21 - Gravity

94 12 10
                                    

Messenger

Pamilyang Magaling = Velasquez Clan
JAN 21, 2021 AT 3:16 AM

Maze: I've searched Hiraya Rodriguez on Facebook.

Seen by everyone except Jander

Legend: Anong hitsura? Maganda ba?

Bakit di pa kayo mga natutulog?

Reign: Duh? Kuya Kai, para namang bago sa 'yo na umaga na halos tayo natutulog.

Legend: Maze! Ano na?

Yuan: Napakatsismoso talaga nitong si Legend. Haha!

Legend: Mana-mana lang yan, Kuys. Haha!

Maze: Naka-private yung account, eh. Tapos ito lang nakita kong pic niya.

Maze:

Kino: Hmm

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kino: Hmm... Interesting.

Tsk! Wag nyo na nga siyang hanapin.

Reign: Bakit, Kuya Kai? Baka siya na yung one true love mo!

Legend: Akalain mong may nagkainteres kay Kuya Kairus kahit puro kagaguhan ang alam? Hahaha!

Kino: Lagot ka, Legendary. Namumuro ka na kay Kairus. Haha!

Legend, content in thirty minutes. Get ready.

Isa ka pa, Kirk Iñigo!

Yuan: Lagot kayo. Ginagalit n'yo si Bossing. Hahaha!

Maze: Wait! Hiraya... She's studying in SPU.

Legend: Wow! Fantastic baby!

Jander: Paano mo nalaman na sa SPU nag-aaral, eh, sabi mo, di ba, naka-private ang account niya?

Maze: May post siya na naka-public. Picture ng campus ng SPU. Tapos yung caption, nabanggit na doon siya nag-aaral.

Reign: Ganyan kapag certified tsismosa. Kalkal nang bongga ang ginagawa. Haha!

Maze: Of course! Nanghihina kasi ako kapag wala akong nasasagap na tsismis, eh. Hahaha!

Kino: Talaga? Sa SPU? Nice! 😏

Reign: Bakit naman nice, Kuya Kino?

Yuan: Oh! SPU ba? Hahaha!

Tsk! Di ko gusto ang iniisip nyo, mga gago.

Yuan: Hahaha!

Legend: Anong ganap? Lost ako.

Lost ka, Legend? Hanapin mo na ang sarili mo at magco-content pa tayo.

Yuan: Tang ina! Hahaha!

Jander: Iba ka talaga, Kuya. Taba ng utak. Hahaha!

Kino: Mag-ready ka na raw, Legendary. Haha!

Maze: Anong meron sa SPU?

Yuan: Hehehe!

Tawang kaynam ka dyan, Yuan.

Legend: Di ka wrong dyan, Kuya Kairus.

Yuan: Luh? Binabago ni Legend ang usapan.

Reign: Pakisagot naman ng tanong ni Ate Maze! We're so curious na here.

Jander: Napakaarte mo, Reign Venus!

Reign: I know. Thanks!

Maze: Pakisagot na, please?

Kino: Magto-talk kami nina Kairus at Yuan sa SPU next week about videography and content creation. 😏

Kino: Maybe, we can do a little detour sa SPU? Pwede naming hanapin si Hiraya if ever. 🤣

Reign: Wow! Parang pinaglalapit kayo ng tadhana, Kuya Kai.

Maze: Para siyang gravity pinu-pull palapit sayo, Kuya Kai. Ayie!

Dami nyong alam.

Walang maghahanap sa kanya. Tapos ang usapan.

Kino: 😌😏

Umayos ka, Kirk Iñigo. Papatayin kitang gago ka.

Jander: Ang iskeri mo naman, Kuya. Hahaha!

Seen by everyone except Jander

Saving GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon