46 - Beautiful Scars

79 12 1
                                    

February 12, 2021

Hi, Kairus

I'm back! Miss me? Char! Ang assumera ko talaga minsan. Pasensiya naman na, mapapatawad mo ba ako? Haha! Napanood ko na iyong last two vlogs mo. Grabe ka! Hindi ko in-expect na you will make a vlog of me. Sino ba naman ako? Isang hamak na fan mo lang naman ako. Haha! Am I worthy to be your content?

Anyway, don't worry, hindi ko naman inisip na ginagamit mo lang ako for clout. Actually, natuwa pa nga ako sa pa-challenge mo. Feeling special ako sa pa-hash tag mo na #FindingRaya ang cute lang. Haha!

Alam mo bang pati sina Daddy, gustong makisali sa challenge mo? Oo, alam nila itong pakulo mong ito. Don't worry, hindi naman daw sila galit. Tinanong pa nga ako kung bakit daw nahihiya ka sa kanila na magtanong about my whereabouts. Gusto na nga raw nila na magkita tayo. Lol!

At iyon na nga, gusto nilang makisali sa pinaggagagawa mo. Alam naman daw kasi nila kung nasaan ako. Sayang naman daw kasi ang 100k na papremyo mo. My God! Ibang klase talaga ang impact na dinala mo sa pamilya namin. Lakas! Haha!

And please say my thank you rin pala sa mga kaibigan mo. Kasi sobra ang suporta nila sa 'yo, eh. Ibang klase talaga ang barkadahan n'yo. Handang gumastos para sa tropa. Puwede pong pautang sa inyo? Haha!

I also want to thank you for respecting my privacy. If you're just going for the content and the money, hindi mo na iisipin ang private life ko, eh. Iyon din ang sabi ni Daddy, kaya nga natutuwa sila sa 'yo.

Grabe, Kairus, ang overwhelming sa feeling ng ginawa mo, pati na rin iyong paghahanap na ginagawa mo sa akin. I mean, puwede mo naman akong pasalamatan nang simple lang, pero this... nakaka-touch. My heart is so full because of this, because of you.

Mabilisan kong isinulat ito at ipinadala kay Daina. Huwag kang mag-alala, hindi naman daw sasali si Daina sa pa-challenge mo. Nanghinayang nga ang loka-loka sa premyo. Haha! Alam na niya kasi kung saang lugar ako nandoon, pero hindi naman daw niya sasabihin sa 'yo.

I'm up for the #FindingRaya challenge, pati na rin si Daina, kaya hindi muna namin sasabihin kung nasaan talaga ako. Minsan ko lang maramdaman na ganito ako ka-special kaya susulitin ko na.

Pero, masaya ang puso ko ngayon, Kairus. Nandito ako ngayon sa probinsiya namin, kung saan ako ipinanganak at lumaki. Oha, may idea ka na kung nasaan ako. Haha! Yes, pinayagan ako nina Daddy na bumalik dito after ilang months mula nang magkaayos kami. Pero hindi sila sumama. Hindi pa raw nila kayang bumalik dito. Memories of my late brother are still haunting them. Kaya iyon, ako na lang muna ang nandito. Ang saya lang kasi, reunited kami ng mga kababata ko.

All those years, hindi nila ako nakalimutan, Kairus. Ang saya ko lang talaga. Ganoon pa rin ang treatment nila sa akin. Sobra nila akong alaga dito, kaya naman nag-e-enjoy ako rito. Huwag kang mag-alala, babalik din naman ako, kaya magkikita rin tayo. Haha!

At... alam mo bang iyong mga kababata ko pa ang nagsabi na may vlog ka raw na #FindingRaya? Nagulat ako kasi fan mo rin pala sila. Lodi ka raw nila kasi good influencer ka raw. Don't worry, hindi ko sinabi sa kanila na ako ang Raya na hinahanap mo. Saka na lang, kapag pauwi na ako, para naman medyo tumagal ang pa-challenge mo. Haha!

Kairus, lahat ng nangyari sa nakalipas na buwan after my attempted... you know, ikinuwento ko rin iyon sa 'yo. Pero hindi na sa letters, kundi sa chats. Alam kong hindi mo pa iyon nababasa, kasi hanggang ngayon, hindi mo pa nasi-seen, eh. Haha! Siguro, natabunan na sa dami ng message requests mo. Ang dami mong fans, eh.

I had to chat you about everything. I know I had to. Parang fresh start na rin for me. Sulat sana ulit ang gagawin ko, kaya lang naisip ko, iyong pagsusulat ko ng letters sa 'yo, iyon iyong panahon na sobrang lugmok ako sa buhay. Iyon ang phase na parang ayaw ko ng mabuhay. Eh, di ba, kailangang fresh start na ako? So, instead of sending you letters again, I chose to chat you. Umaasa rin ako na baka one in a million, mapapansin mo ako. Haha!

So, iyon na nga, ichinat ko sa 'yo ang mga nangyari sa akin sa mga nakalipas na buwan matapos ang huling sulat ko sa 'yo. Hanapin mo na lang din ang chat ko. Iyon naman ang challenge ko sa 'yo. Haha! Maghanap ka sa napakarami mong message request diyan.

So, baka nagtataka ka ngayon kung bakit sumulat na naman ako, eh, fresh start na nga ang gusto ko. Bukod sa na-miss kong magsulat ng letter para sa 'yo, gusto ko na lang ding tuluyang isara ang phase na ito with a positive note. Kaya, ito na talaga ang last letter ko para sa 'yo.

Pero teka, speaking of letters... alam mo bang bigla na lang nawala ang box na pinaglalagyan ko ng mga letters ko sa 'yo? Paano napunta sa 'yo ang mga letters ko? Sino ang nagbigay sa 'yo niyon?

Pero... My gosh! Nakakahiya talaga ang mga nakasulat sa letters ko. Lalo na iyong... crush kita. Pero, yeah, totoo naman, eh. Hindi ko naman itatanggi. Haha!

Sino ba namang hindi magkaka-crush sa 'yo? My God! Nakakahiya talaga ako. Huwag na kaya akong magpakita sa 'yo? Haha!

Pero that day... I know that you deserve to know na may tao kang natulungan. Na natulungan mo ako. Decided na ako na ibigay sa 'yo ang mga sulat na iyon. But I'm really in pain that day. Hindi ko nga alam kung paano ko pa nasulat ang last letter ko para sa 'yo. Ang natatandaan ko lang, umiiyak ako habang isinusulat iyon. Ang gusto ko na lang kasi talaga nang araw na iyon ay ang mamatay. I just want my pain to disappear.

Kaya iyon, hindi ko na rin naibigay sa 'yo ang mga sulat. Hindi ko rin kasi alam kung saan ka pupuntahan that time. Ang tanga ko lang sa part na sumulat pa ako, hindi ko rin pala maibibigay. Haha!

I can't ask Daina since hindi niya alam at wala akong balak ipaalam sa kanya ang gusto kong gawin nang araw na iyon. So, paano nga napunta sa 'yo ang mga sulat? That remains mysterious to me. Sana masagot mo ito, kasi gusto ko talagang malaman.

Kairus, iyong vlog mo na Grace of God, pinaiyak mo na naman ako. Pero huwag kang mag-alala, hindi ako umiyak dahil masakit ang puso ko. Umiyak ako kasi masaya ako. I am moved by your words. Actually, marami pa akong gustong sabihin, pero mas maganda kung sasabihin ko sa 'yo iyon personally.

Pero, Kairus, alam mo ba, hanggang sa huli, ikaw pa rin talaga ang nagligtas sa akin. You're really my savior. Ikaw ang ipinadala ni Lord para sa akin, para matauhan ako. Malalaman mo iyan kung bakit kapag nabasa mo na ang chats ko.

Thank you, Kairus, for saving me in every way you can save another. Thank you for making me feel that I am not alone. That I am not a burden. That I am loved.

Alam kong hindi sapat ang salitang salamat para sa mga nagawa mo sa akin. I'm forever grateful to you, Kairus. Wait for me, I'll be back. ♥

-Live, Laugh, Love

Saving GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon