34 - Simpleng Tao

85 11 2
                                    

June 19, 2020

Hi, Kairus!

I'm back at it again with another video and letter. At ang featured video ngayon ay, "Simpleng Tao."

First things first. I want to congratulate you kasi naka-four million subscribers ka na agad! Ang bilis ng pag-angat ng subs mo. Ilang buwan pa lang ang nakalilipas nang mag-celebrate ka dahil naka-one million subs ka. Grabe, nakaka-proud ka. At happy ako sa achievements na nakukuha mo kasi deserve mo iyang lahat.

Anyway, mabalik ako dito sa video mo. Well, isa ako sa makakapagsabi na totoo namang napakasimple mong tao. Kapag kasi may events kayo, hindi kayo todo porma. Ayos na sa 'yo iyong simpleng shirt at shorts lang. Para kayong mga usiserong napadaan lang kapag may event. Haha! Well, wala naman talaga sa pananamit ng tao iyan, eh. Simple man ang mga suot n'yo, ibang klase naman ang performance n'yo kapag nasa stage na kayo. Kaya hayaan mo na lang ang mga bashers mo kung ano ang gusto nilang sabihin. As long as wala kang ginagawang masama at inaagrabyadong tao, okay lang iyan.

Bukod sa knowledge and wisdom na mayroon ka, isa pa sa nagustuhan ko sa 'yo ay iyong simple ka lang. Hindi ka nagmayabang sa kung ano ang mayroon ka at kung ano na ang na-achieve mo. Grabe iyong humility na mayroon ka. At... very bet ko iyong explanation mo about simplicity dito sa video mo na ito.

"May dalawang klase ng simple. Isang simple na walang hassle at isang simple na simple lang talaga." -Cong TV

Noong una, medyo na-confuse ako sa sinabi mo. Pero nang magbigay ka ng explanation, na-enlighten na ako. Halimbawa nga naman, aalis ka ng bahay at may pupuntahan ka. Ano ang mas gusto mo? Iyong simple lang na walang hassle which is aalis ka dala ang sasakyang mayroon ka. Wala nga namang hassle iyon kasi hindi ka na mag-aabang pa ng sasakyan. Iyon namang isa is, simple lang, aalis ka at magco-commute. Iyon naman ang example ng simple lang talaga. Ang galing mo talagang mag-isip. Lods talaga kita, Kairus.

Speaking of simple lang ulit. Nakakahiya iyong nangyari last week! Nakita ko kasi kayo sa mall. Grabe, sikat na talaga kayo. Daming nagpapa-picture, lalo na sa 'yo. Wala naman na akong balak lumapit at makipagsiksikan sa iba. Pero nakita ako ng isang kaibigan mo! Ipinakilala na kasi ako ni Daina sa kanya. (Hindi ko alam kung nabanggit ko na ito sa 'yo. Haha!) Nakilala pa rin niya ako kahit nakasuot ako ng face mask.

Ayun nga, nakalapit ako sa inyo dahil sa kanya. Hiyang-hiya ako, lalo na nang tumingin ka sa akin. Pero bigla iyong nawala nang ngumiti ka sa akin. Hindi ko maipaliwanag kung ano iyong naramdaman ko nang ngumiti ka. But I'm sure, it gave me a warm feeling. Ewan, ang weird ko. Haha! Overwhelm lang siguro ako kasi nginitian mo ako? Yie! Lol!

Ayun lang naman ang kuwento ko ngayon. Salamat sa ngiti mo, Kairus. 😊 Till next letter and video ulit.

-Live, Laugh, Love

Saving GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon