67 - Travel Goals Part Three

29 3 0
                                    

Kairus’ Vlog Content

March 19, 2021

Kairus: Wazzup sa inyo, mga trops. We’re here now at Hilantagaan Island. Kaunting kaalaman  ulit, mga trops. This island is located at the Bantayan Island’s southeastern section and their main attractions are the two adjacent white sand beaches on its southern tip.

(Reign on the background)
OMG! Ang ganda dito! Kuya, puwede daw ba tayong maligo?

Kairus: Let’s just ask Mang Julio kung puwede ba tayong maligo ngayon.

Hiraya: Oops, kayo lang ang maliligo, ah.

Kairus: Hiraya… 'Di ba, may usapan na tayo?

(Kino on the background)
Anong usapan 'yan? Pasali naman kami! Haha!

Kairus: 'Wag ka na.

(Nicko Robin on the background)
Hahaha! 'Wag ka na kasing umimik, Kino. Alam mo namang lagi tayong basag diyan kay Boss Kairus.

Kairus: So, mga trops, ito nga pala si Mang Julio, ang boatman at tour guide na rin namin. Dito sila nakatira. At karaniwang hanap-buhay nila dito ay ang mangisda, maging boatman at tour guide ng mga turista na nagpupunta dito. Hello ka naman sa kanila, Mang Julio. I-promote n’yo na rin po itong napakaganda n’yong lugar.

Mang Julio: Ah, kumusta po kayo? Welcome po sa Hilantagaan Island. Sana po ay makabisita rin kayo dito sa lugar namin, pati na rin sa maliit naming fishing village para makita n’yo ang magandang tanawin na likha ng ating Panginoon.

Kairus: 'Ayan, narinig n’yo si Mang Julio, mga trops. Kaya kung nag-iisip kayo ng lugar na pupuntahan at gusto n’yong mag-unwind, isa talaga sa best option itong Hilantagaan Island dito sa Bantayan. Ah, Mang Julio, itatanong ko na rin po sana kung puwede po ba kaming maligo ngayon sa dagat?

Mang Julio: Pasensiya na po, Sir, pero dahil high tide po ngayon, hindi advisable na maligo ngayon. Napatapat po kasi kayo sa araw kung kailan high tide, eh.

(Maze on the background)
Hala, sayang naman. Hindi pala tayo makakaligo.

Mang Julio: Don’t worry po, Ma’am, sa next island na pupuntahan natin, doon po, puwede kayong maligo at mag-try ng iba’t ibang water activities.

Kairus: 'Ayun naman pala. Ang totoo niyan, mga trops, nakaka-temp talagang maligo dito, lalo na at kitang-kita ang kulay-turquoise na karagatan. Sobrang linaw talaga ng tubig. Pero dahil nga high tide, magpapa-tour na lang kami kay Mang Julio dito bago pumunta sa kasunod na isla. We’ll be right back, mga trops. Montage ko na lang muna ang magandang scenery dito, ah.

***

Maze: Hi, mga trops. Vlog take over muna ulit tayo. Kararating lang namin dito sa Virgin Isalnd. At grabe, just like Hilantagaan Island, napakaganda rin dito. As in!

(Jander on the background)
Bagay na bagay si Legend sa lugar na ito.

(Legend on the background)
I know. Mukha kasi akong hari ng karagatan.

(Jander on the background)
Gago! Hindi 'yon ang dahilan.

(Yuan on the background)
O, eh, bakit nga, Jander?

(Jander on the background)
Virgin pa kasi siya. Hahaha!

(Legend on the background)
'Tang ina nyo talaga!

Maze: Hay, 'yan na naman po sila. Sanay naman na kayo sa kanila, 'di ba, mga trops?

Reign: Grabe, ang ganda-ganda dito! Para talaga kaming nasa paraiso!

Saving GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon