55 - Movie Date

49 7 0
                                    

February 25, 2021

Kairus’ Vlog Content

Wazzup sa inyo, mga trops. Today, today, today! Yes, today ay may gagawin at pupuntahan kami na siguradong magugustuhan ng mga kasama ko. Oo, sigurado ako na mag-e-enjoy kami.

Well, technically, hindi ko kayo puwedeng isama all throughout rga gagawin namin, kasi bawal yatang mag-video doon. Pero kasama pa rin naman kayo sa mga ganap. So, ano, lezgo!

Nicko Robin: I wonder kung bakit ganyan ka ka-excited. Hahaha!

Kairus: Huwag ka ngang ma-issue diyan, Ribo. Makikisabit ka na nga lang, ang dami mo pang ebas.

Nicko Robin: Nagtatanong lang naman ako, Boss. Bakit ka nagagalit?

Jander: Hindi galit 'yang si Kuya. Maniwala kayo, maganda ang araw niyan ngayon. Haha!

Kino: Ako, alam ko kung bakit. Hahaha!

King Russel: Parang alam ko rin kung bakit. Hmm…

Kairus: Mga gago talaga! Gusto n’yo bang hindi ko kayo isama?

(Reign on the background)
Ate Raya! Ready ka na ba sa pupuntahan natin today?

(Hiraya on the background)
Actually, kinakabahan ako. Saan nga ba tayo pupunta?

Yuan: So, alam n’yo na kung bakit excited si Kairus? Hahaha!

Kairus: Ang dami n’yong alam. Manahimik nga kayo diyan!

Kino: Hiraya, halika dito, mag-hi ka sa camera.

Hiraya: Hi, camera.

(Maze on the background)
Napalaki nga nang maayos ni Kuya si Hiraya. Haha!

Nicko Robin: Paanong pagpapalaki ba?

Kairus: Hoy! Umayos ka, Nicko Robin!

Yuan: Lagot ka, Ribo. Huwag mong ginagalit ang kuya, okay? Sige ka… Hahaha!

Hiraya: Boss Kairus, saan nga ba tayo pupunta?

Kairus: You’ll see.

Hiraya: Ay, hala, pa-suspense pa?

King Russel: Ganyan talaga 'yang si Kairus. Masyadong madrama sa buhay.

Legend: Ate Hiraya, anong favorite movie mo?

Hiraya: The Shawshank Redemption. Bakit?

Kino: Ah, kaya naman pala. Haha!

Hiraya: Ha? Anong meron?

Kairus: Rarararara! Ang gustong sumama, kumilos na.

(Maze on the background)
Sa amin sasabay si Hiraya, okay? Tara na sa sasakyan, Raya.

***

So, ayun na nga, mga trops. We’re heading to our destination right now. Actually, si Raya lang ang hindi nakakaalam kung saan kami pupunta. Hindi niya rin alam na surprise ito para sa kanya. You see, she’s been through a lot. At gusto lang namin na pasayahin siya kahit papaano. So, we’re up for a little treat for her.

Kino: Parang ikaw lang naman ang G na G na pasayahin si Hiraya, eh. Haha!

Kairus: Gusto mong pababain kita ng sasakyan?

Nicko Robin: Huwag n’yo nga kasing sirain ang magandang araw ni Kairus. Pagbigyan na natin ang aports natin na maging masaya. Haha!

Legend: Manahimik na muna ang lahat, okay? Montage-montage na lang muna tayo hanggang sa makarating sa pupuntahan.

Yuan: Sipsip kay Bossing. Hahaha!

***

So, mga trops, nandito na kami sa mall at wala pa ring idea si Hiraya sa pakulo namin. Itinatanong pa niya kung magsa-shopping daw ba kami. Hahaha! Bakit ba ang hilig ng mga babae sa shopping? Hmm…

Nananakit na po siya, mga trops. Mukhang hindi na siya makatiis kaya naman nangungurot na siya habang tanong nang tanong.

(Reign on the background)
Hala, bakit may kurutan na pong nagaganap? Haha!

Hiraya: Kasi naman. Bakit ayaw n’yo pang sabihin? Kahit sina Maze, ayaw sabihin sa akin kanina sa sasakyan.

Kairus: Para nandoon pa rin ang element ng surprise.

Alam n’yo, mga trops, dapat nga may blind fold pa si Hiraya, pero hindi na nalagyan. Hindi ko alam na may pagka-KJ pala siya. Haha! Joke lang, mga trops. So, ito na, malapit na kami. And… we’re here!

Hiraya: Teka, teka, manonood tayo ng sine?

Maze: Yes!

Hiraya: Hala, talaga ba? Matagal ko ng gustong manood ng sine nang may mga kasama. For sure, enjoy ang araw na ito.

Kairus: Yeah. I remember one of your letters. Ang sabi mo doon, gusto mong ma-experience na manood ng sine na may kasama. Pasensiya na, nasobrahan ka sa mga kasama ngayon. Marami tayo.

Hiraya: Hala, you remembered.

Kairus: Of course.

(Legend on the background)
Kinikilabutan ako sa mga ngiti ni Kuya Kairus. Haha!

(Jander on the background)
Panira talaga itong si Legendary. Ang ganda na ng eksenahan, eh. Nakakakilig na, eh.

(Reign on the background)
May isa talagang latak sa pamilya, eh. Haha!

Hiraya: Haha! Ang kukulit n’yo talaga. So… ano’ng panonoorin natin today?

Maze: The Shawshank Redemption.

At iyon na nga, mga trops, natulala na si Hiraya. Haha! Diyan na muna kayo, mga trops. Manonood lang kami. Babalikan ko kayo mamaya.

***

And I’m back, mga trops. At ngayon, alam ko na kung bakit The Shawshank Redemption ang favorite movie ni Hiraya. Panoorin n’yo na rin, mga trops. Napakagandang movie. Hindi kayo magsisisi kapag pinanood n’yo iyon. Murahin n’yo ako kapag hindi kayo nagandahan. Hahaha!

At dahil nagutom na itong mga kasama ko, kakain na muna kami. Hanggang dito na lang muna, mga trops. Sana ay na-enjoy n’yo ang video na ito. Don’t forget to like, comment and subscribe.

Live, laugh, love!

--

Tell me your thoughts. Hindi ba nakakalitong basahin? 😅

Saving GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon