82 - Special Day (Your Day)

10 3 0
                                    

Hi, Hiraya

For the nth time, let me just greet you a happy happy birthday. Technically, tapos na ang birthday mo, pero puwede pa namang humabol ng isang birthday letter, 'di ba? Haha!

Raya, masaya akong makitang nakangiti at tumatawa ka sa espesyal na araw mo. Masaya rin ako because you're doing really good. You deserve all the happiness in the world. You're such a kind and genuine person.

Anyway, nagustuhan mo ba iyong cake na dala ko? Pina-personalized ko pa iyon, ah. Haha! Alam kong favorite mo ang chocolate cake kaya iyon talaga ang flavor na ipinagawa ko. Kainin mo iyon, ah. Huwag kang magda-diet! Bawal mag-diet. Mas okay kapag healthy ka. Mas gusto ko na healthy ka.

Raya, alam mo ba na bukod sa masaya ako dahil alam kong ayos ka lang, masaya rin ako dahil sa nakita ko habang nagse-celebrate ka ng birthday mo kahapon.

Sure, there's a little awkwardness between you and your brother. Hindi naman basta mawawala iyon, eh. Normal lang iyon. Pero alam ko, in time, mawawala rin iyon. Paunti-unti, magiging okay na talaga ang lahat sa inyo.

Oo nga pala, pakisabi kina Tita na salamat kasi pinayagan nila akong itakas ka sa araw ng birthday mo. Akala ko, hindi nila ako papayagan, eh. Plano na sana kitang kidnapin kung hindi sisila papayag. Eh, 'ayun nga, pumayag. Napatunayan ko tuloy na malakas talaga ako sa kanila. Haha! Joke lang.

Anyway, sana na-enjoy mo talaga ang araw mo na ako ang kasama mo. I know there's nothing special sa inihanda ko para sa 'yo. Nag-alangan pa nga ako na dalhin ka roon, eh. Haha! Pero alam ko na matutuwa ka once na doon tayo nagpunta. At... tama nga ako. The smile on your face, hindi na iyon nawala hanggang sa makauwi tayo. Para kang bata na dinala sa playground.

Sino bang mag-aakala na iiyak ka at the same time ay tumatawa rin habang nasa isang recording studio? Huwag kang mag-alala, maganda ka pa rin sa paningin ko kahit pinagsabay mo ang pag-iyak at pagtawa. Haha!

Finally, narinig na kitang kumanta nang live. I mean, narinig naman na kitang kumanta nang live nang impromtu tayong mag-duet noong YouTube Fan Fest. Pero iba iyong ngayon. Talagang nakatutok ang atensiyon ko sa 'yo ngayon. Iyon kasing sa Fan Fest, medyo may halong kaba ako noon kasi ginulat kita, eh. Kabado ako sa magiging reaction mo noon, eh.

Proud na proud ako sa 'yo, Raya. Ang ganda ng boses mo. Deserve marinig ng mundo ang talento mo. Ang ganda rin ng kantang isinulat mo. Bagay na bagay sa boses mo.

Pasensiya na kung dinagdagan ko iyong lyrics ng kantang isinulat mo. Though sabi mo ay thankful ka naman kasi naging collaboration natin iyong kanta, mas gusto ko sana na solo mo muna iyong unang kantang ire-record at ilalabas mo. Dapat nasa iyo ang spotlight. Pero ito na iyon, eh. At least, okay naman ang kinalabasan, 'di ba? Haha!

The glow in your eyes while your singing says it all. Huwag mong susukuan ang pangarap mong ito, ah. Ituloy mo lang, Raya. Susuportahan kita.

Happy happy birthday ulit. Sana ay nagawa kong espesyal ang espesyal ng araw mo. Be happy always, Raya. Happiness suites you.

Ps: Magpakita ka na sa akin. May kailangan din akong sabihin sa 'yo, eh.

-Live, Laugh, Love

Saving GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon