75 - Hallucination

22 1 0
                                    

Hiraya’s Blog Post

Hallucination by: Keep the Faith
7 hours ago— 6-minute read

Read More >>

Hey, guys! Kumusta kayo? Katulad ng lagi kong hiling, I hope you're all doing good. Pasensiya na kung medyo natagalan bago ko nasundan ang blog ko, ah. Alam ko, nangako ako na itutuloy ko ang kuwento ko tungkol sa Baler escapades namin ni Kairus.

Huwag kayong mag-alala, ito na ulit ako, itutuloy ko na ang kuwento ko. Plus, ipapaliwanag ko rin kung bakit medyo ilang araw akong nawala at ngayon lang ulit bumalik dito. Hindi ko kayo ghinost. Peace!

Anyway, our second day in Baler starts at around five AM. Maaga kaming bumangon para maabutan ang sunrise. Napag-usapan kasi namin ni Kairus na panoorin ang sunrise habang nasa dalampasigan ng Sabang Beach. Kaya ganoon nga ang ginawa namin.

The calm breeze of the sea while we're at the Sabang Beach ease all of my worries. Mula nang mag-Cebu kami, pakiramdam ko, mas kalmado na ako sa tunog ng alon.

Ang sarap mabuhay. Iyon ang pakiramdam ko habang nandoon kami, lalo na ng unti-unti ng lumabas ang haring araw. Iyong pakiramdam na panibagong araw na may panibagong challenges, pero blessed pa rin kasi nandito pa ako at humihinga.

Ang saya rin sa pakiramdam na kasama ko si Kairus habang pinapanood ang sunrise. Pakiramdam ko talaga, he will be with me every step of the way. Yes, wala siyang sinasabi sa akin about his feelings bukod sa pabiro niyang sinabi na crush niya ako. Pero ramdam ko sa actions niya na he really cares for me. A lot.

Anyway, pagkatapos naming panoorin ang sunrise, nag-decide kami na bumalik muna sa Costa Pacifica para kumain ng breakfast. After eating, niyaya ko muna si Kairus na magpunta sa Dialyns. Sikat iyon na bakeshop sa Baler. Gusto ko kasing matikman ang chocolate cake nila roon. Sabi kasi ni Daina, masarap daw talaga lahat ng tinapay at cake sa Dialyns. Siyempre, bibili na rin kami ng mga pasalubong.

Then after sa Dialyns, dinala lang namin ang mga nabili namin sa hotel, well, nagpalit na rin kami ng damit, saka kami bumalik sa Sabang Beach para maligo at i-try mag-surfing. Napag-usapan din namin na before lunch namin tatawagan si Manong Driver para ihatid kami sa Mother Falls.

Sobrang enjoy lang talaga habang naliligo kami sa Sabang Beach. Tanong din nang tanong si Kairus sa akin kung okay lang ako habang nasa dagat kami. Kasi nga, alam niya iyong naging trauma ko, eh. And I assure him na okay lang naman ako. Ang hindi ko lang talaga kinaya ay ang subukang mag-surfing.

I encouraged Kairus na i-try niyang mag-surf since nandoon na rin naman kami, lalo na at ang Sabang Beach ay famous for being the surfing capital of the country. Noong una, ayaw niya talaga akong iwan. But after minutes of assuring him na okay lang ako, hayun napilit ko rin siyang mag-surf. Saka, tinakot ko pala siya na magagalit ako sa kanya kapag hindi niya sinubukan. Haha!

Hayun, pinanood ko lang mag-surf si Kairus. At ewan ko ba, parang ang saya-saya ng puso ko habang pinapanood ko siya. Para bang kuntento na ako na tingnan lang siyang masayang sumisigaw habang sumasabay sa alon.

Then, habang nakatingin ako kay Kairus, bigla ko lang na-realize na ang buhay ay parang dagat lang. Minsan, stagnant lang. Tipong walang ganap, pero payapa ang pakiramdam. Minsan naman kalmado na may kaunting hampas ng alon, meaning may kaunting hampas ng problema, pero nakakaya pa ring sabayan. Nagagawa pa ring maging masaya. Minsan naman, nandiyan na iyong malalaking hampas ng alon. Tipong sunod-sunod pa iyong mga kailangan mong harapin.

Pero katulad ng ginagawa ng mga surfer, para malampasan ang malalakas na hampas ng alon sa dagat, kailangang magkaroon ng lakas at determinasyon. Kailangang maging matatag para sabayan ang alon. Dapat maging katulad rin tayo ng mga surfer sa pagharap sa mga problema. Kailangang maging malakas at determinado.

Saving GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon