16 - Ultimate Vlogger

98 14 1
                                    

February 18, 2020

Hi, Kairus!

I'm back at it again with another letter and video. At ang featured video ngayon ay "Ultimate Vlogger."

Siguro, isa talaga sa mga charm mo kaya maraming nanonood sa 'yo ay dahil sa humor mo, plus your words of wisdoms. Ilang beses ko na rin yatang nasabi ito, pero hindi ako magsasawang sabihin iyan. Your humor and words of wisdoms saved me, and still saving me.

Katulad ng video mo na ito. Inumpisahan mo siya ng nakakatawa at as usual, puro na naman kalokohan. Paano ba naman para mo talagang pinagmukhang tanga iyong kapatid mo. Sabi mo, tuturuan mo siya kung paano maging isang magaling na vlogger, pero iyong mga ipinagawa mo sa kanya, para namang walang sense. Haha! Pero dahil ikaw si Kairus, iyong walang sense, nagkakaroon ng sense sa huli. Oha, grabe na talaga ang pagpuri ko sa 'yo. Lol!

Hindi ko rin kasi maintindihan kung paano makakatulong sa kapatid mo ang pagdala sa kanya sa football field. Pagkatapos, pinaapak mo lang siya sa damo nang tatlong minuto. At pagkatapos niyon, pinatitig mo siya sa goal nang tatlong minuto rin. Sa huli, pinasigaw mo siya ng "sisikat ako" nang one hundred times kahit pinagtitinginan na siya ng mga tao. Talaga namang nagmukha siyang tanga sa mga manonood. Haha! Pero iyong sinabi mo sa huli ng video mo, that makes sense.

"Keep your feet on the ground. Eye on the goal. Huwag pansinin ang mga tumitingin kasi distractions lang sila." -Cong TV

Tama ka naman. Kahit saan ka dalhin ng pangarap mo, kailangang lagi pa ring maging humble. Just like you. Hehe! Huwag kang magmayabang sa kung anuman ang narating mo. At huwag kang manghamak ng kapwa. Just keep doing what you're doing nang hindi nangda-down ng ibang tao.

And... you should focus on your goal, on your dream. Huwag kang pa-distract sa mga tao, lalo na sa mga taong ang gusto ay bumagsak ka lang. Marami kasing ganyan sa paligid. Hindi mawawala ang mga taong pupuna sa 'yo. Don't wallow to that, instead gawin mo iyong motivation para lalong umangat. Basta gawin mo lang kung ano talaga ang dapat mong gawin para sa pangarap mo.

"Mata sa langit, paa sa lupa. Dream big. Aim for the sky." -Cong TV

Nabanggit ko sa huling letter ko na parehas kayo ng kuya ko, 'di ba? Tama nga ako, lalo na nang mapanood ko ang video mo na ito. Alam mo ba na ang kuya ko ang nag-push sa akin sa pagkanta? Nang marinig niya ako minsan na kumanta, sabi niya sa akin, may potential daw ako, basta mag-practice lang daw ako lagi.

Sa province kasi namin, kapag may mga handaan katulad ng birthday-an, hindi mawawala ang videoke. At mula nang malaman ng kuya ko na "magaling" akong kumanta, lagi niya akong pinapakanta sa videoke. He was so proud of me. Kung minsan naman, bigla na lang iyong maggigitara, pagkatapos pakakantahin niya ako.

I really miss my brother. Siya lang talaga ang kakampi ko, eh. Mahal na mahal ko ang kuya ko. Minsan nga naiisip ko, sana ako na lang ang namatay. Sana siya na lang ang nabuhay. Alam mo kasi, si Kuya ang paborito ng mga magulang ko. Okay lang naman sa akin iyon. Who wouldn't love my brother anyway? Kung matalino ako-katulad ng sinasabi nila-mas matalino ang kuya ko. Mas talented rin siya kaysa sa akin. At... sobrang bait din ni Kuya, kaya lahat ng tao, gusto siya, mahal siya.

Nang mawala nga si Kuya, ang daming nagluksa at ang daming nanghinayang. Bata pa kasi si Kuya nang mawala siya. He was just in his sophomore year in college. Marami pa sana siyang maa-accomplish kung hindi siya kinuha sa amin.

Akala ng mga tao, ang mga magulang ko ang pinakanaapektuhan nang mawala si Kuya, pero mali sila. Ako talaga ang pinakaapektado. Oo, i-claim ko na, ako talaga. Kasi, hindi lang si Kuya ang nawala sa akin, nawala rin ang mga magulang ko... not physically though. Ang daming nagbago nang mawala si Kuya. As in sobrang dami. Kaya nga sana ako na lang ang nawala. Ako na hindi naman paborito, ako na second best lang. Kung ako siguro ang namatay, hindi magiging ganito ang mga magulang ko.

Jusko, ito na naman, napa-drama na naman ako. Pasensiya na. Haha! Ikaw kasi. Char! 'Ayun lang, till next video and letter na lang ulit.

-Live, laugh, love

Saving GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon