, eh. Parang umupo ka lang nang ilang minuto diyan, pagkatapos nakagawa ka na agad ng kanta.
At hindi ka talaga tumigil hangga’t hindi nagiging isang bagong kanta ang ginagawa mo. After ng lyrics, isinunod mo na agad ang melody, and then, bumuo ka ng banda kasama ang mga kaibigan mo at ilang araw lang, nakagawa na kayo ng music video.
Nakakabaliw ang dedication mo when it comes to a certain things. At iyon ang isa sa mga napansin ko habang nanonood ng mga videos mo. Hindi ka tumitigil hangga’t hindi mo nagagawa ang mga bagay na gusto mong gawin. Iyong tipong kahit medyo imposible, susubukan mo pa rin, para sa huli, wala kang pagsisisihan na hindi mo iyon nagawa. Iyong kapag may gusto kang gawin, huwag kang magduda sa sarili mo. Gawin mo lang, huwag kang papigil.
“'Wag kang papigil, 'wag kang magduda, Diyos ang 'yong kalasag, patnubay, nasa 'yo na ang gawa. Tanawin ang liwanag sa dulo ng landas na tinatahak mo…”
-Baliw by: Coln
I wish may ganyang klase rin ako ng dedication. Well, unti-unti na pala akong nagkakaroon ng will na gawin ang mga bagay na gusto kong gawin at dahil iyon sa 'yo. Nakaka-motivate ka kasi, eh. Parang nabibigyan ako ng lakas ng loob to do these things.
At alam mo ba kung anong ginagawa ko? Nagsusulat din ako ng kanta! And I’m happy habang ginagawa ko ito. After nito, baka mag-cover naman ulit ako ng songs. But I’m contemplating kung ia-upload ko ba ito o hindi. Hindi pa ako ganoon ka-confident, eh. Haha!
Nang mawala kasi si Kuya, wala ng nagsasabi sa akin that I can sing. Wala ng pumupuri sa akin. Ay, mayroon pa lang isa—si Daina Lhey, classmate ko siya sa tatlo kong subject. Nang minsan kasing pakantahin kami sa classroom, hayun, paulit-ulit na siya sa pagsasabi na maganda raw ang boses ko. Hindi ko nga alam paano magre-react. Kasi naman, ah, ewan! 🤣
Anyway, ano nga pala ang paborito mong kanta? Hopeful ako na isang araw, matupad ang isa sa nadagdag kong pangarap. Ang maka-duet ka. 😉
Ito na lang muna ulit sa ngayon, Kairus. Salamat ulit sa inspirasyon. Till next letter and video.-Live, Laugh, Love
--
Fun fact: Yung kanta dyan sa taas, si Cong TV talaga ang nagsulat. Dahil bored siya at naiwang mag-isa sa condo. Yung lyrics lang noong una, nakabuo ng banda named Coln. ❤