57 - Culinary Skills

39 4 0
                                    

February 28, 2021

Kairus' Vlog Content

Kairus: Wazzup, mga trops. Today, today, today! Well, may guest ulit tayo for today's video. At mukhang magiging regular content material na siya sa mga videos ko. Well, iyon ay kung papayag siya. Haha!

(Jander on the background)
Sus, Kuya. If I know, mukha namang masayang-masaya ka na pumapayag siya na makasama sa videos mo. Hahaha!

(Hiraya on the background)
If the price is right, Kairus. Haha!

Kairus: Narinig n'yo 'yon, mga trops? Akala ko, sobrang willing siya na maging content material, iyon pala, TF lang ang habol. Ibang klase, 'di ba? Nahahawa na talaga siya sa mga ungas dito!

(Hiraya on the background)
Wala ng libre sa panahon ngayon, Kairus. Haha!

(Kino on the background)
Libre ang magmahal, Raya, kaya sana mahalin mo na si Kairus. Yie! Haha!

(Yuan on the background)
Ay, bakit parang kinilig si Kairus Cross sa sinabi mo, Kino?Haha!

Kairus: Manahimik kayo! Mag-ML na lang kayo diyan. Anyway, Raya, natututo ka na talaga, ha? Sabi ng huwag kang magdidikit sa mga ungas sa paligid, eh. Hindi ko alam kung maililigtas pa kita sa kanila.

(Jander on the background)
Ang sakit mo namang magsalita, Kuya. Grabe ka na!

(Legend on the background)
Wow, savior 'yan? Ano ka, si Jesus?

(Reign on the background)
Hindi object si Jesus, Legendary. Igalang mo si Lord. Ang tamang word ay sino, hindi ano. Kaya ka nagkakasala, eh. Hay!

(Legend on the background)
Umepal ka na naman, Reign pangit!

Kairus: Ang gugulo n'yo. Mga ungas talaga kayo!

(Kino on the background)
Kanina ka pa, Boss Kairus. Ang sakit mo na talagang magsalita. Ganoon na ba kami kasama sa paningin mo? O gusto mo lang talaga na ikaw lang ang maging mabait sa paningin ni Hiraya?

Kairus: Bad influence naman talaga kayo. May angal ka?

Hiraya: O, easy-han n'yo lang. Hi, mga trops ni Kairus. I hope okay lang sa inyo na nandito na naman ako sa vlog niya. Hindi po ako clout chaser... ano, ahm, medyo lang. Haha!

Maze: Based naman sa comments ng mga trops, okay ka naman daw bilang content material. 'Wag kang mag-alala, kinikilig pa nga kami sa inyo.

(Reign on the background)
True! Kahit wala pa kayong ginagawa, kinikilig na kami. Ayie!

Hiraya: Ay, hala! Bakit naman ganoon? Haha!

Maze: May ship name na nga kayo ni Kuya galing sa mga fans.

Kairus: Anong ship name naman 'yan?

(Jander on the background)
Luh? Bakit parang kinikilig talaga si Kuya? Kanina pa siya nakangiti. Hahaha!

(Reign on the background)
KaiRaya! OMG! Kinikilig na naman akooo!

Kairus: Huy, Reign Venus, umayos ka nga d'yan. Nakakahiya kay Raya!

(Kino on the background)
Sus, okay lang 'yan kay Hiraya. 'Di ba, Hiraya?

Hiraya: Ha? Ano ba 'yon?

Maze: Ate Raya, guwapo ba si Kuya Kairus? I mean, may pag-asa bang maging crush mo siya?

Hiraya: Hala, bakit ganyan na ang mga tanungan? Ang akala ko magluluto lang tayo dito? Haha!

Saving GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon