6 - Law of Attraction

145 13 5
                                    

January 3, 2020

Hi, Kairus!

I'm back at it again with another letter. Haha! Pero bago iyon, gusto ko munang kumustahin ang naging Bagong Taon n'yo. Masaya ba ang pagsalubong n'yo sa Bagong Taon? I wish this year, eh, makita na kita sa personal. At sana... mas maging okay, positive at fruitful ang taon na ito para sa atin. I-claim na natin, okay? Hehe!

Okay, back to the main agenda... For today's letter, ang featured video ay "Law of Attraction." Parang in line din ito sa video mo na "Lipad." It's a way of attracting positivity towards your dreams.

Know what? I really like it when you're spilling out your thoughts about things and life. Iyong tipong kahit puro kalokohan lang ang nasa video mo, I know that there's something more to it. Marami akong natututunan sa 'yo. May nagsabi na ba sa 'yo na ang taba ng utak mo? Haha! Dami mo kasing alam, eh. Alam kong matalino ka, Kairus. I can see and hear it whenever I'm watching your videos.

So, for this video, I've learned something about law of attraction. Madalas ko naman na siyang marinig at mabasa. Pero dahil sa 'yo, nagkaroon ito ng bigger meaning for me. Mas naintindihan ko siya, salamat sa 'yo. Hehe!

Dream. Sabi mo nga, mag-uumpisa iyan siyempre sa pangarap mo. Iyong pangarap na gusto mong abutin. Iyong pangarap na gusto mong gawin. And when you dream, you should dream big, aim high. Wala naman kasing bayad iyon, eh, kaya samantalahin mo na, di ba? Mangarap ka hanggang gusto mo. Sky is the limit.

Thoughts. Kapag nangarap ka, siyempre lagi mo iyong iisipin. You should think positively papunta sa pangarap mo. Basta positive thoughts lang palagi. I-manifest mo na mangyayari din ang pangarap mo. Isipin mo na makukuha at maabot mo iyon no matter what happened. Kahit pa mahirap iyong daan papunta doon, isipin mo lang na makakarating ka rin doon.

Words. Araw-araw, sabihin mo sa sarili mo na you're one step closer sa pangarap mo. Ipangako mo sa sarili mo na gagawin mo ang lahat para matupad lahat ng gusto mo. Kung ano raw kasi ang lumalabas na mga salita sa bibig mo, minsan, nangyayari talaga.

Actions. Siyempre, hindi naman mangyayari ang pag-abot sa pangarap mo kung wala kang ginagawa, 'di ba? Hindi mo makukuha ang gusto mo kung tatamad-tamad ka. So, dapat, samahan mo ng gawa, hindi iyong puro salita lang. Magsipag ka rin para sa pangarap mo. Gawin mo iyong mga alam mong kinakailangang gawin para makamit ang pangarap mo sa buhay. Kailangang may positive actions rin na kasama.

Reality. Kung ano iyong mga bagay na laging nasa isip mo, mga bagay na sinasabi at ginagawa mo, magma-manifest iyon into reality kasi may way ang universe para matupad ang mga pinapangarap mo lang. It's like the universe brings your dream or goal into reality.

Your thoughts becomes your words. Your words becomes your actions. And your actions becomes your reality. -Cong TV

Hay, Kairus. Hindi ko alam na medyo seryoso pala ang video mo na ito. Nasanay ako na may halong kalokohan ang mga pinapanood ko, eh. Haha! Pero alam mo ba? Tinamaan ako sa sinabi mo. Iyong kung gusto kong mabago ang takbo ng buhay ko, baguhin ko ang takbo ng isip ko at samahan ko ng gawa. Bakit ba nananakit ka? Lol!

Alam mo ba, hanggang words pa lang ang kaya kong gawin. You can call me weak, hindi ko alam kung kailan ko kayang sabihin sa mga magulang ko na ayoko ng mga ipinagagawa nila sa akin. Hindi ko alam kung kailan ako hindi matatakot na ilabas ang totoo kong nararamdaman. I'm scared to let them know what I want to do.

Pero, eksakto itong video mo na ito dahil kapapasok lang ng panibagong taon para sa atin. Sabi ko, 'di ba, i-claim na natin ang magandang taon para sa atin. So, we should attract and manifest it. Umpisahan ko na agad ang pag-attract dito sa sulat ko na ito. I'm manifesting for a better life for you and me.

Ayun lang naman ang mai-share ko today. Ang seryoso kasi ng video mo na ito, napadrama din tuloy ako. Haha! Till next video and letter ulit.

-Live, Laugh, Love

Saving GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon