Hello, everyone!
Finally, natapos ko rin itong Saving Grace. Inabot siya ng halos 4 years bago ko ito natapos. Naging busy kasi sa work and personal life, then ayun medyo hindi ko rin talaga alam paano itutuloy ito. Haha! Kaya salamat sa mga kaibigan kong lagi akong pinu-push para tapusin na ito.
Sinulat ko ang Saving Grace noong kasagsagan ng pandemic. Sobra akong na-inspire sa mga vlog ni Cong TV at ng Team Payaman. They became one of my lights noong panahong inaatake ako ng anxiety at ilan lang sa malalapit sa akin ang nakakaalam, kaya naman naging hyperfixated talaga ako sa TP. Kaya ang resulta, ito, isang buong nobela.
Kaya maraming maraming salamat talaga sa mga nagtiyagang naghintay na matapos itong SG. Maraming salamat sa pagbabasa. Sana ay nagustuhan n'yo ito at na-inspire kayo kahit paano. Huhu!
And... I just want to say that I'm planning to self-pub Saving Grace. Sa mga interesado pong bumili ng book, balak ko pong magpa-preorder, details soon po! 💙
Sa mga katulad ni Kairus na ginagawa ang mga bagay na mahal nila at ang passion nila, ipagpatuloy n'yo lang yan. Malay natin, di ba, may mga tao na pala tayong nai-inspire at natutulungan nang hindi natin alam.
At sa mga katulad ni Raya who are in the verge of giving up, yung mga palubog na sa kumunoy ng buhay nila, always find the light na magsisilbing mitsa para magningas ang apoy sa puso n'yo para lalong lumaban sa mga hamon ng buhay. Laban lang sa buhay!
Kay Cong TV at sa buong Team Payaman, maraming salamat for inspiring me. Pawer!
Maraming salamat po ulit. Live. Laugh. Love.
Love,
Me, Raya and Kairus