15 - Birthday

96 12 3
                                    

February 15, 2020

Hi, Kairus!

How's your Valentine? May ka-date ka ba? Pahingi naman akong chocolates. Lol! Isa kasi ang chocolates sa mga comfort food ko, eh. Joke lang sa pahingi. Hehe! Bibilhan ko na lang siguro ang sarili ko. Wala namang ibang magbibigay sa akin, eh.

Anyway, tama na ang tungkol sa Valentines. Baka nga may ka-date ka, magselos pa ako. Char! Haha! So... I'm back at it again with another letter and video. At ang featured video ngayon ay "Birthday."

Alam mo ba, as I watch this video of yours, hindi ko mapigilang hindi makaramdam ng saya. Iyong ibang klase ng saya, ah. Hindi ito iyong saya dahil sa humor mo, kundi saya na aabot talaga hanggang puso. Alam mo kung bakit? Habang nanonood ako ng video mo, ramdam ko iyong saya ng mama mo habang sinu-surprise n'yo siya sa mismong araw ng birthday niya.

Of course, natawa ako dahil noong una, nasermunan ka pa ng mama mo. Sino ba naman kasi ang matutuwa sa ginawa mo? Pinabili ka lang ng isda sa palengke na malapit lang naman sa bahay n'yo, pero nawala ka ng tatlong oras. Haha! Ano nga ba naman daw kasing klaseng isda ang binili mo? Nakakatuwa talaga kayo. Pero siyempre, hindi naman niya alam na ibibili mo siya ng regalo at ng cake. Kaya nga nang makita na niya iyong surprise n'yo, napaiyak na siya.

That's the beauty of surprises, eh, lalo na sa mga taong appreciative talaga kahit na maliit na bagay lang ang gawin mo. The element of surprise gives us a certain feeling that we couldn't explain. It was like our hearts would burst anytime.

May bigla na naman tuloy akong naalala. Pasensiya na kung may naalala na naman ako. Lol! Iyong mga video mo kasi, parang lagi akong dinadala sa nakaraan. Haha! Not that I'm complaining. Napapa-throwback lang talaga ako.

Well, naalala ko iyong kuya ko. Hindi ko pa nababanggit sa 'yo si Kuya, 'no? Mahal na mahal ako ng kapatid kong iyon. Lagi niya akong sinu-surprise, lalo na kapag special occasions, pati na rin kapag may mga achievements akong nakukuha, lalo na sa school. Lagi siyang may pa-cake sa akin. Alam niya kasing iyon ang kahinaan ko. Tulad ng chocolates, comfort food ko rin kasi ang cake, lalo na ang chocolate cake. O, 'di ba? Mahilig sa choco flavor ang ate mo. Oha, now you know! Hehe!

Well, hindi lang sa achievements ko ako nakakatanggap ng surprises kay Kuya. Kapag down ang pakiramdam ko o kaya natalo ako sa competitions na sinasalihan ko, asahan mo na, may pa-surprise si Kuya sa akin. Noong minsan nga na nag-second place lang ako sa declamation contest, pag-uwi ko, may pa-banner na si Kuya with matching cake. Pareho lang ang nakalagay sa cake at banner. Tinipd niya ako sa message, eh. Haha!

Congrats, Hiraya! Ikaw pa rin ang pinakamagaling. Dinaya ka lang, kaya hayaan mo na sila.

Iyan iyong nakalagay sa banner at cake. Kaya sa halip na maiyak, natawa na lang ako. Ang kulit kasi talaga ni Kuya. Number one supporter ko iyon, eh, kaya kapag natatalo ako sa kung anumang mga contest na sinasalihan ko, lagi niyang sinasabi na dinaya raw ako. But of course, biruan lang namin iyon. He was just trying to make me laugh. Ayaw niya raw kasing nakikita na nalulungkot ako, lalo na kapag umiiyak ako. Sumasakit daw ang puso niya. Mas okay raw na siya na iyong malungkot o masaktan, huwag lang daw ako. Kahit na lagi niya akong inaasar, alam ko na mahal na mahal niya ako. The best kuya talaga ang kapatid ko.

I miss those little surprises. I really miss those days with my brother. Ngayon kasi, wala ng gumagawa ng ganoon para sa akin. Wala na kasi si Kuya. He passed away years ago. Yes, tama ka ng nabasa. Kaya wala na iyong kakampi ko. Wala na iyong number one supporter ko. Wala na si Kuya. Wala na iyong bituin na lagi kong kakampi. He's more like my shooting star now.

Masakit pa rin, hindi ko pa rin kasi totally tanggap. But I have to, I know I have to. Kaunting panahon pa siguro. Hindi pa sa ngayon. Hindi ko pa kaya. Masakit na masakit pa.

Seeing you with your siblings, nakikita ko si Kuya sa 'yo. Pero, hindi kita ituturing na kuya, ah. Hindi pang-kuya level ang pagka-crush ko sa 'yo. Haha! Crush kita bilang si Kairus. Jusko, ang kapal na ng mukha ko sa paulit-ulit na pagsasabi na crush kita. Pero dahil hindi mo naman alam, okay lang. Haha! What I mean sa nakikita ko si Kuya sa 'yo, I can see how you care for your siblings, how you love them. Nakikita ko iyong pag-aalaga na ginagawa mo sa kanila.

I miss those kinds of feelings. Sana nandito pa si Kuya. Sana hindi agad siya kinuha sa amin. Sana may nagmamahal pa sa akin. Kung hindi nawala si Kuya, hindi sana magbabago ang mga magulang ko. Ang daming sana.

Ayan, reminiscing 101 ako ngayon. Haha! Pero tama na muna ulit ang drama. Till next letter and video na ulit.

-Live, laugh, love

Saving GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon