28 - Tugtugan Fest

82 11 0
                                    

May 29, 2020

Hi, Kairus!

I'm back at it again with another video and letter. At ang featured video ngayon ay "Tugtugan Fest."

Sobrang saya ko mula nang panoorin ko itong video mo na ito hanggang sa isinusulat ko ang letter din na ito. Masaya ako kasi more than a month pagkatapos mong isulat ang lyrics ng kanta n'yo, nandito na kayo at magpe-perform sa Tugtugan Fest kasama ang mga kilala at sikat na banda dito sa Pinas.

Kung hindi mo ini-upload ang video mo na ito, hindi ko malalaman kung ano ang mga nararamdaman mo before the tugtugan fest. Hindi naman kasi mahahalata ang kaba mo pati na ng mga kabanda mo during your performance. Sobrang confident mo habang nasa stage ka.

Paano ko nasabi? Kasi, I saw that with my own eyes. Yes, Kairus, nandoon ako sa Tugtugan Fest. Nagpunta ako roon to see you perform live on the stage. Gusto kong marinig mismo ang kantang binuo mo out of boredom, pero naka-inspire sa maraming tao, katulad ko.

Teka, mamaya na ang kuwento ko about sa mismong tugtugan fest. Haha! Tawang-tawa ako sa pa-behind the scenes mo bago ang TF. Seryoso ka ba na gusto mo na sanang mag-back out? Lol! Ang kulit lang na aayaw ka na lang bigla dahil kinabahan ka. Haha!

Sound checking pa lang ng banda n'yo, gusto ko ng maiyak. Sorry na, madrama talaga ako. Kasi naman, nakaka-proud talaga, eh. Isang buwang mahigit pa lang ang banda n'yo, pero naimbitahan na agad kayo para tumugtog sa TF. Sobrang lupet n'yo.

At lalong tumaas ang paghanga at respeto ko sa 'yo, sa inyo ng mga kabanda mo nang magdasal muna kayo at humingi ng guidance kay Lord bago kayo mag-perform. Sobrang plus points at pogi points kapag ang lalaki, marunong magdasal. Iyong hindi nakakalimot tumwag kay Lord kahit anong oras.

At nang moment na nakita ko na kayo sa stage-hindi na ito reaction sa video mo, ah. Actual reaction ko na ito sa venue-goosebumps talaga, Kairus. Sumisigaw ako, nagtsi-cheer sa inyo at nakikikanta. At habang ginagawa ko iyon, umiiyak talaga ako. Parang tanga, 'no? Haha! Kasi naman, ang saya lang talaga. Tears of joy iyon. Sulit na naman ang pagtakas ko sa bahay para makapunta sa Tugtugan Fest. Wala na nga akong pakialam kung mapagalitan man ako pag-uwi ko. Ang mahalaga sa akin, iyong happiness na nararamdaman ko that time.

At alam mo ba, Kairus, nagulat pa ako nang pagtingin ko sa katabi ko, nakita ko ang classmate ko. Si Daina Lhey! Nabanggit ko na yata siya sa 'yo last time. Hayun na nga, nagulat ako na nandoon din siya. Fan n'yo rin pala siya. Nakakatuwa lang. May nakasama tuloy ako na mag-fangirl sa inyo.

Anyway, your band's performance was superb! Ibinigay n'yo talaga ang best n'yo na parang iyon na ang last. Ibinigay n'yo ang puso n'yo sa performance na iyon. Kitang-kita ko ang kinang sa mga mata mo habang tumutugtog at kumakanta ka. Kitang-kita ko kung gaano ka kasaya that night.

Pakiramdam ko, nararamdaman ko ang naramdaman mo nang gabing iyon. Sorry, parang ang weird niyon. Haha! Pero para talagang alam ko iyong feeling kung gaano ka kasaya. Kasi, sabi mo nga, it was a wish that came true. Hindi ka kasi tumigil mangarap. Hindi ka tumigil sa mga gusto mong gawin. At ito, positibo na nga ang mga naging resulta. I know, you and your band's going up. Doon kayo papunta, nowhere to go but up.

I'm so proud of you, Kairus. Asahan mong lagi akong nandito, nakasuporta sa 'yo. Salamat din pala kasi after ng TF, isa ako sa nakapagpa-picture sa banda n'yo. Mabuti na lang, magaling akong sumingit. Haha! Kasama ko si Daina. Hindi siya pumayag na hindi ako samahan lalo na nang malaman niyang nag-iisa lang ako na nagpunta roon.

Ayun lang, till next video, letter and event ulit, Kairus. Thank you for making me happy. ❤

-Live, laugh, love

Saving GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon