83 - Surreal

16 3 0
                                    

Hiraya’s Blog Post

Surreal by: Keep the Faith
1 day ago— 4-minute read

Read More >>

Hello! How’s life? Sana okay lang tayong lahat ngayon. I’m sorry kung bigla na lang akong nag-MIA at ngayon na lang ulit nakapag-post. Medyo nagpahinga lang ako these past few weeks. I guess, I really need that rest. Ngayon, puwede na akong magkuwento ng mga ganap sa buhay ko.

'Di ba, nabanggit ko noong nakaraang blog ko na akala ng mga magulang ko, nagha-hallucinate lang ako nang sabihin kong buhay si Kuya kaya naman nag-schedule agad ng checkup for me. Well, noong una, kahit ako naghe-hesitate na paniwalaan ang naiisip ko. Hindi ko na kasi talaga alam kung ano ang iisipin. Naghalo-halo na lahat ng puwede kong isipin at maramdaman.

Medyo nawala rin ang tiwala ko sa sarili ko the past weeks. Naisip ko, baka nga nagka-relapse ako at mas lumala ang sitwasyon ko kaysa sa gumaling agad ako. I was really struggling.

Pinipilit kong maging okay, pero sumisingit talaga lagi sa isip ko ang lalaking kamukhang-kamukha ni Kuya—si Dylan. Nagtutugma ang isip at puso ko, eh. Ang sinasabi ng isip at puso ko, siya si Kuya.

Little did I know na while I’m struggling that time, kinausap pala ni Kairus sina Daddy at Mommy. He convinced them na puntahan na si Dylan sa Baler para magkaalaman na talaga. Para lahat, matahimik na. Hindi nila agad iyon sinabi sa akin. Lately ko na lang nalaman. Grabe lang!

Wait, speaking of Kairus pala! Hindi ko alam ang mararamdaman ko dahil sa kanya. Alam ninyo ba na habang nagtatago ako sa mundo at sa mga tao, Kairus were sending me letters. Ginawa niya rin iyong ginawa ko noon! Sobra talaga akong nagulat n

Hindi lang niya ako basta sinusulatan ng letters. Sinasagot niya iyong mga letters ko dati. He was doing that for me to feel good in a way. Hindi ko alam kung ano ang nagawa ko to deserve Kairus, but I’m thankful na dumating talaga siya sa buhay ko.

Anyway, hayun na nga. Nagpunta pala sila sa Baler to see Dylan. Ikinuwento ni Mommy sa akin ang mga pangyayari since hindi nga nila ako kasama papunta roon.

At alam ninyo ba? Sabi ni Mommy sa akin, naintindihan niya agad ako nang una niyang makita si Dylan. That certain feeling na hindi ma-describe, naramdaman din daw iyon ni Mommy. Then, they learned that Dylan has an amnesia. So, lalo raw tumindi ang pag-asa ni Mommy na baka nga si Dylan ay ang kuya ko.

Hindi na masyadong idinetalye ni Mommy ang mga pangyayari sa pag-uusap nila. Habang nagkukuwento kasi siya sa akin ay umiiyak siya, kaya naman pati ako, umiiyak na rin.

Anyway, ang pinagtapusan daw ng usapan ay napagkasunduan na ipa-DNA test si Dylan. Para magkaalaman na. Para sa peace of mind ng lahat. At iyong resulta ng DNA test, lumabas the day before my birthday. O, 'di ba? Magbi-birthday akong hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Haha!

And... the result? Dylan... he's my Kuya Hunter. Yes, iyon ang lumabas sa resulta ng DNA test. He is trully my brother. Hindi namin alam kung paano nangyari iyon. Kung anong himala ang nangyari dahil pagkatapos ng ilang taon na akala namin wala na siya, heto si Kuya Hunter, nagbabalik sa piling namin.

It felt surreal, sa totoo lang. Kasi matagal kong hiniling na sana, bumalik ang kapatid ko sa amin. Na sana, buhay pa ang kuya ko. At hindi lang dahil sa treatment ng parents ko sa akin dati, ah. I just want my brother back. Because I miss and love him. At ito, nandito na siya isang araw bago ang birthday ko. What a surprise birthday treat indeed.

Of course, after the result of the DNA test, awkward moments followed. Hindi namin alam kung paano at ano ang gagawin, lalo na at may amnesia si Dylan este si Kuya Hunter. Siyempre, naninibago rin siya. So, kinausap kami nina Mommy at Daddy. Our family had a heart to heart talk and decided that we take things slowly. Nagkasundo naman kaming lahat doon.

Isa pa, may naiwan din si Kuya na kinilala niyang pamilya sa Baler. Hindi naman niya basta-basta matatalikuran ang itinuring niyang pamilya roon. Malaki rin ang pasasalamat namin sa kanila. Kasi minahal at inalagaan nila si Kuya. Kaya naman hindi namin ilalayo si Kuya Hunter sa kanila.

Ito na siguro ang pinaka-memorable na birthday ko. Sobrang grateful ko sa unexpected gift na ito from God. Katulad ng sabi sa akin ni Kairus, I should take this positively. Hindi madali, pero kakayanin.

Siguro, may ilang kukuwestiyon kung bakit nasabi kong hindi madali, eh, blessing na bumalik sa amin ang kapatid ko.

Yes, sobrang blessing naman talaga ito para sa pamilya namin. Pero hindi madaling i-process lalo na at malaking impact ang dinala ng pagkawala niya dati. Sobrang laki ng impact na halos ikalunod namin at ikalubog sa kumunoy. Pagkatapos malalaman naming buhay pala si Kuya. Grabe lang talaga ang twist ng buhay na nararanasan ko.

Pero sa dami ng nangyari at nangyayari sa buhay ko ngayon, sobrang thankful ako sa panibagong taon na ibinigay sa akin ni Lord. Muntik ng hindi ako umabot sa birthday ko this year, pero heto pa rin ako, muling nagse-celebrate ng kaarawan. Bonus pa iyong bonggang gift sa akin this year. I'll be forever grateful.

Thank You, Lord, for all the blessings.

Live. Laugh. Love.

Saving GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon