49 - From The Heart

82 12 1
                                    

February 15, 2021

Hi, Hiraya

Alam ko, ang weird nito. Actually, hindi ko rin alam kung bakit ako sumulat ngayon sa 'yo, eh, bukas naman, magkikita na tayo. Siguro, kinakabahan ako? Pero hindi ko rin naman alam kung bakit ako kinakabahan. Ang gulo ko. Haha!

Well, isa rin siguro sa dahilan ng pagsulat ko ay katulad rin ng dahilan mo. I just wanted to end the letters era with a positive note since ano... magkikita na nga tayo bukas. 😅

Isa pa, baka hindi ako makapagsalita. Haha! Maloko lang ako sa mga vlogs ko, pero ang totoo niyan, hindi talaga ako madaldal sa tunay na buhay. Kaya ngayon palang, pasensiya na agad kung maging awkward man ako bukas.

Alam mo ba, gusto kong sakalin si Kino nang malaman ko na kasama ka nila kanina at ako, naiwang walang idea. Pero naisip ko rin eventually na okay na rin pala na hindi n'yo ako nakasama kanina. Bukod sa baka asarin lang ako ng mga kapatid at pinsan ko, (ibang level kasi ang pang-asar skills nila) naisip ko na mas okay nga na puntahan kita diyan sa bahay n'yo. Mas makakapag-usap tayo nang maayos.

Raya, oh, wait! Pwede ba kitang tawaging Raya? Ngayon pa ako nagtanong, eh, samantalang natawag na kita ng Raya sa vlogs ko. Haha! Wala lang, gusto ko lang magtanong. Baka kasi feeling close na ako.

Ano, nabasa ko na iyong mga chats mo. I checked every message request I have. Nasa 5,000 yata ang tiningnan ko. Haha! Nag-start akong magtingin noong isang araw. Isa rin iyon sa mga dahilan kung bakit hindi ako sumama kina Kino kanina. This morning ko lang kasi nakita ang messages mo at maghapon ko iyong binasa. Kaya naman pala hindi ko agad makita ang messages mo kasi ibang pangalan ang ginamit mo.

Hindi ko alam kung pang-ilang beses ko na itong nasabi, pero sasabihin ko ulit. Thank you for living, Raya. Thank you for not giving up. Proud na proud ako sa 'yo. Proud ako na nakaya mo ang lahat.

God gave you that obstacles because He believes that you can conquer it all. I'm not saying na wala ng darating na mga pagsubok sa 'yo, sa pamilya n'yo. But I'm certain that you can conquer it, katulad ng hindi mo pagsuko sa mga pinagdaanan mo.

You're really brave, Raya. Ang tapang mo kasi kahit gusto mo ng sumuko at mamatay, lumaban ka pa rin. Hindi ka nagpatalo sa mga demonyo sa isip mo. Ang tapang mo kasi kahit masakit na masakit na, pinipilit mo pa ring gumising at harapin ang bagong umaga. Ang tapang mo kasi pinili mong mabuhay pa rin kahit hindi mo na alam kung paano. You're brave, Hiraya, and I admire you for that.

At... masaya ako na isa ako sa mga ipinadala ni Lord para tulungan ka. Actually, hanggang ngayon, hindi ako makapaniwala na ganoon pala ang epekto ng vlogs ko sa tao. Noong una, I was just doing what I love. Pero habang binabasa ko ang letters mo, naisip ko na, mas pag-isipan at pagbutihan pa ang passion ko. And I want to thank you for that.

Anyway, marami pa sana akong gustong sabihin, pero ire-reserve ko na para bukas. Sana lang talaga, hindi ako mahiyang magsalita. Haha! See you tomorrow, Raya. 😉

Ps: Hindi ko alam kung pwede kong sabihin kung paano napunta sa akin ang box ng letters. Malalaman natin iyan bukas. Haha!

-Kairus

-Live, laugh, love

--

Ps: Sana mapakinggan n'yo yung song sa taas. 💙

Saving GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon