17 - Cebu

93 11 2
                                    

February 22, 2020

Hi, Kairus!

I'm back at it again with another video and letter. At ang featured video ngayon ay "Cebu."

Para akong proud na girlfriend sa video mo na ito. Haha! Kasi naman, sobra akong natuwa nang malamang ipinadala ka pa talaga sa Cebu para sa local radio and TV guesting. Iba ka na talaga. Pa-sikat! Haha! Cebu na iyan, men! Lumalawak na talaga ang fanbase mo kaya naman I'm so proud of you. Hindi na lang ako o iilan sa amin ang mapapasaya mo. Marami na kami.

At alam mo ba? Nang makita ka ng mga fans mo sa Cebu, nainggit ako sa kanila. Paano ba naman, mas malapit ako sa 'yo kumpara sa kanila, pero mas nauna ka pa nilang na-meet. Unfair iyon, men! Char! Haha!

Pero bukod roon, nainggit ako sa thought na nakapunta at nakapaggala ka na sa Cebu. Ang dami kong inggit sa katawan, 'no? Pero hindi naman ito iyong klase ng inggit na gagawa ako ng masama. Ano lang, nainggit lang dahil nagawa mo na iyong mga gusto ko ring gawin.

Alam mo kasi, dream destination ko ang Cebu. Gustong-gusto ko talagang mapuntahan ang Cebu. Kung iyong iba, gustong mag-travel sa ibang bansa-ako rin naman-mas gusto kong unahin ang makapag-travel sa Queen City of the South.

Iba talaga ang hatak ng Cebu sa akin, eh. Pero ngayon, parang hindi ko pa magagawang puntahan ang dream place ko. Ayokong sabihing imposible, kasi naniniwala ako na isang araw, mapupuntahan ko rin ang Cebu. Not now, but soon!

Gusto kong puntahan ang iba't ibang tourist spot sa Cebu katulad ng Oslob. Isa talaga kasi ang Oslob sa top tourist spot sa Cebu. Gusto kong makipaglaro sa mga whale sharks! Okay, takot ako sa whale sharks, pero sabi nga nila, "face your fears" 'di ba? Hehe! Hindi lang pala sa whale sharks ako takot. Actually, may trauma ako sa kahit anong body of water. Dati hindi naman ako takot. 'Di ba nga sa naunang kuwento ko, lagi kaming naliligo sa ilog noong mga bata pa kami. Pero iyon na nga, nagka-trauma ako. Pero gusto kong ma-overcome ang trauma ko na iyon. Sana magawa ko.

Isa pa sa gusto kong mapuntahan sa Cebu ay ang Bantayan Island. According to many tourists who have set their foot on Bantayan Island, it is a place where you can find calmness and serenity in spite of the numerous tourists who travel there every day. Once you step out of your boat and walk to Bantayan's fine white sand, you'll be welcomed by fresh air and crashing waves of its clear blue waters that become a perfect harmony letting you hear the sound of nature. Baka-sakaling makatulong ang Bantayan Island sa pag-overcome sa trauma ko sa tubig. Dati kasi, marinig ko pa lang ang tunog ng alon, kumakalma na ang pakiramdam ko. Ngayon, sobra na ang takot ko, eh. Nakaka-miss din naman sa pakiramdam na mapakalma ng mga alon.

Gusto ko ring mapuntahan ang Magellan's Cross! Ang dami kong gustong puntahan, 'no? Haha! Well, gusto ko kasi iyong history na mayroon ang Magellan's Cross, eh. You know, it is considered as one of the most important historical markers in Cebu. That's because it was established upon Magellan's order to mark his arrival in the country. This also serves as a reminder of the birth of Christianity in the Philippines.

Bukod sa maraming lugar na puwedeng puntahan sa Cebu, maganda rin siyempreng mag-food trip doon. Gusto kong matikman ang famous lechon Cebu! Okay lang namang magtakaw kasi hindi naman ako high blood. Normal naman ang BP ko. Haha! Saka, dried mangoes! My God, nagutom tuloy ako. Lol! Kasi naman, ang daming puwedeng kainin at puntahan sa Cebu, eh.

Teka, diyan ka na muna, Kairus. Kakain na muna ako. Told you, bigla akong nagutom. Good thing, may stock ako ng pagkain dito sa kuwarto ko. Hehe! Till next letter and video.

-Live, laugh, love

Saving GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon